Liza, suko lagi kay Quen

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Hindi pa direktang inaamin ng LizQuen—o nina Liza Soberano at Enrique Gil—kung lumagpas na ba sa level ng exclusively dating ang relasyon nila. Pero sa loob ng anim na taong pagsasama bilang magka-loveteam at special friends ay never pa raw silang umabot sa point na nagkasawaan na karaniwang nangyayari sa ibang matatagal na ang pinagsamahan.

Hindi kailanman daw naiparamdam ni Quen kay Liza—and vise versa—na wala itong kasama or ’yong feeling na being alone despite his company. 

“If you’re with someone but you feel alone? So what’s the point of being together if you feel lonely anyway,” patanong na sagot ni Liza.  At habang naka-titig kay Quen, dinagdag pa niya: “No, I never felt that with Quen. He’s always had my back naman.”

At kahit daw nag-aaway sila minsan ni Liza and he feels bad about it, secured pa rin daw si Quen na nandiyan pa rin ang dalaga. 

At aminado naman si Liza: “Oo nga. Pag nag-aaway kami, sasabihin ko, ‘No, stop talking to me!’ Tapos bababaan ko siya ng phone. Pero ako rin ’yong tatawag sa kanya…hahaha!”

Naka-tsikahan ng pikapika ang LizQuen sa media fair ng pelikula nilang Alone/Together, ang Valentine presentation ng Black Sheep Production, directed by Antoinette Jadaone.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.