Legal Wives actor Abdul Raman, nananawagan ng tulong pinansyal at nagbebenta ng gamit para sa na-stroke niyang ina

“I am desperate and in dire need of everyone's help who is willing po, and I am willing to sell my personal belongings to pay for the hospital bills.”—Abdul Raman

PHOTOS: @AbdulRahmanWadah & @joyettes.santos on Facebook

“I am desperate and in dire need of everyone's help who is willing po, and I am willing to sell my personal belongings to pay for the hospital bills.”—Abdul Raman

Humihingi ngayon ng tulong ang StarStruck Season 7 finalist na si Abdul Raman para sa kanyang nanay na na-stroke.

Sa kanyang Facebook post kahapon, July 13, nanawagan ng financial help ang Filipino-Egyptian actor para sa ina n’yang si Joyettes Geronimo Santos na nasa ICU ngayon matapos ma-stroke noong July 12.

“Hello po sa lahat ng mga friends and families ko, this is the first and only time na mag po post po ako ng ganito,” panimula ni Abdul sa Facebook.

K’wento n’ya, wala daw s’ya sa kanila nang isugod sa ospital ang kanyang ina dahil kasalukuyan s’yang nasa lock-in taping ng upcoming cultural series na Legal Wives.  

“Yesterday my mom had a stroke and was immediately brought to 3 hospitals, the first 2 were over capacity, after the CT scan na laman po namin na may namuo na pong blood clot sa ulo niya, I was at the taping for my show at the time, pauwi pa lang po ako and I haven't seen my mom in almost a month.

“Just today natapos na po operation niya sa ulo and everything went well, but according to the doctor due to the nature of operations in the head, she will never be the same as before.”

At sa puntong ito na humingi ng tulong para sa gastusin nila sa ospital ang Kapuso actor.

“I am desperate and in dire need of everyone's help who is willing po, and I am willing to sell my personal belongings to pay for the hospital bills (I cannot post any picture or video of my mom in the hospital since bawal po),” saad pa ng aktor. 

“I will be posting my personal GCASH account here para sa mga gusto po tumulong. And again, this is hopefully the only time I'd need to do this, maraming salamat po sainyo lahat,” pagtatapos ni Abdul. 

 

Hello po sa lahat ng mga friends and families ko, this is the first and only time na mag po post po ako ng...

Posted by Abdul Raman on Tuesday, July 13, 2021

Maliban sa paghingi ng financial assistance mula sa publiko ay ibinibenta na rin ni Abdul ang ilan sa kanyang mga sapatos para pandagdag sa perang pambayad nila sa ospital. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Singer Rachel Anne Wolfe asking for prayers for brother Richard Merk as he recuperates from mild stroke

Sharon Cuneta asks prayers for Fanny Serrano who suffered a massive stroke

Vice Ganda, feeling na-stroke dahil sa Covid-19 pandemic na nasabayan pa ng problema ng ABS-CBN

Nadia Montenegro almost lost her mom due to “Diabetic Stroke”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.