Hindi ikinatuwa ni Kapamilya actress Liza Soberano ang newly released movie poster ng upcoming movie na Tililing.
Ito ang movie kung saan bida sina Gina Pareno, Baron Geisler at Candy Pangilinan kasama sina Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, and Yumi Lacsamana na idinirek ni Darryl Yap na s’yang direktor din ng #Jowable at Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar.
February 6 nang i-release ng VinCentiments sa social media ang official poster ng movie na co-produced with Viva Films.
Dahil sa sensitibong tema ng pelikula, umani nang samu’t saring reaksyon mula sa Netizens ang inilabas na poster. Isa na nga ang aktres na si Liza sa nagbigay ng kanyang saloobin ukol dito.
Sa kanyang naging post sa Twitter ngayong araw, February 8, sinabi n’yang hindi n’ya nagustuhan ang movie poster ng Tililing at hindi daw dapat ginagawang katatawanan ang mental health.
“Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma,” sey ni Liza sa kanyang tweet.
Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma. pic.twitter.com/EHndPS2khs
— Liza Soberano (@lizasoberano) February 8, 2021
Sinuportahan naman ang aktres ng kanyang mga followers sa kanyang naging pahayag.
Suggestion pa ng isang Netizen, mag-produce si Liza ng isang movie tungkol sa mental health awareness at makipag-tie up kay Direk Sigrid Andrea Bernardo.
“Producers keeps on betting on Daryll anu,” sey ng isang Twitter follower ng aktres.
“Why don't you produce your own lead starrer mental health awareness film and tie up with Direk Sigrid. That will be groundbreaking. And the title Stop The Stigma as you said it.”
Producers keeps on betting on Daryll anu 🙄
— 👓 (@etxetera) February 8, 2021
Why don't you produce your own lead starrer mental health awareness film and tie up with Direk Sigrid. That will be groundbreaking. And the title Stop The Stigma as you said it 😉
Komento naman ng isa pa, nagmukha daw katatawanan ang issue ng mental health hindi lamang sa poster kundi maging sa title mismo ng pelikula.
“Yes Hope....nagmukang laughing stock ang mental health cause of the poster and sa movie title mismo. Wala na bang mas appropriate?”
Yes Hope....nagmukang laughing stock ang mental health cause of the poster and sa movie title mismo. Wala na bang mas appropriate?
— 𝓛𝓪𝔀𝓻𝓮𝓷𝓬𝓮 (@LawNotRence) February 8, 2021
“[I] tot i'm the only thinking this!” reply naman ng isa pa sa tweet ni Liza. “Let us end the stigma, let us respect each and everyone's well being, because unlike us, living in a stable mental capacity, those who did not live differently. [L]et us not normalize calling them names just bc they aren't well. it is not a trend.”
i tot i'm the only thinking this! Let us end the stigma, let us respect each and everyone's well being, because unlike us, living in a stable mental capacity, those who did not live differently. let us not normalize calling them names just bc they aren't well. it is not a trend.
— Cams (@mariagail_) February 8, 2021
May ilan naman na dumepensa sa poster at nagsabing huwag munang husgahan ang movie poster gayong hindi pa naipapalabas ang pelikula.
“[H]indi naman porket ganyan yung poster eh puro about na sa mental health,” pahayag ng isang Netizen. “[K]ung napanood nyo na yung Jowable , hindi lang puro kaanohan yung nandon ANDAMI MONG MATUTUNAN SA JOWABLE SUPER WORTH IT PANOORIN.”
hindi naman porket ganyan yung poster eh puro about na sa mental health.kung napanood nyo na yung Jowable , hindi lang puro kaanohan yung nandon ANDAMI MONG MATUTUNAN SA JOWABLE SUPER WORTH IT PANOORIN.
— YannabEar (@hihlovers) February 8, 2021
Baka daw may mas malalim na kahulugan ang poster na p’wedeng mas maintindihan kapag naipalabas na ang movie, lahad ng isang Twitter user.
“The poster has its meaning. At first glance pwedeng mockery, pero if you will analyze the film first maybe then you would understand why the poster is like that.”
The poster has its meaning. At first glance pwedeng mockery, pero if you will analyze the film first maybe then you would understand why the poster is like that.
— Skylight10 (@Skylight107) February 8, 2021
Komento naman ng isa, ang mga hitsura daw ng mga artistang nasa poster ay tulad sa mga mahilig kumuha ng selfie photos with wacky poses at hindi ng gaya sa mga na-diagnose na may mental health issues.
“Sa true lng..ung poster mukha ng mga gawain ng may matitinong utak pg ngpose mgpicture at mgselfie hahahaha.. Mga ganitong galawan…”
Sa true lng..ung poster mukha ng mga gawain ng may matitinong utak pg ngpose mgpicture at mgselfie hahahaha..
— My Alter Ego (@mylildarkside) February 8, 2021
Mga ganitong galawan...
— My Alter Ego (@mylildarkside) February 8, 2021
Sumagot din ang direktor ng pelikula sa naging pahayag ni Liza na ipinost naman sa Facebook page ng VinCentiments, ngayong araw din.
Narito ang kabuuang sagot ni Direk Darryl sa aktres.
“Sa iyo Miss Liza Soberano,
“Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang,
“HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.
“Ang aking mga artista sa pelikulang ito ay nagdaan sa mga pagsubok na nagpatatag din sa kanilang kalusugang pangkaisipan, sigurado kaming hindi nila tatanggapin ang isang proyektong ikapapahamak ng kanilang prinsipyo at pagkatao; Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor.
“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula.
“Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya.
“Maraming Salamat po.
“Darryl Yap”
Sa iyo Miss Liza Soberano, Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng...
Posted by VinCentiments on Sunday, February 7, 2021
Matatandaan na umani rin ng iba’t ibang reaksyon ang mga naunang pelikula ni Direk Darryl dahil sa mga sensitibo at thought-provoking theme.
Anyway, nauna nang naurong ang pagre-release sa pelikulang Tililing noong 2020 dahil sa pandemic pero tuloy na tuloy na daw ito ngayong taon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Legal counsel of Liza Soberano releases statement regarding ‘red-tagging’ issue of the actress
Darryl Yap says his Boys Love series “Sakristan” not only for his fellow LGBTQ+ members
Film director Darryl Yap claps back at bashers; vows to seek legal action
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber