Lovely Abella, napatunayang ideal husband si Benj Manalo habang nagbabakasyon sila sa Thailand

Matatandaang ikinasal ang BenLy couple noong January 2021 matapos dalawang beses na mag-propose si Benj kay Lovely noong June 2019 at December 2020.

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram

Matatandaang ikinasal ang BenLy couple noong January 2021 matapos dalawang beses na mag-propose si Benj kay Lovely noong June 2019 at December 2020.

Labis ang papuri ng comedienne-entrepreneur na si Lovely Abella sa kanyang mister na si Benj Manalo ngayong napatunayan daw n’ya na ideal husband ito.

Inilahad n’ya ’yan sa kanyang Instagram kahapon, April 18, kalakip ang series of photos nila na kinunan nang magbakasyon sila sa Thailand. 

“Medyo cheesy post,” pasintabi agad ng Kapuso actress sa kanyang IG post. 

Napatunayan daw kasi n’ya sa recent Thailand trip nila na talagang nagbago na ang kanyang asawa.

“Sabi kasi nila mas makikilala mo daw ang Partner mo/ Bf mo or Asawa mo pag nasa ibang bansa kayo. Heto ang magpapatunay na binago ni Lord ang Asawa ko, simula nung lumakas ang faith niya,” lahad ni Lovely. 

Inisa-isa pa n’ya ang mga magagandang katangian ngayon ni Benj kaya naman “happy wife, happy life” daw ang current status ng buhay n’ya ngayon. 

“Di na mainitin ang ulo niya, di niya sinasabayan ang bwisit ko, halos siya lahat kumikilos, wala akong narinig na reklamo sa kabila ng katamaran ko,” pagbibida ng Bubble Gang star. 

Bongga daw kasi ang naging pagmu-multi-task ni Benj sa walong araw na pamamalagi nila sa Thailand. 

“As in napakasaya ng travel namin na to. Vlogger, tagbitbit, taga picture, BOSS na may puso at malasakit, taga bukas ng pinto ko, taga antay pag nagshoshopping kami. Lahat na ata ng maganda nakita ko sa 8 araw namin na to,” pagde-detalye ng komedyana. 

Dahil dito ay thankful daw s’ya na naging maganda at puno ng good vibes ang naging baskasyon nilang mag-anak. 

“Babe @benj ang saya ko ang saya ng Puso ko na Ikaw ang nakasama at makakasama ko pa sa lahat ng travel na to,” shout out pa ni Lovely sa kanyang mister. 

“Thank you Lord safe po kaming lahat, walang mabigat na aberya. #Benly #Benlygoestothailand #Memories #Happywife #happylife

Matatandaang ikinasal ang BenLy couple noong January 2021 matapos dalawang beses na mag-propose si Benj kay Lovely noong June 2019 at December 2020.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pangako ni Lovely Abella sa namayapa niyang mother-in-law: “Di ko pababayaan ang anak mo.”

Lovely Abella at Benj Manalo, may bago ng “baby.”

Kasal nina Benj Manalo at Lovely Abella, minadali daw para makabuo na agad ng baby

Benj Manalo, muling nag-propose kay Lovely Abella; this time, maging sa daughter ni Lovely na si Crisha

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.