LJ Reyes sa pagpapatawad kay Paolo Contis: “Hindi madaling ibigay...”

PHOTOS: @lj_reyes on Instagram; INSET: @paolo_contis on Instagram

PHOTOS: @lj_reyes on Instagram; INSET: @paolo_contis on Instagram

Kay LJ Reyes na mismo nanggaling na hindi pa s’ya ready’ng patawarin ang former partner n’ya na si Paolo Contis.

Ito ang sinabi n’ya sa virtual interview n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, October 12. 

Natanong kasi s’ya kung nahanap na ba n’ya sa puso n’ya ang pagpapatawad sa aktor. 

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness, e,” pahayag ni LJ. 

Lahat naman tayo…we get hurt, we get angry but you work on it every day to forgive people, to forgive yourself or whoever.”

Inihihingi nalang umano niya ng guidance mula sa Itaas ang tungkol sa bagay na ito. 

“You pray about it. For me, hindi s’ya madaling bagay na ibigay so i-surrender lang talaga kay God. And I’m working on it,” aniya.

It’s been more than a month na din kasi na nasa New York si LJ kasama sina Aki, na anak n’ya with former boyfriend Paulo Avelino; and Summer na anak naman nila ni Paolo Contis. Nakapag-adjust na raw silang mag-iina doon. 

Okey naman. They’re adjusting very well. Aki goes to face-to-face class here para ma-experience n’ya ’yong normal na buhay ulit,” pagbabahagi ng aktres. 

Maliban sa guidance ng D’yos ay malaking bagay daw ang kanyang pamilya na naging support system n’ya sa mga pinagdanan niya recently.

“I’ve been very vocal about it…that if it weren’t because of God, ’yong binibigay sa aking strength ni God it wouldn’t have been possible. Hindi ko rin inakala na nandito na kami [sa New York],” lahad pa ni LJ. 

Ramdam rin daw n’ya ang suporta sa kanya ng Filipino community sa New York na hindi daw s’ya inuusisa tungkol sa personal n’yang buhay. 

“Surprisingly, wala pang dumating na Pinoy dito na nagtanong sa akin or mentioned anything about my personal life,” kuwento n’ya.

Iba ang sinasabi nila sa akin. Parang, ‘We’re so happy nakita ka namin.’ ‘We just want to let you know that we support you.’ And no mention of anything else,” pagtatapos ni LJ.

Walang nakalatag na long-term plan ang aktres kung doon na sila mamamalagi ng kanyang mga anak sa New York pero abala umano s’ya ngayon sa training sa pagha-handle ng kanilang family restaurant doon.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.