Lotlot de Leon, dinepensahan si Matet at mga kapatid: “Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali.”

At the moment ay maayos daw ang relasyon ngayon ni Lotlot de Leon sa kanyang Mama Guy. Katunayan, ilang beses nga daw silang nagkita bago mag-Pasko. “Nagkita kami ni Mommy bago mag-Pasko. I was with her and previous to that mga ilang beses din kaming nagkita. Pinupuntahan ko s’ya sa bahay n’ya,” pagbabahagi ni Lotlot.

PHOTOS: @ms.lotlotdeleon on Instagram

At the moment ay maayos daw ang relasyon ngayon ni Lotlot de Leon sa kanyang Mama Guy. Katunayan, ilang beses nga daw silang nagkita bago mag-Pasko. “Nagkita kami ni Mommy bago mag-Pasko. I was with her and previous to that mga ilang beses din kaming nagkita. Pinupuntahan ko s’ya sa bahay n’ya,” pagbabahagi ni Lotlot.

Ipinagtanggol ng aktres na si Lotlot de Leon ang kanyang mga kapatid lalo na ang younger sister na si Matet mula sa mga bashers matapos pumutok sa publiko ang isyu nito at ng ina nilang si Superstar Nora Aunor.

Nangyari ito sa media conference ng That Boy In The Dark movie nitong December 30 kung saan natanong ng showbiz columnist na si Rey Pumaloy ang aktres tungkol sa nangyaring gusot sa pagitan ng kanyang ina at nakababatang kapatid.

Ayon kay Lotlot, umaasa s’ya na maaayos din ito dahil wala naman daw nananalo sa away ng mga magkaka-pamilya. 

Alam mo naman pag dating sa ganyan, wala namang panalo, e. Walang panalo d’yan. I guess it’s just a matter of looking at the bigger picture. May dahilan ang lahat. I guess that’s how I like to look at it na lang. And I hope that, eventually, maayos ang mga dapat maayos,” sagot n’ya.

Matatandaang naglabas ng saloobin sa social media si Matet noong November 2022 matapos umanong gayahin ng kanyang Mommy Guy ang kanyang bottled gourmet tuyo and tinapa business.

Nasaktan nang husto ang aktres na tila kinukumpitensya umano s’ya ng sarili n’yang ina lalo pa’t ang negosyong ito ang inaasahan nila ngayong matumal ang projects na natatanggap n’ya. 

At kahit na mahal pa rin daw ni Matet ang kanilang ina ay hindi na umano s’ya makikipagkita o makikipag-usap dito. 

Natanong din si Lotlot kung pumagitna ba s’ya sa isyu ng dalawa bilang anak at ate. Hindi ito diretsahang sinagot ni Lotlot, bagkus ay dinepensahan na lang n’ya ang kanyang mga kapatid. 

“No, hindi. It was something…  ’Yong mga ganyan naman kasi hindi mo naman kasi masasabi. Ganito na lang… Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali. Lahat ng mga kapatid ko, whether si Ian, si Matet, si Kiko, si Ken, lahat ’yan, sobrang magaganda ng puso n’yan,” lahad n’ya. 

Iyon naman daw kasi ang nakuha nila mula sa kanilang mga magulang. 

Kasi si mommy rin ang nagtuturo sa kanila na magkaroon ng magandang puso. So, whatever good that we have in us is because it was taught to us also and we saw it from our parents,” aniya. 

Ibinida pa n’ya ang mga kayang gawin ng kanyang mga kapatid sa pagpaparamdam ng mga ito ng pagmamahal. 

Lahat ng mga kapatid ko, they’re good people. They’re willing to sacrifice for love. Si Ian kinakain n’yan ang pride n’yan maipakita lang n’ya sa’yo na mahal ka n’ya. Si Matet kahit banyo nililinis n’ya maiparamdam n’ya lang sa’yo na mahal ka n’ya,” paglalahad ni Lotlot.

Si Kiko ganu’n din, kung may kailangan kang ipagawa sa kanya o kahit na all he can do is to listen to all what you have to say, he will listen. Si Kenneth ’yong tipo na pag may inutos ka walang hindi ’yan. ‘Yes, yes, yes…’ Ganyan ang mga kapatid ko. Although iba iba kami ng mga ugali pero lahat kami pare-pareho magmahal,” dagdag pa n’ya. 

Ayon pa sa kanya, normal lang na may tampuhan sa pamilya ganu’n din ang makapagbitiw ng salita dahil nasaktan o gusto maglabas ng saloobin. 

Kahit sino naman ganu’n, e. Nangyayari sa atin ’yan,” mahinahong sey pa ng aktres. “Kami namang mga anak ng mommy, lahat naman kami alam namin ang lugar sa kanya, sa puso n’ya. 

’Yon nga, kung minsan may nabibitawang salita because of whatever pain or miscommunication or ’yong mga natatago ba [na sentiments] na siguro hindi nasasabi. But family is still family. At the end of the day, wala namang hindi naaayos, e.

Ikinalungkot daw n’ya ang mga ibinabatong paratang ng mga bashers kay Matet na wala itong utang na loob na s’ya ring ibinato sa kanya noong nagkatampuhan sila ng kanilang ina. 

Nakakalungkot kasi wala sa mga kapatid ko ang deserving ma-bash. Kasi lahat kami sobrang mahal ang mommy… lahat kami. Sobra,” pagtitiyak ni Lotlot. 

Ako, aaminin ko nu’ng una akong nakakatanggap ng mga ganu’ng pananalita, medyo nasha-shock ako. Kasi parang saan nanggagaling ’yong salitang ‘wala kang utang na loob’?” pagpapatuloy n’ya. 

Ano bang alam ng mga tao sa nagawa at hindi ko nagawa para sa pamilya ko, ’di ba? At kung may nagawa man akong kabutihan bakit ko kailangang ilantad ’yon?

Nagkausap na din daw sila ni Matet last Christmas at nauunawan n’ya ang nararamdaman nito. 

Proseso ’yan, e. Hindi ko p’wedeng sabihin kay Matet kung ano ang dapat n’yang maramdaman. Kanya-kanya tayo ng pagtanggap sa [mga nagyayari],” paliwanag n’ya. 

Dagdag pa n’ya, maayos naman daw ang relasyon nila ngayon ni Nora bilang mag-nanay. Katunayan, ilang beses nga daw silang nagkita bago mag-Pasko. 

Nagkita kami ni mommy bago mag-Pasko. I was with her and previous to that mga ilang beses din kaming nagkita. Pinupuntahan ko s’ya sa bahay n’ya,” pagbabahagi ni Lotlot. 

Nitong Christmas, I spent the Eve with the kids. And then after, I called my mom. I said, ‘Can I drop by?’ And then sabi n’ya masama ang pakiramdam n’ya, inuubo s’ya. Sabi ko, ‘Sige po.’ Pag okey na lang s’ya ulit that’s the time I’ll visit her again,” pagre-recall pa n’ya. 

Natanong pa s’ya kung napag-usapan ba nila si Matet noong mga panahong magkasama sila ng kanyang ina. 

Minsan kasi, kami ng mommy may mga bagay na hindi na rin kami…. Kumbaga, understood na lang. Lahat naman sa aming mga anak ganu’n s’ya, e. May mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag,” sagot n’ya. 

At sa mga paulit-ulit na nang-iintriga at nagkokomento sa kanilang pamilya tungkol sa relasyon nila sa isa’t isa, ito ang masasabi ni Lotlot, “At the end of the day, pamilya pa rin kami. Kahit na anong sabihin ng kahit na sino about us, sa mga kapatid ko, o kahit kay mommy... 

Kami, at the end of the day, sa ending, kami pa rin ang magkakasama. Hindi ang ibang tao. Kami pa rin,” pagtatapos n’ya. 

Mapapanood si Lotlot sa That Boy In The Dark movie na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso simula January 8 sa mga sinehan nationwide.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.