Lolit Solis, hindi nagustuhan ang pagdawit ni Marjorie sa namayapa nilang tatay sa isyu ng molestya

It puts the late dad in a bad light daw kahit pa sabihing hindi ito totoo. Sana raw ay hindi na ito isinali ni Marjorie to protect the memory if her dad.

Photos: Anna Pingol & Instagram

It puts the late dad in a bad light daw kahit pa sabihing hindi ito totoo. Sana raw ay hindi na ito isinali ni Marjorie to protect the memory if her dad.

Maihahalingtulad marahil sa mga naunang fights ni boxing champ Manny Pacquiao ang mga naging eksena noong gabi ng October 22 sa mga bahay-bahay ng Pinoys sa buong bansa na naka-tutok sa mga TV sets—o kaya ay naka-abang sa Internet—at ninanamnam ang bawat salitang binibitawan ni Marjorie Barretto sa interview nito with Karen Davila sa TV Patrol.

Matapos kasi ang mga pahaging niya sa social media, nagbitiw ng pangako si Marjorie na magsasalita siya para linawin ang at idiretso ang mga diumano ay mga kasinungalingan na nauna nang ipinagkalat ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barrretto. Aniya, hayaan lang daw munang mailibing muna nila ang kanilang ama.

As the whole Philippines know by now, ang pinakahuli—at tila pinaka-malala—na away ng Barretto sisters ay naganap sa unang gabi ng burol mismo ng kanilang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City last October 16. Of course, it was just their actual and very public manifestation of their disgusto sa isa’t isa, pero kung uugatin, tila maliligaw na ang lahat sa kung paano at saan ba nagsimula ang pagkakawatak-watak ng pamilya Barretto.

Isa sa mga naka-tutok sa interview na yon kay Marjorie—at sa buong isyu pa mismo mula nang simula—ay ang veteran movie writer and talent manager na si Lolit Solis, na dahil sa tagal at sa dami ng karanasan sa showbiz ay maituturing na bilang isang showbiz analyst. 

Kaya naman nang makita namin siya kaninang hapon sa isang event ng Regal Films—na incidentally ay siyang unang movie company ni Gretchen Barretto noong araw—ay hiningan namin siya ng reaksyon sa mga kaganapan.

Sa dami nang inilatag ni Marjorie kay Karen, pinaka-na-disturb ang showbiz veteran sa nabanggit nito—quoting Gretchen—na na-molestiya diumano ito nang namayapa nilang tatay noong araw.

Sana raw ay hindi na ito isinali ni Marjorie sa mga pinagsasabi nito kahit pa daw ang kino-quote lang naman nito si Gretchen.

“Dapat edited ’yong part na ’yon sa kanya. Kasi in respect nalang doon sa tatay,” katwiran ni Manay Lolit. “Sinabi daw ni Gretchen na minolestiya siya no’ng bata siya... Kasi ’yon, siya na mismo dapat pinroteksyunan niya tatay niya, e. Gusto lang niya bumuwelta dahil nga doon sa sinabi ni Gretchen...”

Maraming sinagot na issue si Marjorie sa kanyang 18-minute interview sa TV Patrol. Kabilang na ang matapang na pag-aming si former Caloocan City Mayor Recom Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak and that she’s not perfect for “falling in love” with a married man.

Dahil dito, nabuksan din ang topic tungkol sa akusasyon ni Gretchen na minolestya diumano ni Echiverri ang nakababata nilang kapatid na si Claudine at naghihintay lamang daw ito ng tiyempo para idemanda ang ka-relasyon ni Marjorie. 

Inalmahan ito ni Marjorie at bahagi ng kaniyang paliwanag kay Karen ay ito: 

“This is not new to me. Kasi si Gretchen tuwing gusto niyang mang-torture sa pamilya, she sends people text-es...mga pamilya ko, sister-in-law ko, she sends text-es... no’ng March palang nagte-threaten na yan na ‘You molested, Claudine...’ si Recom nga daw. Pati mga anak ko na-molestya [daw]. 

“But you know, Karen, that’s Gretchen’s favorite word...she says my father molested her when she was young and now she’s saying even my children who are perfectly okay in their lives...with ano naman, sasabihin niya, na-molestya. That’s her favorite word, e. Hugot niya lang. I don’t know what fantasy that is.”

[Feeling ni Marjorie, set up ito ni Claudine. Ang totoo daw ang umutang ito ng pera direkta kay Mr. Echiverri—na hindi na dumaan sa kanya dahil hindi na sila magkasundo noon—at naawa Mr. Echiverri. Kesa daw sa iba pa lumapit kaya kahit against her will ay nag-go signal siya na pautangin. Sa ngayon, ang tingin niya dito ay set up dahil ito raw ang ginagamit ngayon ni Claudine para saktan siya at sirain si ex-Mayor Recom. Perp abugado naman daw ang tatay ng bunso niya kaya maipagtatanggol nito ang sarili in due time. But that’s another story.]

Ito ang mismong tinututulang part ni Manay Lolit. It puts the late dad in a bad light daw kahit pa sabihing hindi ito totoo. Sana raw ay hindi na ito isinali ni Marjorie to protect the memory if her dad.

“Pero ang ibig kong sabihin, pag hindi mo kilala [ang tatay nila], magkakaroon ka ng duda,” pag-a-analisa ni Manay Lolit. “Ngayon, ang mangyayari niyan ang iisipin ng tao kaya siguro galit na galit si Gretchen [sa pamilya] dahil nga may nangyaring gano’n, di ba? Kasi kung question mo, ‘Gaano ba ka-galit si Gretchen? Ba’t di niya mapatawad ’yong family? Nagkasakit at di niya dinalaw [ang tatay]...’ Ang iisipin mo nga—dahil sa sinabi ni Marjorie—ang iisipin mo, ‘Ay may gano’n palang pangyayari diba? Nagbukas ka ngayon ng duda.” 

Nanghihinayang si Manay Lolit sa kinasapitan ng relationship ng magkakapatid dahil witness daw siya kung gaano ka-solid at ka-close ang tatlo noon.

“They are very close to each other, lagi nilang kasama si Claudine...ganyan pa ka-liit. Tapos, si Marjorie naman laging naka-bantay kay Gretchen. Parang very close sila noon, e.”

Ngayon daw ay walang tigil magsakitan ang mga ito, in a very public way, na tila hindi magkaka-dugo.

“’Yon nga, e, parang sabi ko dahil same blood ang nagra-run sa kanilang magkakapatid, parang iba-ibang tubo, parang hindi kagaya no’ng tuloy-tuloy ang tubo... nagkaroon ng...kasi ano, e, sabi nila mas nakakasakit ’yong words, ’yong salita kesa sa physical...Hindi naman na-aano basta-basta ’yon ’yon, e.”

However, naniniwala siyang pero pang magkabati-bati ang ang magkakapatid in the future pero baka hindi na mame-mend ang lamat.

“P’wedeng magkabati sila siguro... sabihin natin maging civil sa isa’t isa. Pero everytime mari-remember mo ’yon mauulit na naman ’yong away... isang ano lang from any occasion...” 

Pero sana daw imbes mag-away in public ay mag-mourn muna properly ang magkakapatid.

“’Yon ang hindi ko maiintindihan kasi itong time na ito dapat nagmo-mourn pa sila, nag-gi-grieve pero hindi, nag-away-away na, di ba? Who will take care of the mother?”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mother Lily iwas-pusoy sa Barretto issues, wag na daw intrigahin; sagot ni Lolit Solis: “Sila nag-open, e.”

Bagong patutsadahang Gretchen at Marjorie, lumalala

Marjorie Barretto promises to speak the “WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH” pagkalibing ng ama; appeals for prayers for the safety of her children

Gretchen at Marjorie, nagkatalakan nga ba sa harap ni President Duterte?

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.