Lolong lead star Ruru Madrid, hindi raw nasindak nang makatapat si Darna

Looking back, napakaraming dinanas na aberya ng shoot Lolong na waring hindi na ito matatapos pa. That time ay halos ma-depress na si Ruru. But it turned out to be a blessing in disguise dahil nang ipalabas na ay minahal ito ng viewers. “I felt that was my worst year when it comes sa...parang that was my lowest point in my life. Parang na-doubt ko ang sarili ko,” pag-amin ni Ruru habang nagbabalik-tanaw. “Pakiramdam ko, hindi ako deserving for this project,” patuloy niya. “Baka hindi matutuloy dahil nga sa mga aberyang nangyari. Pakiramdam ko, minamalas ako. “But I realized nga na may mga bagay talaga na hindi mo dapat minamadali. So that, once na makuha mo siya, hindi mo siya ite-take for granted.”

Photos: @rurumadrid8

Looking back, napakaraming dinanas na aberya ng shoot Lolong na waring hindi na ito matatapos pa. That time ay halos ma-depress na si Ruru. But it turned out to be a blessing in disguise dahil nang ipalabas na ay minahal ito ng viewers. “I felt that was my worst year when it comes sa...parang that was my lowest point in my life. Parang na-doubt ko ang sarili ko,” pag-amin ni Ruru habang nagbabalik-tanaw. “Pakiramdam ko, hindi ako deserving for this project,” patuloy niya. “Baka hindi matutuloy dahil nga sa mga aberyang nangyari. Pakiramdam ko, minamalas ako. “But I realized nga na may mga bagay talaga na hindi mo dapat minamadali. So that, once na makuha mo siya, hindi mo siya ite-take for granted.”

Ngayong Biyernes ng gabi na, September 30, ang finalé episode ng GMA Telebabad fantaseryeng “Lolong,” na maituturing na isa sa pinaka-matagumpay na primetime series ngayong taonng ito ng Kapuso network.

Looking back, pinag-usapan na ang Lolong kahit hindi pa man ito umeere noon. Pati ang sighting kay Dakila, ang buwaya mascot ng show, naging news item pa. Consistent din itong nagte-trending at hindi rin natinag sa ratings.

Kaya naman gano’n na lang kasaya ang bida ng Lolong na si Ruru Madrid. Nasulit daw lahat ng mga pinagdaanan nilang hirap ng ilang taon para lang mabuo ang serye. Matatandaan an dumaan sa maraming delays ang Lolong na halos ika-depress na ni Ruru noon.

It turned out, blessing in disguise pa ito dahil tama lang ang timing nang pagpapalabas nito.

“’Yung sa suporta po ng mga viewers, mga Kapuso natin para po sa programa na ito na Lolong, wow! Hanggang ngayon, parang hindi pa siya totally nagsi-sink-in sa akin,” pahayag ni Ruru sa naging online mediacon ng Lolong kamakailan..

“Parang eto na ang season finale namin. Parang kailan lang, ’di ba, parang tina-try pa lang naming mag-shoot. Tina-try pa lang naming mag-taping, laging may aberya. Noong panahon na ’yon, ’yun talaga ang kasagsagan ng pandemya. 

“But ngayon, unti-unti ng bumabalik sa normal, naipalabas na ang Lolong. Sa totoo lang, I would say na last year, habang sinu-shoot namin ’tong Lolong, I felt that was my worst year when it comes sa...parang that was my lowest point in my life. Parang na-doubt ko ang sarili ko,” pag-amin pa ni Ruru.

“Pakiramdam ko, hindi ako deserving for this project,” patuloy niya. “Baka hindi matutuloy dahil nga sa mga aberyang nangyari. Pakiramdam ko, minamalas ako. 

“But I realized nga na may mga bagay talaga na hindi mo dapat minamadali. So that, once na makuha mo siya, hindi mo siya ite-take for granted. 

“Hindi mo hahayaan na basta-basta na lang siya mawala sa’yo at mas mamahalin mo kung ano ang meron ka. That’s why we’re very thankful sa lahat po ng sumusuporta sa Lolong. Nakakatuwa na buong pamilya po ang sumusuporta rito sa Lolong.  At every time na may pinupuntahan po kaming tahanan para surpresahin sila do’n, magmula po sa mga Lolo at Lola hanggang sa kanilang mga anak hanggang sa kanila pong mga apo, pinapanood po nila ang Lolong.

“Kaya hindi po namin in-expect na ganito niyo po mamahalin ang aming proyekto and for us, gusto lang po naming makapagbigay ng bagong programa, dahil of course, galing tayo sa lockdown. For how many months, na-stuck lang tayo sa mga tahanan natin. Hindi natin alam kung ano ang mga nangyayari sa labas.

“Kumbaga, we wanted na makapagbigay ng bagong programa, a very refreshing show para po sa mga manonood. Of course, deserve po nila ‘yon.”

At kahit nga finale episode na ng Lolong mamayang gabi, meron at meron pa ring negatibong komentong naibabato sa kanila. Kabilang na rito ang pagdududa na kung talagang mataas daw ang rating, ay bakit wawakasan na agad?

Kaya tinanong namin si Ruru kung naaapektuhan pa ba siya kapag nakakabasa ng mga negatibong komento o mga pangba-bash.

“Tungkol sa mga negatibo na nagko-comment like sa page or sa social media [namin], sa akin naman, hindi ako masyadong nagpapa-apekto sa mga ganyang komento,” kibit-balikat ni Ruru.

“I’d rather focused do’n sa mga positive feedbacks na natatanggap po namin. Kahit naman po ano ang gawin namin, kahit ano pang kagandahang loob or kagandahan ng show na ibibigay mo, lagi at laging may masasabi talaga ang mga tao.

“Sa amin naman, ang goal namin is to entertain people. And also, makapagbigay rin ng inspirasyon, pag-asa at aral mula po sa aming programa na gusto po naming iparating po sa mga tao.”

 However, may mga magaganda rin namang balita gaya nalang ng mayroon na raw agad itong Season 2?

“Regarding po sa sinasabi po na Season 2, sa ngayon ang masasabi po namin ay naghahanda na po ang Team Lolong para po diyan, so abangan n’yo po.”

Samantala, naging katapat ng Lolong ang isa ring bigating fantaserye ng ABS-CBN, ang Darna.  Deretsahan naming tinanong ang actor kung nakaramdam ba siya ng kaba nang magtapatan sila.

“’Yung mga ganyan, sa totoo lang, ako ha, hindi ako competitive,” saad ni Ruru.

“Lumabas lang ang pagiging competitive ko noong mag-Running Man ako,” natatawang dagdag niya. “I mean, for me, mas nagiging competitive ako sa sarili ko, e. 

“I’d rather compete with myself so that every single day, meron akong bago na naipapakita. Kumbaga, napu-push ko ’yung sarili ko na maging better araw-araw.

“So, hindi ako masyadong nakatingin sa competition. Kasi, lahat naman po tayo, itong entertainment industry, lahat naman tayo ay gustong makapag-gawa ng isang programa na makakapagbigay-saya sa mga manonood. At makapagbigay ng programa na hindi lamang dito sa ating bansa mapag-uusapan kung hindi pati sa buong mundo.” 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ruru Madrid, deadma sa mga patutsada ni RR Enriquez; nirendahan na rin ang ama

Apat na taong “dating” relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, wala raw label

Bianca Umali, pinaiyak si Ruru Madrid sa South Korea

Lolong introduces more characters as top-rating TV series enters new chapter

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.