LJ Reyes, nasagad na kay Paolo Contis: “Ang sakit lang isipin that you allowed things to happen.”

Hindi direktang sinagot ni LJ Reyes ang tanong ni Boy Abunda kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Poalo Contis. "I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot... "’Tsaka pag babae ka, alam mo yata talaga? Or kahit sinong nagmamahal na tao—di lang babae, kahit anong gender—kapag nagmamahal ka, alam mo. "Kapag kilala mo ang tao, alam mo."

PHOTOS: @lj_reyes on Instagram

Hindi direktang sinagot ni LJ Reyes ang tanong ni Boy Abunda kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Poalo Contis. "I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot... "’Tsaka pag babae ka, alam mo yata talaga? Or kahit sinong nagmamahal na tao—di lang babae, kahit anong gender—kapag nagmamahal ka, alam mo. "Kapag kilala mo ang tao, alam mo."

Si Paolo Contis na daw ang mismong umayaw nang sinubukan n’yang isalba ang relasyon nila, ayon kay LJ Reyes.

Ito ang sinabi ng aktres sa naging virtual interview n’ya with Boy Abunda na in-upload sa YouTube channel ng huli kagabi, September 1. 

Nilunok daw n’ya ang kanyang pride at sinubukang ayusin ang gusot sa pagitan nila for the past several months para sa kapakanan ng kanilang anak. 

Umabot sa point na nag-break kami pero after a few days, na-realize ko na hindi p’wedeng ganito [kasi] may mga bata,” lahad ni LJ sa interview.

Nagbaba po ako ng pride kahit alam kong ako ’yong nasasaktan,” dagdag pa n’ya. “Titiisin ko po para sa mga bata. Iniisip ko baka kailangan nila ng complete family.”

Pero wala na daw intensyon si Paolo na magkabalikan pa sila. 

Tinanong ko siya if he wants to take us back pero hindi na raw,” umiiyak na pagre-recall ni LJ.

Iyon na daw ang naging laman ng huli nilang conversation.

Ayon pa sa aktres, hindi mutual decision ang kanilang paghihiwalay. 

Hindi siya mutual kasi naniniwala po ako na ’pag mutual ang desisyon, pareho kayong [sumsang-ayon] na hindi na nag-work ’yong relationship,” lahad nya. 

Ang pagbabago daw ng behavior ng aktor ang isa naging ugat kung bakit humantong sila sa sitwasyon nila ngayon ang kanilang relasyon. 

Ako po ’yong nagsabi na parang nasa ibang mundo na po s’ya at parang pakiramdam ko, inaantay lang n’ya na manggaling sa ’kin [ang pakikipag-hiwalay],” paliwanag ni LJ. “Ramdam na ramdam ko po na ibang-iba na.

Nagsimula daw ito sa paglabas-labas ng aktor since late last year na hindi naman nito ginagawa noon. 

Madalas po s’yang wala sa bahay,” pagbabahagi pa ni LJ. “He’s a homebody. Kung p’wedeng ’di umalis ng bahay, ’di naman s’ya aalis ng bahay.

May mga nagme-message daw sa kanya ukol sa mga “sightings” kay Paolo.

Umiiwas naman daw ito and would just “dismiss the conversation” kapag sinusubukan na n’yang magtanong about his actions. 

Dito na nagtanong nang direkta si Boy kung third party ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Natagalan bago sumagot si LJ.

“I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot,” matalinhagang sabi niya.

 

“It came to a point, a friend of a friend [ang nagme-message]...’di lang basta friend, close friend...

“’Tsaka pag babae ka, alam mo yata talaga? Or kahit sinong nagmamahal na taodi lang babae, kahit anong gender—kapag nagmamahal ka, alam mo.

Kapag kilala mo ang tao, alam mo.”

Pero aniya, least of her concerns na raw sa kanya ngayon kung nambababae man si Paolo.

Sa totoo lang, kung anuman ’yong third party na sinasabi nila, it's actually the least of my concerns. Kaya nga po ako nag-decide to speak up is because pag anak n’yo na po ’yong nagagawan ng mali...I think kailangan mo sabihin na hanggang dito lang.

“Somehow, kailangan ko ilayo ’yung mga bata kasi kailangan maprotekahan sila. Kailangan magkaroon kami ng healthy at safe environment. Para sa mga bata ’yon, not just for me.

Kaya ko po kung anu-ano marinig ko diyan. Pero pag mga bata na, kailangan ko ilayo...”

Sa puntong ito, muli siyang direktang tinanong ni Boy kung ang tinutumbok ba niya ay ang pananakit ng pisikal sa mga bata.

“Physically po, hindi. Ayokong isipan nila na ganu’n si Pao. Physically, not,” page-emphasize ni LJ.

Kahit nandito ako [at nagpapa-interview], I will never go into particular details because ayokong may masabing ’di maganda

Ang gusto ko lang, e, wag magamit ang mga anak ko. Gusto ko lang maintindihan ng publiko bakit ako umalis at huwag na gumawa ng iba-ibang kuwento na ‘mutual,’ na eto, ‘Okay ang mga nangyayari.’

Hindi po, e.

(Matatandaang si Lolit Solis, manager ni Paolo ,ang unang nag-kumpirma ng balitang hiwalay na nga ang dalawa sa kanyang Instagram account, At ayon kay Lolit, “outgrowing each other” ang dahilan kaya’t nag-desisyon umano silang maghiwalay.)

At one point, deretsahan ding tinanong ni Boy si LJ kung may kinalaman ba sa pera ang pag-guho ng relasyon nila.
Matagal bago naka-sagot si LJ at tila nag-compose muna nang sasabihin.

Basta ang priority ko po ay mga welfare ng mga bata,” indirect na sagot niya.

Ang sakit lang isipin that you allowed things to happen. Kasi ’di mo alam kung saan ka ilulugar. Mahirap kasi ipaliwanag kung hindi ako mag-go into details, pero ayoko gawin ’yon. I'm still protecting the kids."

Sa ngayon ay tuluyan nang pinutol ni LJ ang communication sa dati n’yang nobyo at ama ng kanyang second child. 

Nasa New York City, USA na rin ang aktres since late August bitbit ang dalawa n’yang anak, si Aki kay Paulo Avelino at si Summer na anak nila ni Paolo Contis. 

“We left because I felt like I really need me, myself, and my kids out of the situation physically para kahit papaano matulungan kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family,” paliwanag ni LJ sa kanyang naging hakbang.

Nagsimulang umugong ang hiwalayan nina LJ at Paolo nang mapansin ng kanilang mga online followers ang pagsi-zero ng following ng aktor sa kanyang Instagram account. Meaning, maging si LJ ay in-unfollow n’ya pero that time ay naka-follow pa rin ang aktres sa account n’ya. 

Lalo pang lumakas ang hinala ng netizens nang makitang deleted na ang lahat ng photos ni LJ sa IG account ni Paolo.

At present ay naka-unfollow na din si LJ sa IG account ni Paolo. 

Tumagal ng six years ang naging pagsasama nina LJ at Paolo na biniyayaan ng isang anak, si Summer.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paolo Contis gives partner LJ Reyes his 100 percent support: “Ako na bahala mag-assistant sayo…”

Celebrity mom LJ Reyes faces the challenge of online schooling; breaks down in frustration over internet service problems

Showbiz colleagues and Netizens lavish Paolo Contis and Alessandra de Rossi with praises after viewing their Through Night & Day on Netflix

Pika's Pick: LJ Reyes, masayang-masaya sa online success ng Through Night & Day film ni Paolo Contis; finally raw ay alam na ng mga tao kung gaano ka-galing na aktor ang partner niya

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.