Lamay ni TJ Cruz, dinagsa ng mga nagmamahal

PHOTOS: Anna Pingol & @lynncruz525

PHOTOS: Anna Pingol & @lynncruz525

Kagabi, November 22, ang ikalawang gabi ng lamay para sa pumanaw na anak ng magaling na actor na si Tirso Cruz III na si TJ or Tristan Jedidiah Ynchausti Cruz.

Lymphatic cancer ang sanhi ng pagkamatay ng dating child star-turned-hospital administrative officer na si TJ at nilabanan niya ito sa loob ng anim at kalahating buwan.

Inilihim ng mag-anak ang naging kalagayan ng anak, sa kahilingan na rin ni TJ. Kaya naman marami ang nabigla at hindi makapaniwala sa nangyari lalo pa’t naging napakagaling ng pagdadala ng pamilya sa mabigat na ordeal na ito.

Nagsipagdagsaan mula pa noong unang gabi ang mga nagmamahal sa pamilya Cruz mula sa loob at labas ng showbiz. 

Sa unang gabi dumating sina Coco Martin, Maricel Soriano, ang pamilya Tuviera ng TAPE, Inc at APT Entertainment; Amy Austria, mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, mag-asawang Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza at Ms. Charo Santos Concio.

Heto naman ang ilan sa mga nasaksihan naming eksena at mga nakiramay noong second night:

 

Mga kuha ito matapos ang Christian memorial service na idinaos para kay TJ. We saw lots of hugs exchanged that night. Very well-loved kasi sa showbiz industry ang pamilya Cruz.

 

As of last night, November 22, nasa 65 piraso na ang bilang ng mga wreaths na nakapalibot sa loob at labas ng chapel kung saan nakalagak ang mga remains ni TJ.
Ilan sa mga nabasa naming pangalan ng nagpadala ay ang mag-asawang Vic at Pauleen Sotto, mag-asawang Manny at Cynthia Villar, Coco Martin, QC Mayor Herbert Bautista, at mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

 

ABS-CBN’s Direk Lauren Dyogi giving Tirso Cruz a warm hug.

 

(L-R): Christopher de Leon, Kuh Ledesma (who came with daughter Isabela, not in photo), and husband and wife Angeli (back to camera) and Gary Valenciano. Gary offered to sing at TJ’s memorial service that night and his songs included “Warrior is a Child.”

 

Newly-engaged couple Rodjun Cruz (center) and Dianne Medina chat up with TJ’s younger sister Djanin. Rodjun and his brother Rayver (not in photo) are cousins of the deceased.

 

Ricky Davao—here with daughter Ara—came all the way from Bohol that day. He’s here chatting with good friend, character actor Rez Cortez.

 

Joko Diaz (center) also came to condole with the Cruzes. Joining Tirso and Joko in their conversation is Ricky Davao (left photo, back to camera). Ricky and Joko were later joined by Cain at Abel actor Ervic Vijandre.

 

Natuksong magpa-KFC si Boyet de Leon that night. Isa kasi si Boyet sa mga gumanap bilang Colonel Sanders sa mga TV commercials ng nasabing fried chicken brand. Sa pag-uudyok na rin ng mga kaibigan ay nagbigay ang mag-asawang Tirso at Lyn na kumain din bagama’t kapiraso lang nagawang ubusin ni Lyn.
Legends ang tawag sa barkadahang kinabibilangan ng mag-asawang Tirso at Lyn at ilang sa kanila ang nasa umpukang ito. 70s pa nang maging magkakaibigan sioang lahat at na-forge pang lalo ang friendship na ito through the years.
Ang mga Legends ay sina: Christopher de Leon at Sandy Andolong, Lorna Tolentino and her late husband Rudy Fernandez, Amy Austria and husband Duke Ventura, Gina Alajar, Isabel Rivas, Ali Sotto, Laurice Guillen and late husband Johnny Delgado, Ricky Davao at maging si senator Jinggoy Estrada at senator Bong Revilla.

 

Alas-dos ng madaling-araw nang dumating si Wowowin host Willie Revillame, na agad yumakap kay Tirso—kasama ang ilang co-hosts at staff kabilang sina Le Chaz at Sugar Mercado.

 

Matagal nang magkaibigan sina Boyet at Pipo (mga palayaw nila) at halos magkapit-bahay lang din sila sa Paranaque. Marami na silang pinagsamahan hirap at ginhawa bilang magkaibigan. In fact, noong gabing yon ay nagre-reminisce ang asawa ni Pip na si Lyn kung paano niyang inihahabilin lagi sa bahay nila Boyet at Sandy ang mga anak nila kabilang si TJ.

 

(L-R): Direk Bobot Mortiz, Tirso, Ricky Davao, Willie Revillame, and Boyet de Leon.

 

Ilan pa sa mga namataan namin that night sina Maritoni Fernandez, Ryan Eigenmann, Gio Alvarez, Maricar de Mesa, Paulie Yllana, dating aktres na si Nikka Valencia, Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga!, si Ms. Cory Vidanes ng ABS-CBN at GMA bosses na si Redgie Magno at Lilybeth Rasonable. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.