“Libre booking” joke ni Mayor Isko Moreno tungkol sa anak niyang si Joaquin Domagoso, ikinadismaya ng LGBTQ community

Habang may ilang netizens na nakapanood ng “libre booking” video clip ni Mayor Isko Moreno ay nag-iwan ng “haha” reaction sa Facebook, may ilan din na hindi nakapagpigil at talagang naglabas ng kanilang saloobin sa distasteful umanong biro ni Yorme. Lahad ng isang beki netizen: “Imagine, tatay mo sabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga part ng LGBTQ+ during his rally. How low can you go Isko? At ‘yung anak, parang G na G pa. Baka akala nila super hayok kami sa lalake.”

PHOTOS: @iskomorenodomagoso on Facebook

Habang may ilang netizens na nakapanood ng “libre booking” video clip ni Mayor Isko Moreno ay nag-iwan ng “haha” reaction sa Facebook, may ilan din na hindi nakapagpigil at talagang naglabas ng kanilang saloobin sa distasteful umanong biro ni Yorme. Lahad ng isang beki netizen: “Imagine, tatay mo sabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga part ng LGBTQ+ during his rally. How low can you go Isko? At ‘yung anak, parang G na G pa. Baka akala nila super hayok kami sa lalake.”

Umaani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens ang video clip ng pagbibiro ni presidential candidate and Manila Mayor Isko Moreno Domagoso tungkol sa kanyang anak na si Joaquin Domagoso.

Kuha ito sa campaign rally ni Yorme Isko sa Butuan, kung saan ay nagbitiw siya ng biro na ipamimigay n’ya umano ang binatang anak at Kapuso actor na si Joaquin sa mga members ng LGBT community.

“Sa ating mga LGBT, mamaya, ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre ang booking. Pero tingin lang, ’wag kakainin,” pabirong sabi ni Mayor Isko sa harap ng kanyang mga tagasuporta.

Habang karamihan sa mga netizens na nakapanood ng video ay nag-iwan ng haha reaction sa Facebook, may ilan din na hindi nakapagpigil at talagang naglabas ng kanilang saloobin sa distasteful umanong biro ni Yorme. 

Ayon sa isang taga-suporta ni Vice President Leni Robredo, ipinakita daw ni Isko sa kanyang biro kung gaano kababa ang tingin n’ya sa kanyang mga botante kaya umano lumilipat ang mga ito sa ibang kandidato. 

“No wonder na iniiwan ka ng mga supporters mo, Isko Moreno Domagoso. Ganito mo sila kababa tingnan at tratuhin,” ani nito. 

“While VP Leni literally gives us a platform to speak to be heard and perform to be seen, ikaw ang tingin mo sa amin ay mga sexual beings lang na ang habol ay ‘booking’. Kasuka!” dismayadong dagdag pa n’ya.

Pinatunayan lang umano ng alkalde ng Maynila ang pagkakaroon nito ng hindi kaaya-ayang ugali. 

“Ngayon niyo sa akin sabihin na walang bahid ng toxic masculinity at display of machopolitics yung naging presscon sa Manila Pen nina Isko, Lacson, at Gonzales,” pagpapatuloy ng commenter. 

“Dito pa lang, umaalingasaw na yung nabubulok na karakter ni Isko at paggamit nya ng male privilege nya. Ama ka na, Isko. No to users. No to fake allies.”

 

‪“Sa ating mga LGBT… mamaya ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libreng booking” No wonder na iniiwan ka ng mga...

Posted by Amber Gonzales Quiban on Monday, April 18, 2022

Banat naman ng isa pa kay Mayor Isko: “ANAK niya na yan ha. Kahit sabihin mong ‘joke’, sexually suggestive jokes such as that should not be used to entice a specific group. Masyadong low. Tapos sasabihin niyang depensa hindi sexist remark yung ‘Babae kasi’? Hindi misogynistic? 

“Eh kung yung anak nga niyang lalake na alam niyang may itsura ginagamit niyang pangbiro as if the kid is a sexual object para lang iarouse yung crowd. Everyday palala ka ng palala, Isko.”

 

Gusto kong i-tag yung mga kakilala at kaibigan kong LGBTQ+ na supporter nito. Ganito kababa tingin nian sa atin: “Sa...

Posted by Albert Bonavente Bautista on Monday, April 18, 2022

Sigaw namang member ng LGBTQ community na nabuwisit sa sinabi ni Yorme, hindi umano sila nagkakandarapa sa lalaki gaya ng iniisip nito. 

“Imagine, tatay mo sabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga part ng LGBTQ+ during his rally. How low can you go Isko? At ‘yung anak, parang G na G pa. Baka akala nila super hayok kami sa lalake,” pahayag nito.

 

Imagine, tatay mo sabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga part ng LGBTQ+ during his rally. How low can you go Isko? At ‘yung anak, parang G na G pa. Baka akala nila super hayok kami sa lalake. 🙂

Posted by Morissey Ruiz on Tuesday, April 19, 2022

Wala pang tugon o reaksyon sa ngayon ang mag-amang sina Mayor Isko at Joaquin sa isyung ito.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.