Lolit Solis, babatiin daw si Janine Gutierrez kung babatiin siya nito.

“Kasi kung sana nanggaling sa star ng kabila [ABS-CBN], baka matanggap ko pa. Halimbawa si Julia Barretto ang nagsabi ng gano’n ay hindi naman kasama ni ano [Bong]. Pero hindi, e, parehas silang [taga-] 7. ’Yon lang ang ano ko diba?”—Lolit on Janine

Photos: Instagram

“Kasi kung sana nanggaling sa star ng kabila [ABS-CBN], baka matanggap ko pa. Halimbawa si Julia Barretto ang nagsabi ng gano’n ay hindi naman kasama ni ano [Bong]. Pero hindi, e, parehas silang [taga-] 7. ’Yon lang ang ano ko diba?”—Lolit on Janine

December 20 nang ratratin ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang young actress na si Janine Gutierrez, dahil nag-comment nang hindi pag-pabor ni Janine sa TV comeback sa GMA-7 ni Senator Bong Revilla. Minasama ito ni Lolit, na manager at nanay-nanayan ni Bong.

Nakiusap pa ang isa ding alaga ni Lolit na si Sandy Andolong, na in effect at lola naman ni Janine, na wag na raw sanang maliitin ni Lolit si Janine sa social media. Sinabi kasi ni Lolit na hindi naman box office star si Janine at wala naman itong maitutulong kay Bong kung sakali.

Nang humupa na ang mga damdamin, nag-sorry naman si Lolit sa nanay ni Janine na si Lotlot de Leon at sana raw ay maunawaan nito na tila nanay din siyang nagtatanggol sa kanyang anak na si Bong. At least daw ay alam na niya ngayong ayaw palang maka-trabahgo ni Janine ang alaga niya.

At kahit daw nasaktan siya sa mga sinabi ni Janine ay hinahangaan pa rin niya ang katapangan nitong magbitiw ng opinyon.

Hindi pa raw sila nagkaka-usap ni Lotlot in person o sa phone man. At kung magkita daw sila sa mga showbiz events ay babatiin naman niya si Lotlot.

“Pero kung ano sakali magkita kami...nag-sorry na ako kay Lotlot dahil s’yempre ano... pero kay Janine okey lang kung batiin niya ako, pero kung hindi niya ako batiin, okey din,” say ni Lolit na nakausap ng pikapika.ph bago mag-Pasko.

Kung si Janine ang mauna?

“Oo babatiin ko siya kasi ... babatiin ko siya. Kasi I admire na open siya doon sa feeling niya. At least ngayon alam ko ayaw niyang makasama si Bong Revilla. At least tanggap ko na ’yon.”

Ani Lolit, nasaktan lang daw siya dahil ka-pamilya ni Janine si Bong sa GMA-7.

“Nasaktan ako doon, oo. Kasi kung sana nanggaling sa star ng kabila [ABS-CBN], baka matanggap ko pa. Halimbawa si Julia Barretto ang nagsabi ng gano’n ay hindi naman kasama ni ano  [Bong]. Pero hindi, e, parehas silang [taga-] 7. ’Yon lang ang ano ko diba? 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis says sorry to Janine Gutierrez’s mom, Lotlot de Leon; says the whole ordeal in now: “case closed.”

Lotlot De Leon gives daughter Janine Gutierrez message of assurance amidst being called out by Lolit Solis

Sandy Andolong appeals to Lolit Solis to stop belittling Janine Gutierrez; says Janine’s comment on Bong Revilla’s comeback was not intended to come out too harsh

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.