Lauren Young, sa Subic na rin maninirahan

“I’m just renting in Manila and I was staying there for school before and for work. And now that all our works are online or naka-bubble taping, naisip ko na parang hindi worth it na gagastos ako ng ganitong pera para mag-stay sa Manila in a small space, na hindi ko naman kailangan na nandoon ako?” paliwanag ni Lauren kung bakit siya nagbalik-probinsya

Photos: @lo_young | screen grab from Lauren Young YT

“I’m just renting in Manila and I was staying there for school before and for work. And now that all our works are online or naka-bubble taping, naisip ko na parang hindi worth it na gagastos ako ng ganitong pera para mag-stay sa Manila in a small space, na hindi ko naman kailangan na nandoon ako?” paliwanag ni Lauren kung bakit siya nagbalik-probinsya

Ngayong pandemic, isa ang Kapuso star na si Lauren Young na nag-desisyong sa probinsiya na manirahan.

Katulad ng kapatid na si Megan Young at mister nitong si Mikael Daez, bumalik na rin si Lauren sa kanilang hometown, ang Subic. 

Ipinakita ni Lauren ang kanyang bagong bahay sa Subic Bay sa kanyang YouTube vlog. And unlike other celebrity house tours na malinis, maayos na maayos ang bawat gamit, unfiltered ang naging vlog ni Lauren.

Kahit si Lauren mismo, walang make-up o ayos man lang.

“We like to keep it real here. Hindi naman tayo nagkukunwari na mayaman tayo, na sosyal tayo. Kasi, that’s just not me,” lahad ni Lauren sa kanyang vlog.

“Dahil wala na akong mauuwian sa Manila, I decided to go to my new house in Subic Bay,” dagdag pa niya. “I have officially moved out of Metro Manila.”

Ipinaliwanag na rin ni Lauren kung bakit siya umalis na ng Manila at nagdesisyon na sa Subic na manirahan.

“Why did I move out of Metro Manila and why I am living in Subic Bay?  Well, to be honest with you, I don’t have to be in Manila anymore.

“Anyway, I’m just renting in Manila and I was staying there for school before and for work. And now that all our works are online or naka-bubble taping, naisip ko na parang hindi worth it na gagastos ako ng ganitong pera para mag-stay sa Manila in a small space, na hindi ko naman kailangan na nandoon ako.

“I can be in my home town, in a bigger house. ‘Yung bahay talaga na lilipatan ko, which is our family house, ni-renovate namin.”

Inamin naman niya na hindi raw niya nakikita dati na babalik pala siya ng Subic Bay at pipiliin na manirahan muli doon.

“It’s pretty amazing how life works out when you just put your mind to it and adjust your expectation,” saad niya.

Ayon pa kay Lauren: “I don’t want to sound preachy, but I feel like God has blessing me and the stars are aligning for me to just do well.

“I do have a couple of announcements—I’m back to work and I’m also debt-free now. Lahat ng kinikita ko ngayon, napupunta lang sa akin, sa savings ko at sa mga gusto kong gawin.”

Mula eleven years old, nagta-trabaho na raw siya at 28 na siya ngayon, which makes it 17 years of work.

“Pero because of life’s challenges, situations, hardships and also because of the mistakes that I made, sometimes my life has been quite difficult.

“But now that I’m just focused and now that certain luxuries in my life don’t really matter to me anymore.

“Parang finally masasabi ko na, for the longest time that I’ve been living my life, this is the first time na masasabi ko ng genuinely true, this is the life I’m supposed to live.

“I’m excited to get home. I’m excited to reconnect with my family and my friends. I’m just so happy to be out of Metro Manila. I feel like in the future, I will end up back there. When I get married, have kids.

“Right now, my mind is kinda relaxing...living my life here. Spending the same amount of money, bigger space, why not? That’s why I moved out of Metro Manila.”

“Manila isn’t everything,” pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lauren Young chides DJ Loonyo and his take on the use of face masks during the COVID-19 pandemic; claps back at bashers defending his statement

Mikael Daez at Megan Young, nag-goodbye Manila na para tumira sa Subic, Zambales

Lauren Young’s online confessions reveal her “bad parts”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.