Lovely Abella, nag-level up ang pagka-praning nang makitaan ng COVID-19 symptoms ang kanilang kasambahay

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram, BenLy on YouTube

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram, BenLy on YouTube

Nagk’wento ang celebrity couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella, known by their uniname BenLy, sa pinagdaanan ng kanilang pamilya matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 ang kanilang kasambahay na si Ate Nilda. 

Sa latest vlog entry nila uploaded yesterday, August 4, sa kanilang YouTube channel na BenLy The Pangga Series, idinitalye nina Lovely at Benj ang naging sitwasyon nila sa bahay dahil nga sa nangyari sa kanilang kasambahay.

Mga pangga, hindi madaling ma-swab," panimulang litanya ng Kapuso comedienne na si Lovely matapos sumailalim sa swab test noong 3rd week ng July bilang precautionary measure. 

“As in sobrang sakit n'ya. Naiyak ako sa sobrang sakit n'ya... Kaya lagi po kayong mag-iingat. Hindi po biro ang COVID, D’yos ko. Kailan pa po tayo matatauhan? Kapag nag-fifty-fifty na po tayo? Kaya kahit na kung sino ang nakakaharap natin isipin natin may dala silang sakit. Ganu’n po katindi kasi p’wede po talaga maging mitsa ng buhay natin." 

Wala na tayong oras maglakwatsa. Wala na tayong oras maggala-gala. Kasi po hindi po talaga biro.

Kinailangan daw nila magpa-swab test for COVID-19 kasama si Ate Nilda dahil nga kinakitaan ito ng mga sintomas ng sakit gaya ng kawalan ng panlasa at pang-amoy. 

Nagsimula, sinisipon s'ya,” pagsasalaysay pa ni Lovely sa vlog. “Pero wala s’yang fever. Pero mga pangga, symptoms 'yong walang [panlasa], walang pang-amoy, walang gana sa pagkain

“So, in-isolate namin s'ya. Nagpa-swab [test] lang din kami para sigurado kasi po nakaka-praning talaga. Hindi namin alam kung sa’n ang kalaban namin, kung ano 'yong magiging kalaban namin, especially po may anak ako.

Ipinakita rin nina Lovely at Benj sa video kung paano nila ipinaghahanda ng pagkain ang naka-isolate nilang kasambahay. Si Lovely mismo ang nagluluto o kaya naman ay nagpe-prepare nito habang si Benj ang nagdadala ng mga iyon sa room ng kanilang katulong. 

At noong July 25 nga, kung kailan sila nag-shoot para sa vlog, nagpasalamat ang celebrity couple na negative sa COVID-19 ang kanilang kasambahay.

Ipinaliwanag din ni Benj na ginawa nila ang nasabing vlog content hindi lang para i-document 'yong naging sitwasyon nila kundi para mag-create ng awareness na hindi biro ang COVID-19 dahil apektado nito ang buong pamilya kung sakali man. 

“So, mga pangga, ginawa namin ’yong vlog kasi no'ng naramdaman namin na may symptoms na s’ya, in-isolate na kaagad namin s'ya," sey naman ng Viva contract artist na si Benj.

S'yempre mga pangga, para hindi rin kami ma-infect kasi kapag na-infect kami ay kawawa kaming lahat. At s’yempre, mga pangga, ayaw naming maka-infect sa ibang tao. Kaya in-isolate kaagad namin s’ya.

K’wento pa ni Lovely, kahit daw hindi pa nila alam ang resulta ng test ni Ate Nilda ay in-isolate na nila ito at agad na rin silang sumailalim swab test ni Benj dahil nangamba sila na baka ma-infect din ang daughter n'yang si Ikay.

No'ng unang araw na sinabi n’ya [Ate Nilda] na wala s’yang pang-amoy at wala s'yang malasahan, in-isolate na kaagad namin s'ya. Kinabukasan mga pangga, hindi ako mapakali kaya pumunta kami, nagpa-swab [test] kami at pina-swab namin si Ate Nilda. Pero dahil gusto namin kami din para may assurance. Kasi mga pangga, si Ikay, 'di ba?

Alam daw ng celebrity couple na allergic talaga ang kanilang kasambahay sa alikabok kaya normal dito ang palagiang pag-hatsing. Pero naalarma daw sila nang magsabi ito na nawala nga daw ang kanyang panlasa at pang-amoy. 

Pero masaya na sila ngayon nang malaman ang naging resulta ng kanilang mga swab tests sa tulong ng kapatid ni Benj na si Dra. Myki Manalo na tumingin sa kanilang lahat.

However, hindi pa rin napigilan ni Lovely na maging emosyonal nang balikan ang mga pinagdaanan nila recently.

"So, ayan mga pangga, lumabas na ang resulta [ng test] ni Ate Nilda. Kasi, mga pangga, ang hirap ng sitwasyon n’ya,” naiiyak na salaysay ng komedyana. “Nahihirapan talaga kami. Lalo na ako. Every night nagdadasal talaga kami na sana ay negative kasi hindi po talaga biro at hindi namin matanggap na may isang tao sa bahay na nakakulong, may isang tao sa bahay na mahirap ang sitwasyon...laging umiiyak and gustong-gusto n'ya nang makauwi sa pamilya n’ya nang buhay. Ang hirap po, mga pangga.

Kung sakali daw na nag-positibo sa COVID-19 ang kanilang kasambahay, hindi raw alam ng mag-sweetheart kung saan n’ya ito maaaring nakuha. At kaya nga raw nila ghinawa ang vlog content na ito ay para magbigay-warning sa lahat na maging extra cautious sa mga panahong ito.

Sila nga raw, symptoms palang ay agad na silang nag-disinfect ng bahay at bumili pa ng UV light at air purifier para nga makasiguro na ligtas sila sa sakit.

“Lahat-lahat ginawa na namin to make it to point na 'yong ginagalawan naming area... s'yempre si Ikay din, 'yong anak namin...secured kami,” pagpapatuloy pa ni Benj sa vlog. 

Sa totoo lang, nilalakasan ko lang ang loob ko. S'yempre kailangan kong lakasan ang loob ko para sa pamilya namin kasi ako lang 'yong lalaki dito sa bahay. Kapag nakitaan nila akong mahina, lahat kami pare-parehong manghihina. And hindi talaga s’ya biro. 

Makikita n'yo sa vlog na ’to na hinahatiran lang namin s'ya ng pagkain. Kung may pagkain pa ba s'ya. Kung may tubig pa ba s'ya. Ang hirap. Ang hirap. Ngayon lang din sa akin nagsi-sink in and kung bakit namin gustong gawin 'tong vlog na 'to is because [of] awareness for everyone na this virus that we're facing is very serious.”

’Tsaka mga pangga, isipin n'yo, sa kapabayaan ng isa, lahat maapektuhan," dagdag ni Lovely. “Kaya dapat sana mag-ingat tayo. Kasi, mga pangga, hindi s'ya biro. Alam naman natin 'yon, no? Pero sana maging aware lang talaga tayo kung p’wede pa tayong maging praning. Kung p’wedeng lahat ng klase ng paglilinis gawin natin.

Mas maayos 'yong proper hygiene natin,” sundot naman ni Benj. "Everytime na lalabas tayo, ligo kaagad. 'Yong damit na 'yan, dapat nasa labahan kaagad 'yan.  Lalabhan 'yan. 'Wag nang uulitin. Hugas ng kamay kahit ano man ang ginagawa n'yo. Take your vitamins. Double dose your vitamin C.”

Totoo po 'yong lemon, ginger, garlic po na pinapakuluan,” singit ulit ni Lovely. “Ginagawa po namin 'yon everyday. More water. Kain po talaga ng healthy. And rest.”

Pero sa punto ng muling pagbabalik-tanaw ni Lovely sa pinag-daaanang “pagka-praning” dahil sa banta ng Covid, ay muling naging emosyonal ang komedyana. Nanumbalik din kasi sa kanya ang pinagdaanang stress, anxiety, at pagka-depress sa sitwasyon habang naghihintay ng resulta. Normal sigurong ma-praning siya dahil isa nga siyang ina na doble lagi ang takot na nararamdaman.

Mahirap ’yong pinagdaanan n'ya,” say ni Lovely tungkol kay Ate Nilda. “Naawa kami. Sobrang naawa talaga ako. Kaya grabe 'yong dasal namin na mag-negative s'ya kasi alam n'yo ba mga pangga, sabi ng anak namin, sabi n'ya parang lumungkot daw 'yong bahay namin...

“Kasi mga pangga, pinagdadaanan namin ito everyday," pagpapatuloy pa ni Lovely habang umiiyak. "Kung nakikita n'yo na masaya kami, nakakapagpasaya kami, kung nakikita n'yo man sa online selling namin parang wala kaming problema... Inisip ko 'yong pamilya namin. Kami ang sumusuporta sa pamilya namin. Paano kapag na-infect kami? 

Tapos si Ate Nilda, kung anuman ang mangyari... everyday, 'Ate, kumusta d'yan?' Kasi paano kapag wala na pala s'ya? Kunwari lang, mga pangga, kung nag-positive s'ya... Nandoon tayo na kunwari mabigat 'yong sakit mo hindi ka namin matutulungan e. Wala kami doon to help you?” 

Nag-end naman on a happy note ang vlog ng BenLy dahil natapat ang shoot nila sa time na cleared nang makihalubilong muli si Ate Nilda sa kanila. At dahil COVID-19 free si Ate Nilda, ipinag-celebrate iyong ng BenLy couple.


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.