Lea Salonga: “Pasadong-pasado” si Aga Muhlach “sa kapal ng mukha”

PHOTO: @msleasalonga on Instagram

PHOTO: @msleasalonga on Instagram

“Pasadong-pasado ... sa tapang, lakas ng loob at kapal ng mukha.”

‘Yan ang reaksyon ni Lea Salonga ngayong araw nang malamang kinantahan siya ng good friend at former loveteam partner na si Aga Muhlach sa isang episode ng Gandang Gabi Vice.

Nag-guest si Aga sa weekly talkshow to promote his latest film, First Love, with his leading lady Bea Alonzo.

Isa sa mga tinanong ni Vice Ganda kay Aga at Bea ay kung ano ang tatanungin nila kay Lea Salonga pag nagkita sila.

Si Lea ang leading lady ni Aga sa critically-acclaimed 1995 film na Sana Maulit Muli, directed by Olivia Lamasan.

Ang tanong ni Bea sa singer: “Kelan kayo magpe-pelikula again ni Aga Muhlach?”

Habang si Aga naman ay natatawang nagtanong: “Kelan mo ako gagalangin bilang isang kumakanta?”

Dagdag ni Aga: “[Si Lea] lang ang hindi naniniwalang hindi ako magaling kumanta… Sabi ko kung wala man akong boses, may lakas ako ng loob at may tapang ako.”

To prove his point, kumanta si Aga ng ilang lines mula sa “Sana Maulit Muli,” dahilan para kiligin at tumili ang audience.  

Dinepensahan naman ng fans si Aga sa tweet ni Lea, pointing out to Lea na hindi naman daw sintunado ang dati niyang leading man.

Pero meron ding fans na nagtatanong kung magkaka-pelikula ba uli ang dalawa.

Sabi ng Twitter user na si @mharvinna: “Hahaha sana maulit muli mag ka movie kayo! Hehehe... kung ganyan ka gwapo ang makapal na mukhan Ma’am, why not! I love u Ms. Leah.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.