Lolit Solis, bilib sa paninindigan ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez

Ang pahayag na ito ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang nagpa-igting sa kasakukuyang dinaranas niyang pambabatikos mula sa mga netizens: "The matter of presidency, it's really an act of destiny. It's one of those things that only God knows and only time will tell. And I would just like to say that if it's in God's plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had. I wish you well. I wish you every success.”

Photos: @lucytgomez / @akosilolitsolis

Ang pahayag na ito ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang nagpa-igting sa kasakukuyang dinaranas niyang pambabatikos mula sa mga netizens: "The matter of presidency, it's really an act of destiny. It's one of those things that only God knows and only time will tell. And I would just like to say that if it's in God's plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had. I wish you well. I wish you every success.”

Kaliwa’t kanan ang batikos na natanggap ni Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez dahil sa pagpapakita niya ng suporta sa kandidatura ng dating senador na si Bongbong Marcos, Jr (BBM) sa pagka-presidente ng bansa sa darating na May elections. 

Hati ang opinyon at paniniwala ng mga Filipino pag dating sa mga Marcoses. Ang kabilang paksyon ay naniniwalang maraming dapat panagutan sa bayan ang pamilya, including Bongbong, dahil sa umano’y pangungurakot nila sa kaban ng bayan at pangingitil sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law; habang ang kabilang paksyon ay nanatiling loyal sa pamilya at itinuturing ang mga tuligsa bilang pambubutas lamang sa magagandang nagawa ng mga ito. 

At present ay kaliwa’t kanan ang protesta para ma-disqualify si BBM sa kanyang kandidatura, pero base na rin sa pinal na desisyon ng Comelec kamakailan, ay tuloy ang kandidatura ng dating Senador.

Naging maingay ang naging pahayag ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na binitiwan niya sa January 15, 2022 episode ng kanyang online show na Point of Order, kung saan kasama niya si Anakalusugan Representative Mike Defensor. Ang Point of Order ay napapanood sa SMNI News Channel (na nasa YouTube din) na pag-aari ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ng controversial evangelist na si Apollo Quiboloy.

Si BBM ang mismong guest nila noon kung kaya’t direktang naipahayag ni Lucy dito ang kanyang paghanga at suporta. Para sa congresswoman, si BBM ang may pinakamalinaw na pang-unawa sa mga tunay na nagaganap sa bansa.

At sa huli, sinabi niyang ang pagiging president naman ay “act of destiny” at kung pano umano ng Diyos na iluklok si BBM, sana raw ay ito ang maging “best [president] this country has ever had.”

Narito ang kabuuang pahayag ng kongresista, na naka-address kay BBM, agad nag-viral.

"The matter of presidency, it's really an act of destiny. It's one of those things that only God knows and only time will tell. And I would just like to say that if it's in God's plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had. I wish you well. I wish you every success.

"And like I said in the past, Senator BBM, you being the most vilified, perhaps, also because you are the most popular, for every curse a blessing."

Dahil dito kung kaya’t kinuyog ng batikos ang kongresista. Marami ang hindi sang-ayon sa kanyang paniniwala at marami ring nadismaya sa kanyang choice. May mga nagsabi pang wag na umanong gamitin ang pangalan ng Diyos in any sentence involving BBM. 

Pero noon pa man ay tila nakabuo na ng desisyon ang kongresista sa kung sino ang personal na ihahalal niya.

Para kay Congresswoman Lucy ay iba naman ang naranasan niya kay presidential aspirant Bongbong Marcos, na taliwas mga umano’y naranasan ng iba. Sa December 6 episode ng Point of Order program niya, inihalimbawa niya ’yong mga panahong nangailangan ng tulong ang bayan nila na nasalanta ng bagyong Yolanda, ang sinasabing the strongest tropical cyclone na nag-landfall sa Eastern Visayas  noong Nobyembre 8, 2013.  

“I give you a concrete example, and I don’t know if BBM remembers this, but back when Yolanda happened, he was not part of the administration but one of the very first to help Ormoc was BBM and his family,” pagbabalik-tanaw ng lady kongresista sa SMNI News. 

“And through Irene [Marcos], BBM sent Ormoc clean water and a gadget from some foreign company for clean water...going to the different barangays demonstrating how that is used and then having access to clean water at a very crucial time, that’s one.” 

At nang nilindol naman daw ang Ormoc City noong 2017 ay tumulong pa rin si BBM kahit na natalo ito sa kandidatura nito sa pagka-bise presidente noon kay VP Leni Robredo, na siyang katapat ulit nito ngayon sa laban sa pagka-presidente. 

Sa pagpapatuloy ni Congresswoman Lucy: “If you really look at it, if you look at the dynamics, you had just lost an election. You didn’t make it back in 2016 but you were the first to be on the ground after the earthquake happened. You were with Congressman Martin [Romualdez] and Congressman Anton Lagdameo. They were both colleagues at that time. You don’t have to be there but you were there and you helped the community. 

“I just want to say that more than what you say, more than what the plans are, what the grand plan is, it is really what you do on the battlefield as the battle rages on, the soldiers on the ground are suffering. So, I think that speaks more about a leader than all the nice words or all the nice plans.”

At dahil sa mga batikos na ipinupukol ngayon sa magandang kabiyak ni Ormoc City Mayor Richard Gomez—na kumakandidato din sa pagka-congressman ng 4th District ng Leyte—ay ipinagtanggol siya ng kilalang talent manager at host na si Manay Lolit Solis na kilalang malapit sa mag-asawa at sa namayapa nilang manager na si Douglas Quijano. 

Sa caption ni Manay Lolit sa pinost niyang larawan ni Lucy nitong Lunes, January 17, nagpahayag siya ng simpatya sa dinaranas na batikos ng Ormocanon representative. 

“Naawa naman ako kay Lucy Torres Gomez ng sobrang i-bash dahil lang sa kanyang statement tungkol kay Bongbong Marcos, Salve,” panimula ni Lolit sa Instagram. 

“Tama naman siya, kahit sino walang makahahadlang pag destiny ng isang tao ang isang bagay. Kung talagang nakaguhit sa palad ni BBM ang maging Presidente gaya ng ama na si Ferdinand Marcos, ano ang magagawa natin. Ang tagal na nasa gobyerno ni BBM, puwede naman siguro na i-judge siya sa sarili niyang ginagawa at hindi na duon sa mga naganap ng nakaraan.”

Kalaunan ay na-sentro na kay BBM ang mensahe ni Manay Lolit.

“Lahat binato na sa kanya, lahat ginagawa para hindi siya makatakbo, pero heto, parang mas lalo pa siyang pinapanigan ng tao. Let destiny decide, tutal naman maayos ang eleksiyon natin, demokratiko ang paraan, let the winner do the job. Kung sino ang iboto ng tao, kung sino piliin nila, igalang natin, tanggapin natin. 

“Matatag ang paniniwala ni Sara Duterte sa kanyang tandem, maaring tama siya. Huwag na natin isali pa sa galit natin pati gusto kumampi sa kanya.”

At sa pagbalik niya kay Lucy, sinabi niyang hanga siya sa paninindigan nito sa napupusuan nitong kandidato. 

“Hanga ako sa pagiging open ni Lucy Torres sa pagpili kay BBM, nanindigan siya. Parang ngayon pa lang ang hot hot na ng election. Bongga !! 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.