Lovely Abella at Benj Manalo, may bago ng “baby.”

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram

Masayang ipinakilala ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella sa publiko ang bago nilang “baby” ng mister n’yang si Benj Manalo

Sa kanyang naging Instagram post last March 2, in-introduce ng aktres ang bago nilang sasakyan na pinangalanan daw nilang “Mic Mic” na mula sa salitang pandemic dahil nasa kasagsagan daw ng pandemya kung kailan ito napasakanila. 

“Pangarap ka lang namin noon pero kasama ka na namin ngayon, meet ‘Mic Mic’ ang bago naming baby na nakamit namin dahil sa pandeMIC,” pahayag ni Lovely sa kanyang post. 

Kalakip nito ang photo nila ni Benj na magkayakap sa harap ng bago nilang sasakyan. Ito kasi ang maituturing na unang naipundar nila bilang mag-asawa after nila magpakasal noong January 23.

“[N]agsumikap kami lalo sa panahon na down na down kami, di alam kung saan kami kukuha ng lakas,” pagpapatuloy ng aktres.

Sey pa n’ya, sa kanilang pagsusumikap at sa tulong ng D’yos ay nakamit nila ang bagong achievement sa buhay nilang mag-asawa. 

“[S]i LORD lang talaga ang sasagot at tutulong sa atin, pero wala lahat ng yan kung uupo upo lang tayo at mag hihintay kung kelan niya ibibigay kung hindi tayo mismo ang magsusumikap para mabuhay..” pahayag ni Lovely.

Malaki daw ang pasasalamat nila sa kanilang mga suki sa online selling nila ni Benj.
 
“[S]inwerte lang talaga kami sa ‘online selling’ BenLy’s online shop tiwala ang isang pinanghahawakan namin sa lahat ng mga zuki namin, hanggang sa pumasok ang @lovelycosmeticsph na forever naming aalagaan,” lahad pa n’ya sa kanyang post.

“[K]aya mangarap ka lang sabayan mo ng sipag at tiyaga. PROMISE makakamit mo  #katasonlineselling 

“[C]ongrats sa atin mahal @benj love you so much,” pagtatapos ni Lovely

Tugon naman ng Viva actor sa post ng kanyang misis, “Congrats satin baby ko!!! Praise God!!!! I love you my forever partner.”

SCREENSHOT: @lovelyabella_ on Instagram

Congratulations, Benj and Lovely!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Benj Manalo and Lovely Abella are now officially husband and wife!

Lovely Abella, nagka-anxiety attack nang maging asymptomatic COVID-19 positive; takot makahawa at pandirihan

Lovely Abella, nag-level up ang pagka-praning nang makitaan ng COVID-19 symptoms ang kanilang kasambahay

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.