Lovely Abella, nagka-anxiety attack nang maging asymptomatic COVID-19 positive; takot makahawa at pandirihan

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram, BenLy on YouTube

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram, BenLy on YouTube

Inamin ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella na nagpositibo s’ya sa coronavirus disease o COVID-19. 

Sa latest vlog entry nila ng boyfriend n’yang si Benj Manalo entitled “My Covid Journey: All-Out Confessions” na in-upload kagabi, August 20, isinalaysay ng aktres ang kanyang pinagdaanan matapos s’yang mahawa sa air-borne disease.

“[Naging] asymptomatic COVID patient po ako,” pag-amin ni Lovely na ngayon ay magaling na sa nasabing sakit.

K’wento n’ya, naka-quarantine na daw s’ya noong time na in-upload nila ang vlog noong August 4 tungkol sa kasambahay nilang si Ate Nilda na nag-isolate din noon dahil kinakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Nu’ng nilabas po namin ’yong [vlog tungkol] kay Ate Nilda, na nag-negative s’ya, naka-isolate na ako [that time],” esplika ni Lovely. “Naka-isolate na ako nu'n kasi hirap akong ilabas ang [tungkol] kay Ate Nilda na kasi ako po ay naging asymptomatic positive.”

Matatandaang sabay-sabay na nagpa-swab test sina Lovely, Benj at kasambahay na si Nilda dahil nagka-sipon ang huli at nawalan ng panlasa sa pagkain.

Nauna po kasi ang result nu’ng kay Ate Nilda tapos na-delay kami ng four or five days,” pagpapatuloy ni Lovely. “Kasi hindi kasama ang Saturday [and] Sunday, so nauna ’yong result ni Ate Nilda, by Friday I think. Sobrang saya po namin kasi negative po s’ya.”

However, nalungkot daw sila nang matanggap ang resulta ng test nilang mag-asawa dahil na s’ya naman ang nag-positibo. 

Agad-agad po nu’n, no’ng nalaman namin, sobrang nalungkot kami talaga kasi hindi namin ine-expect na ganu’n 'yong mangyayari sa amin and we had to be careful kasi nasa labas s’ya that time,” singit ng komedyanteng si Benj na katabi ni Lovely while filming their vlog.

Gayun man, noon pa lang daw malaman na nilang may symptoms ang kanilang Aye Nila—na later on ay nag-negative naman sa Covid—ay naging doble-ingat na sila sa bahay.

Hindi kami naghihiraman ng kutsara, ng tinidor. As much as we can ginawa namin ’yong mga protocols [na sinabi] ng kapatid ko [na doktor],” dagdag pa ni Benj.

Kakatapos lang din daw nila ng photoshoot noon para sa cosmetics product ni Lovely (Lovely Cosmetics) noong nalaman nila na COVID-19 positive ang actress-entrepreneur.

Sinabihan daw nila ang mga nakasama nila sa shoot para sila ay makapagpa-test din. 

Nag-sorry ako sa kanila,” sey pa ni Lovely. [Sinabi ko na] kakalabas lang ng result. And I’m positive. Asymptomatic positive. 
    
Wala po akong ubo. Wala po akong sipon. Wala po akong lagnat. Wala sa akin ’yong symptoms na ganu’n. Pero dumating po sa punto na masakit po ang dibdib ko. Totoo po ’yon. Sumakit po ang dibdib ko na ang iniisip namin noong una po ay dahil daw sa pagko-coffee ko. Kasi meron po akong gastro [gastroenteritis]. Mataas ang aking acid.

“So, pinagbawal sa akin ni Benj ang sobrang mahal na mahal kong coffee dahil daw po doon. Sumasakit nang konti ang lalamunan ko because of online selling. That time nag-o-online selling po kami. Akala po namin dahil lang po lahat doon. Hindi po namin naisip na asymptomatic na po ako.

Hindi daw nila inasahan na magkakaganu'n dahil dahil ang kasambahay nila na kinakitaan ng symptoms ay negative. Tinamaan din daw s'ya ng anxiety habang nasa isolation. 

“Sure kami na negative kami kasi negative si Ate Nilda, e. S’ya ’yong may symptoms," paglalahad pa ng Bubble Gang actress. “Kaya po medyo nalungkot ako nu'ng time na nag-positive ako kasi doon na po ako nagkaroon ng anxiety. Actually po hanggang ngayon hirap akong matulog dahil po naiisip ko grabe ’yong trauma na nangyari akin.

Nag-decide din sila na maglabas ng vlog tungkol sa pagpo-positibo Lovely at i-expound ang tungkol dito lalo pa’t  nabanggit ni Lovely ang tungkol dito sa virtual presscon para sa Kapuso show na Bubble Gang. Gusto rin daw nilang magbigay-warning at idea sa mga tao kung paano ba maging asymptomatic COVID-19 carrier.

Kaya po siguro hindi namin ’to nilabas... lumabas lang po talaga ’yong news dahil nagkaroon ng press con for Bubble Gang and ayoko na rin pong mag-deny. Kasi totoo naman pong nangyari sa akin. Baka ako ang way, kung hindi man ako... baka may maitulong ako sa mga asymptomatic COVID patients na nakakaranas ng ganito.”

Itinigil din daw nila pansamantala ang kanilang online selling nang mag-positive s’ya. Maging sa pagre-repack ng kanyang cosmetics ay hindi s’ya kasama.  

Nu’ng time po na nalaman ko na positive ako, nakakaramdam po ako ng pananakit ng dibdib, doon na po ako pumunta sa hospital,” patuloy na salaysay ni Lovely. 

Kinabukasan po, sinabi ko kay Benj, kailangan ko magpa-chest X-ray kasi baka may pneumonia ako. Pumunta po ako sa hospital mag-isa. 

Nahihirapan lang ako kasi ’yong ospital, sa Capitol Med, merong maliit na booth. Ang hirap sabihin, e. Ang tanong sa akin ng mga doctor, ng mga nurse na, ‘Ma'am, bakit po kayo nandito? Ano pong ipapagawa ninyo?’ Hirap akong sabihin na, ‘Positive po ako.’

Hindi ko alam kasi baka pandirihan ako or magsipag-alisan sila. Pero thankful ako na in-assist akong mabuti.”

At sa puntong ito, napaiyak na si Lovely nang i-recall ang pinagdaanan n’ya habang nasa hospital mag-isa. 

Pag pasok ko po sa hospital, wala po akong karamay nang ilang oras. Five hours. Nag-iisa lang ako doon. Sabi ko, sa ganito palang problema wala ka pong karamay, wala ka pong kasama.

Matapos sumailalim sa X-ray ay nag-initiate na si Lovely na magsabi sa doktor na gusto n’ya ring magpa-bloodtest para magawa na ang lahat ng test na kailangan. Kaya naman sinabi rin niya sa vlog na magastos magkasakit dahil sa dami ng babayaran. 

Iba po pala kapag positive ka kasi may ER fee po pa na P5,500 aside pa [sa bayad] sa gagawin sa’yo [test],” pagsisiwalat pa n’ya sa vlog. “Depende po ‘yan sa hospital. Sa ngayon po medyo magastos talaga. Wala pong biro.

"Sa awa ng D'yos, binasa po sa akin [ang resulta], negative po ako [sa] lahat [pneumonia, and other symptoms]. Pag sabi po sa akin na negative ako sa lahat tinanong ko kung ano po ba ang gamot na p’wede sa akin. Wala. Kasi wala naman pong gamot sa COVID. Ang sinabi lang po sa akin ng doktor mag-isolate po ako for 14 days, which is ginawa ko po.

During her isolation period, naging abala daw si Lovely sa pawo-workout. Healthy food din ang kinakain n’ya at umiinom ng vitamins para lumalakas ang kanyang immune system. Umiinom din daw s’ya ng salabat o ginger tea habang nagsusulat to overcome her anxiety, at nagsusuob din daw siya o ’yong paglanghap ng usok mula sa warm water na may asin habang may talukbong. 

“Thankful ako na lumakas ang immune system ko. Siguro malakas ang immune system ko kaya ko s’ya nalalabanan,” pagbabahagi pa ng aktres.

Clueless din daw s’ya kung saan n’ya direktang nakuha ang virus gayong hindi naman daw sila lumalabas during the lockdown period. 

Hindi ko po alam kung saan ko nakuha kasi hindi po kami lumalabas. Pero kung sakali man po, siguro, sa gamit na dini-deliver dito sa bahay.”

Matapos daw kasi ma-disinfect ng kanilang kasambahay ang mga dini-deliver sa kanila, s’ya raw mismo ang humahawak at naghahalungkat sa mga ’yon. 

Nilinaw naman ni Benj na wala silang pini-pin point sa nangyari dahil mahabang proseso ang delivery service na dumadaan sa ilang location at mga tao bago mismo makarating sa kanila.

Hindi ibig sabihin ’yong nag-deliver mismo [ang may COVID],” pagtutuwid ni Benj. “Hindi rin ibig sabihin ’yong gumagawa [ng product]... kasi ang daming proseso po n’yan tulad ng in-explain ni Kuya Bitoy [Michael V] sa vlog n’ya. Nanggaling po yan sa pinaka-manufacturer, kunwari. Pinasa sa ganito, pinasa sa ganito at nakarating sa inyo. So, ang dami po nang pinanggalingan.

Todo pasasalamat naman sina Benj at Lovely, na negative na ngayon sa COVID-19, sa suportang natanggap nila mula sa kanilang mga tagahanga at mga kaibigan. 
 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Celebrity couple and Benj Manalo and Lovely Abella receive their YouTube Silver Play Button for their vlog, BenLy the Pangga Stories

Jose Manalo’s son Benj Manalo finally proposed to long-time partner, Lovely Abella

Michael V, idinetalye ang pinagdaraanan bago at matapos s’yang mag-positibo sa COVID-19; at dahil naka-isolate, miss na miss na daw ang pamilya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.