Lorna on finding new love: “No more!”

(Center Photo): LT with sons Rap and Rens; (inset): with granddaughter Tori; (right photo): her husband Daboy in his younger years.

PHOTOS: Anna Pingol & @lornatolentinofernandez on IG

(Center Photo): LT with sons Rap and Rens; (inset): with granddaughter Tori; (right photo): her husband Daboy in his younger years.

Eleven years nang biyuda ang tinaguriang grand slam actress na si Lorna “LT” Tolentino. Matatandaang June 2008 nang pumanaw ang mister niyang si Rudy “Daboy” Fernandez, who succumbed to his battle with cancer. At sa mahabang panahon na iyon ay never na raw niyang naisip na magka-lovelife pa or makahanap ng makakasama sa kanyang pagtanda.

“Kasama kong tumanda ang mga bata at ang aking apo,” confident na hayag ng 57-year-old beauty icon. 

Ang tinutukoy ni LT na mga bata ay ang mga anak nila ni Daboy na sina Rap at Renz Fernandez at ang kanyang biba’ng-bibang apo kay Rap na si Tori, who is now seven years old.

Minsan na siyang na-link sa kaibigan niyang si Willie Revillame pero kapwa naman nila tinawanan lang ang issue. At kahit pa marami pa ring nagbubuyo kay LT na i-consider pa ring nitong magkaroon nang makakasama sa buhay, consistent ang sagot ng aktres: “No more…it’s okay, I’m happy as is.”

Nakausap ng pikapika at iba pang members of the entertainment press si LT sa Seda Hotel sa Quezon City kamakailan during her official launch as the newest addition to the roster of beauty ambassadors ng BeautéDerm Corporation.

 YOU MAY ALSO LIKE:

Marian, ayaw maging reyna ng GMA-7

EXCLUSIVE: Sylvia Sanchez, idinetalye ang paghahanap sa nang-abandonang ama—“Para ito sa mga kapatid ko at sa nanay ko.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.