Lotlot de Leon, sinariwa kung paano ipinagtapat noon ni Nora Aunor na ampon siya

PHOTO: @ms.lotlotdeleon on Instagram

PHOTO: @ms.lotlotdeleon on Instagram

Binalikan ng versatile actress na si Lotlot de Leon ang panahon kung kailan ipinaalam sa kanya ng mommy n'yang si Superstar Nora Aunor na isang isang ampon. 

Sa online tsikahan nila ng showbiz writer na si Rommel Gonzales via Zoom entitled "Heart to Heart Interview," na in-upload sa YouTube channel ng aktres last September 8, all-out na isinalaysay ng aktres ang tagpong 'yon ng kanyang buhay. 

Nagsimula kasi ang usapan tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang nanay matapos pumutok ang issue na nagkamabutihang muli sila ng mga kapatid n'ya at si Nora sa kanilang on and off tampuhan.

Matapos mailahad ang current status ng kanilang relationship as mother and daughter ay natanong nga si Lotlot kung kailan n'ya nalaman na isa s'yang ampon.

"I remember that so vividly kasi tinawag ako ni mommy and then... Sa Valencia pa kami nakatira," pangunang salaysay ng 49-year-old actress.

"And then inupo n'ya ako du'n sa may sofa. Mahabang sofa 'yon e. And then nakaharap kami sa altar. Then sabi n'ya, 'Anak,' then tinuro n'ya si Mama Mary and si Santo Nino. And then sabi n'ya, 'D'yan ka galing. Hindi ka man galing dito sa t'yan ko kagaya ni Ian [de Leon] na kapatid mo, pero d'yan ka galing."

Naiyak daw nang mga oras na 'yon si Lotlot dahil nasaktan s'ya nang malamang hindi pala n'ya tunay na mommy ang nakilala n'yang nanay. 

"Iyak ako nang iyak. Iyak ako nang iyak kasi parang... I think I was around seven years old. And I was crying kasi parang... Umoo lang ako kay mommy, 'Okey po. Okey po.' Parang ang dami ko ng tanong sa isip ko ng mga oras na 'yon. 

"I think nasaktan ako because, 'Bakit hindi ikaw ang mommy ko? Gusto ko ikaw.' Di ba? As a young child 'yon 'yong pumasok sa isip ko. 

"Hindi dahil sa gusto kong makilala ang sinuman. At that time, she was all I wanted. 'You're the one I want. I want you to be my mom. I want you to  be the only one.'

Dagdag pa ng actress-entrepreneur, tila napilitan daw ipagtapat ng kanyang mommy ang totoo dahil nagsisimula na din daw s'yang magtanong-tanong tungkol sa bagay na iyon.

"I think the reason why she told me was because parang nagtatanong-tanong na din ako," saad pa ni Lotlot. "S'yempre nakasulat naman sa lahat ng nababasa and 'yong mga taong minsan nakikita ko sasabihin,'Oy,'yong ampon ni Nora,' ''Yong ampon ni Guy,' So ako parang... 'Ano 'yong ampon? Ano 'yon?

"So I think she really had no choice but to tell me straight at talagang [she had to] sit me down [and] explained to me kung ano 'yon."

However, tiniyak naman daw ng kanyang Superstar mom na walang magbabago sa trato ng pamilya sa kanya. 

"But at that time, she assured me that, 'You're my daughter. Anak kita. Kapatid mo si Ian. 'Yon nga lang si Ian galing dito. Ikaw galing kay Papa God.' Parang ganu'n.

Tsika pa ni Lot, natanggap naman daw agad n'ya dahil hindi naman daw siya itinuring na iba ng kanyang kinalakihang pamilya. 

"I think I always have accepted it naman, Nay, e," pag-amin pa ng award-winning actress kay Rommel. "I have always accepted that I was adopted because I didn't feel... Mommy didn't treat me differently from how she treated Ian. 

"Even my dad, Daddy Boyet, he never treated me less than he treated Ian. Kumbaga, kung paano nina mahal si Ian ganu'n din ang naramdaman ko na pagmamahal nila sa akin. So hindi ko naramdaman na iba ako sa kapatid ko."

Pagtatapat pa ni Lotlot, ibang tao daw ang nagpaparamdam sa kanya ng bagay na yon at hindi ang kanyang pamilya. 

"Dumadating lang minsan na parang nare-realize ko na ampon ako or adopted ako is because of other people and not because of my parents. 

"It's because 'yong mga tao would always say ampon or adopted. So doon ako parang... Huh? Or when they see, probably, my brother, he would be treated more than special. You know what I mean? 

"As a child parang... 'Oy si Ian.' Ganyan. Tapos ikaw titingnan and, 'Oh, 'yan 'yong ampon.' So parang alam mo 'yong ikaw 'yong naiiba. Kasi 'Ikaw 'yong ampon. Ikaw pala 'yon.' Ganu'n."

Maswerte naman daw si Lotlot na dahil kahit ampon ay nabigyan s'ya ng chance na makilala ang kanyang biological parents.  At hindi rin tutol ang kanyang mga kinilalang magulang na ma-meet ang mga ito.

"When I was going to meet my biological father, I told Mama Guy. Sabi ko, 'Ma, makikilala ko na 'yong biological dad ko.' Kasi during that time nasa LA (Los Angeles, California) si Mommy, e .Ako naman nasa Chicago. Sabi n'ya, 'Sige, anak. Okay 'yan.

"And then nu'ng nag-uusap na kami lagi ng biological dad ko, sabi ko, 'Ma, gusto ka din n'yang makilala.' Sabi n'ya, 'Oo. Sure.' Sabi ko, 'Ma, gusto nilang magpasalamat sa'yo dahil inalagaan mo 'ko, pinalaki mo 'ko, dahil sa naging buhay ko dahil sa'yo.'”

Masaya daw noon ang kanyang mommy dahil kinilala ng kanyang biological parents ang mga sakripisyo at pagmamahal nito sa kanya kahit hindi s'ya tunay na anak.

“'Yong mom ko, I know her heart is... Natuwa din 'yong puso ng mommy ko kasi kumbaga sa kanya, okay na hindi naman 'yan [biological parents] humihingi ng kapalit, 'di ba? Okay na 'yon na na-acknowledge na din na parang... She did her best with me, to raise me, and to be there for me."

Nakilala man daw ni Lotlot ang kanyang mga biological parents, hindi naman daw nagbago ang pagmamahal n'ya sa kanyang adoptive parents. 

"Not because na kilala ko na sila [biological parents], it doesn't mean that I love Mama Guy and Daddy Boyet less. It doesn't mean that at all," pahayag pa ni Lotlot.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Ian de Leon and Lotlot de Leon, binalikan ang mga childhood memories with their Superstar mom Nora Aunor

Pika's Pick: Lotlot de Leon’s lovely bunso just turned 20 and her mom promises to look for her in “every lifetime and love you there.”

Janine Gutierrez, aminadong ginusto niya noon na magkabalikan pa ang mga magulang na sina Lotlot at Monching

Pika's Pick: Lotlot de Leon paints landscapes and seascapes in her spare time and they’re all gorgeous!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.