Lovely Abella, ayaw ng big wedding kay Benj Manalo “dahil ayokong after ng big wedding nganga kaming dalawa.”

Four years na ang relasyong Lovely Abella at Benj Manalo at kamakailan lang ay nag-propose na kay Lovely ang anak ni Jose Manalo. Pero ayon kay Lovely, two years pa bago sila mag-plano ng wedding dahil nag-iipon pa sila.

PHOTOS: Nitz Miralles

Four years na ang relasyong Lovely Abella at Benj Manalo at kamakailan lang ay nag-propose na kay Lovely ang anak ni Jose Manalo. Pero ayon kay Lovely, two years pa bago sila mag-plano ng wedding dahil nag-iipon pa sila.

Nakaugalian na ni Lovely Abella na tuwing may nagbibigay sa kanya ng bouquet of flowers, lagi niya itong inaaalay sa namayapang ina. Lagi niyang inilalagay sa harap ng photo ng ina na nakalagay sa mesa sa isang parte ng kanyang bahay.

K’wento ni Lovely sa interview sa kanya para sa promotion ng Star Cinema movie na Hello, Love, GoodbyeJuly last year nang pumanaw ang ina dahil sa kidney problem. Sa kanya raw ito tumira noon at siya ang nag-alaga. Alam daw niyang matutuwa ang nanay niya kapag may bulaklak sa harap niya.

Kaya tuwang-tuwa si Lovely nang pagkatapos ng interview sa kanya sa mini-presscon na hosted ng manager niyang si Rams David, ay hinandugan siya nito ng bouquet of flowers.

Samantala, happy si Lovely sa magandang takbo ng kanyang career. From being a dancer sa Wowowinnaging TV star siya at naging mainstay sa Bubble Gang  at Sunday Pinasaya ng GMA-7. Nakagawa na rin siya ng pelikula, ang Trip Ubusan: Lolas Vs. Zombies noong 2017 at ngayon, kasama nga siya sa cast ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye, showing sa July 31.

“Ang saya-saya ko to be working with Kathryn Bernardo, mabait siya, hindi pa-superstar sa shooting at hindi ko naramdamang superstar siya. Sobrang bonded kami sa Hongkong at may usapan kaming mag-get together after ng showing ng movie,” k’wento ni Lovely.

Wala rin siyang masabi kay Alden Richards na mula nang makilala niya hanggang ngayon ay mabait pa rin daw. 

“Ipinagdasal ni Alden ang movie na ito na matuloy at nang matuloy, sabi niya, ‘Ga, gagawin ko ang lahat dito.’ At ginawa nga niya. Ang galing-galing ni Alden dito.”

Nagpapasalamat din si Lovely na dahil kay Kathryn, na-meet niya si Daniel Padilla nang bumisita ito kay Kathryn sa Hongkong. Nag-text daw siya kay Kathryn kung puwedeng magpa-picture kay Daniel at pumayag naman daw.

Sa kanyang twitter, may post si Lovely na binigyan siya ng gift ni Kathryn at tinanong namin kung ano ang iniregalo sa kanya ni Kathryn.

“Binigyan niya ako ng contact lens dahil narinig niyang nag-uusap kami ni Kakai  (Bautista) at ni Maymay (Entrata) na every mall shows, naka-contact lens. Narinig ’yon ni Kath, kaya binigyan ako ng contact lens at may kasama pang Methathione whitening soap na gagamitin ko talaga dahil naniniwala ako sa glutathione. Pumuti ako dahil sa gluta injection,” pag-amin ni Lovely.

Para patunayang produkto siya ng gluta, pinakita ni Lovely sa press people ang photo niya sa celfone noong maitim pa siya na ibang-iba na sa kutis niya ngayon.

Nagpapasaya rin kay Lovely ay ang maganda at masayang lovelife sa piling ng fiancé niyang si Benj Manalo, anak ni Jose Manalo na present sa kanyang mini-presscon.

“Isa si Benj sa blessing ng buhay ko, four years na ang relationship namin nang mag-propose siya na hindi ko expected. Wala pa kaming planong magpakasal, two years pa dahil nag-iipon pa kami. Gusto ko lang, simple wedding, basta garden wedding, pero si Benj, gusto niya big wedding na ayoko dahil ayokong after ng wedding namin, nganga kaming dalawa at ang anak ko,” pagtatapos ni Lovely.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jose Manalo’s son Benj Manalo finally proposed to long-time partner, Lovely Abella

LOOK: Phil Younghusband and Margaret Hall’s English countryside wedding!

Makisig Morales’s wife Nicole Joson pens sweet wedding message: “I am yours and you are mine.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.