Habang ka-tsika namin si Lotlot de Leon during her contract-signing as a talent of LVD Management ni Leo Dominguez—(who also handles Ogie Alcasid, Solenn Heussaff, Gloria Diaz, Lovi Poe and Lotlot’s daughter Janine Gutierrez)—last Monday, January 27, ay may ilang natitirang eksena pa raw sila ni Miss Gloria Diaz sa lesbian iWant series nilang The Beauty Queens.
Yup, you read it right. And dalawang mahusay na aktres ay gaganap na lovers sa bagong obra ni Joel Lamangan.
Ani Lotlot, agad naman daw siyang naka-relate sa lipstick lesbian niyang character, pero hindi dahil sa lesbian aspect kundi sa aspeto ng pagmamahal.
“Actually, pag binasa mo kasi ’yong script makaka-relate ka na sa kanya, it’s just that tomboy siya,” esplika ni Balot, isa pang palayaw ni Lotlot. “Pero ’yong pagmamahal at saka ’yong affection niya is the same as other human being. Kaya lang ’yon nga lesbian siya. So, hindi siya mahirap intindihin, hindi mahirap kunin ’yong character ni Precy kasi maiintindihan s’ya.”
Pero aminado si Balot na medyo ninerbiyos din siya sa mga intimate scenes nila—ang ilan daw ay nakuhanan na—dahil first time niyang gagawin ito sa tanang buhay niya ng pag-aartista.
“S’yempre natakot ako,” nangingiting patuloy niya. “I got scared. It’s not the usual naman na ginagawa ko...ang karaniwan ko lang ginagawa [na role] is nanay, laging umiiyak, naghahanap sa anak...sa nawawalang anak, nagko-console sa anak, diba?
“But nothing like this. So, when this was offered to me. I immediately actually said yes but at the same time I was nervous.
I knew the cast. They have a fantastic cast. And then they have Direk Joel Lamangan. So, parang hindi ako nag-dalawang isip sabi ko, ‘Let’s go.’
“And then I read the script, it was really maganda ang script talaga. But s’yempre doon sa mga ibang eksena doon ako ninerb’yos. S’yempre kasi may mga intimate scenes.”
Actually, lesbian din ang role niya sa On the Job 2 ni Erik Matti, na sinu-shoot pa rin, pero wala daw siyang love scenes doon.
Ayaw pang magkwento ni Lotlot sa ngayon kung anong klaseng intimate scenes ang sinasabi niya.
“They just have to watch nalang the finish product,” pambibitin niya. “Hindi ko alam kung gaano ka-intimate...kasi baka sa akin, intimate na ’yon.”
Hindi daw sila nag-usap ni Glorai Diaz kung paano aatakihin ang roles nila.
“Actually we didn’t talk about it. Parang it was understood already na parang may mga eksena kaming gagawin that’s out of our comfort zone, so... Kailangan ninyo ngang panoorin kasi ang ganda talaga ng story. Iba ’yong plot twist niya, iba ’yong... iba. So, kakaiba siya. It’s ano tagos sa puso.”
At kahit daw hindi sila nag-usap, especially about the intimate scenes. Ay take one lang daw sila.
“Ano naman we were guided accordingly by Direk Joel and I think we already—both as actors, Miss Gloria and I—have parang understood na ito ’yong gagawin. So, nagtatawanan na nga lang..kagabi [sa shoot] nagtatawanan nga kaming dalawa, e.”
When asked kung naligawan ba siya ng lesbiyana in real life ever...
“Parang hindi nga, e, hahaha!”
Samantala, may isang project pa si Balot, isa pang series for WGN America kung saan isa siya among the Pinoy cast that also include Nonie Buencamino, Art Acuña, at Ces Quesada. Bida dito ang American actor na si Christian Kane (Secondhand Lions 50 to 1, The Librarians). Almost Paradise ang title ng series na kinuhanan sa Cebu. At this point, however, hindi pa sure si Balot kung saan ito ipapalabas.
“Actually very minor lang naman ’yong role,” say ni Balot. “But the whole experience was talagang feel good.
Ayon sa IMDb, (Internet Movie Database), ang Almost Paradise ay tungkol sa isang “former DEA agent forced into early retirement runs a gift shop in in the Philippines.”
Kaya tila may konting action.
“Meron kaming konting struggle, struggle lang that we did na scenes ’yong mga stunt coordinator niya mga parang from what I heard sila din ’yong mga stunt coordinator ng mga Lord of the Rings...
“May konting struggle lang doon sa eksena. Filipino ’yong ka-eksena ko tapos si Christian Kane.”
Kung first time niya makipag-intimate scene sa kapwa babae in The Beauty Queens, first time naman niyang maranasang mag-audition for a role dito sa Almost Paradise. And that’s part of the thrill daw.
“Madami yata kami, ang daming pinatawag. It was my first time to audition for anything. So, medyo talagang nagpasama ako kay Nay Rommel (her gay friend). Sabi ko, ‘Nay samahan mo ako kasi talagang ninerbiyos ako.
“Kinabahan ako kasi it was my first time to audition for anything and then s’yempre hindi ko alam kung paano talaga ’yong proseso niya.
“And s’yempre drop script ’yon. Kailangan memorized mo ’yong lines mo when you audition. And at the same time no’ng pumasok ako doon, may mga...’yon na nga, may mga kaibigan akong artistang nandoon din. So, masaya siya. Nakaka-nerbiyos because of the whole experience.”