Lovi Poe, suking viewer pala ng mga ABS-CBN teleseryes

Magkakambal na dreams ang agad natupad sa paglipat ni Lovi Poe sa ABS-CBN. Ang maka-trabaho si Piolo Pascual at makagawa ng isang K-Drama remake, in this case, ang Flower of Evil na nagkataong isa sa mga favorite K-Dramas daw niya. “Isa po yan sa mga paborito kong Korean dramas, I’m a Korean drama fan, super!”

Photos: @lovipoe | @dreamscapeph

Magkakambal na dreams ang agad natupad sa paglipat ni Lovi Poe sa ABS-CBN. Ang maka-trabaho si Piolo Pascual at makagawa ng isang K-Drama remake, in this case, ang Flower of Evil na nagkataong isa sa mga favorite K-Dramas daw niya. “Isa po yan sa mga paborito kong Korean dramas, I’m a Korean drama fan, super!”

Ngayong araw na ito, September 16, ay pormal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang homegrown GMA-7 actress na si Lovi Poe.

Matapos ang contract-signing ceremonies ay binigyan and entertainment press ng pagkakataong makausap si Lovi.

Bungad ni Lovi, hindi umano siya nakatulog the night before dahil sa magkakahalong saya at nerbiyos sa magaganap na contract-signing.

“I slept for four hours. I slept really late,” pag-amin niya. “I was probably excited na parang nu’ng bata ka, kapag may field trip ka the next day, ganu’n. Nag-alarm ako ng mga 5:30 a.m. but I woke up earlier than that. I got up at 4. I was just excited. I waited for the sunrise. I said a prayer of thanksgiving.”

At pag dating daw niya sa Kapamilya network, nanibago raw siya pero agad ding nakaramdam ng pagiging at home

Talagang iba 'yung pakiramdam ko nu’ng tumapak ako dito. Of course, I’ve been here before and have done guestings and visited in the past. But iba 'yung tumapak ako dito bilang isang Kapamilya. I am just very, very grateful po sa lahat ng nag-welcome sa akin today and made me feel at home.

“When I stepped out of the car, nakita ko sila Miss Cory (Vidanes), Sir Carlo (Katigbak), Sir Deo (Endrinal), and everybody. I felt like it wasn’t real. It felt like such a dream. 'Yung pag-welcome nila sa akin, I can’t even explain it. The moment I walked in, I just really felt the love. You know how I felt nervous in the beginning? I suddenly felt at home.”

At sa kasunod na tsikahan na nagkabukingan na bagama’t taga-Kapuso network si Lovi Poe sa loob ng 15 years, ay isa umano siya sa mga loyal viewers ng mga teleserye ng Kapamilya network.

Natanong kasi siya kung may napanood ba siyang ABS-CBN soap opera. At ginulat niya ang lahat sa dami ng inisa-isa niya.

“In the past? Oh my!,” natatawang simula niya. “There’s Pangako Sa ‘Yo, Saan Ka Man Naroroon, Mula sa Puso, Esperanza-...Hahaha! I can go on.”

Dagdag pa niya, may mga favorite movie din daw siya na gawa ng film arm ng ABS-CBN na Star Cinema.

“But my favorite-favorite movie though was Dahil Mahal na Mahal Kita (1998)...Miss Claudine [Barretto] and Sir Rico [Yan]? That was my favorite movie, isa sa mga dream roles na gusto kong gawin si Mela, the character of Miss Claudine.”

(Ang Pangako Sa’yo in 2002, ay pinagbidahan nina  Kristine Hermosa at Jericho Rosales; habang ang  Saan Ka Man Naroroon noong 1999 to 2001 ay pinagbidahan naman ng Claudine Barretto-Rico Yan tandem. Ang 1997 hit na Mula sa Puso is another Claudine-Rico Yan teamup kasama si Diether Ocampo; habang ang Esperanza, noong din, ay teleserye naman nina Judy Ann Santos, Marvin Agustin, at Wowie De Guzman).  

Ang mga nabanggit na landmark TV series ay masasabing kapanahunan nga ni Lovi at hindi siya masisi kung “sumisilip” na siya sa kabila noon pa man. 

Nabanggit din ni Lovi na marami rin siyang kaibigan sa ABS-CBN at looking forward siyang makatrabaho ang mga gaya nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, at maging ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

“I’m a Reginian,” pagmamalaki ni Lovi. “Sobrang madaldal na po ako pag dating kay Miss Regine.

Hoping din siyang makatrabahong muli ang mga Kapamilya stars na naka-work na niya gaya nina Joem Bascon, na nakasama niya recently lang sa pelikulang The Other Wife; si Zanjoe Marudo na naka-trabaho niya sa iWant digital movie na Malaya, Carlo Aquino na ka-tandem niya sa katatapos lang i-shoot na pelikulang Seasons. 

Samantala, natanong din si Lovi kung may nabanggit-an ba siya sa mga kaibigan niya sa Kapuso network tungkol sa kanyang paglipat sa Kapamilya. Aniya ay wala pero naniniwala daw siyang suportado siya ng mga ito dahil ang pagkakaibigan naman daw nila ay hindi lang sa trabaho kundi sa mas malalim pa.

 

K-Drama fan to K-Drama remake actress

K’wento pa ni Lovi sa press, una raw niyang naramdaman na may magaganap na malaking pagbabago sa buhay niya during one of her visits to California, kung saan naka-base ang British boyfriend niyang si Monty Blencowe.

“I was standing outside, having my cup of coffee in the morning and watching the sunrise,” pa-nostalgic na k’wento ni Lovi. “I felt like when we see a beautiful sunrise, it’s a time to celebrate. It reminds me of a new beginning, not that because you’re looking back as if there’s anything bad in the past or anything, but because everything’s been great and everyone’s been amazing. 

“But I guess the symbol of that sunrise that very day meant a lot to me. I am just really blessed that I have a lot of people who actually believe in me in this whole room of amazing people. I am just glad that they welcomed me with open arms,” patukoy ni Lovi sa kanyang mga bagong bosses sa ABS-CBN.

At kasama sa major na pagbabago sa paglipat ni Lovi ay ang proyektong magtatambal sa kanya finally sa aktor na matagal na niyang pangarap maka-trabaho, ang ultimate heartthrob ng ABS-CBN na si Piolo Pascual.

Ani Lovi, napag-usapan na raw nila ni Piolo noon ang tungkol sa pagtatrabaho together. Sa Paris pa nga raw naganap ang tsikahan nila noong pareho silang dumalo sa kasal nina Doc Hayden Kho at Dra. Vicky Belo sa France noong 2017.

Kaya laking gulat daw ni Lovi nu’ng ilatag sa kanya ng Kapamilya management ang mga projects niya at isa na doon ang Pinoy remake ng Korean suspense drama series na Flower of Evil at si Piolo ang leading man niya! 

“Nu’ng unang sinabi nila sa akin na I will be working with Piolo Pascual, I was really excited and talagang sabi ko this is such a dream come true. I’ve been wanting to work with him. But when he walked in kanina bringing me flowers, this was like an actual dream. Nakikita ko si Piolo Pascual palapit sa akin na may dalang bulaklak.

“Kasi isa po yan (Flower of Evil) sa mga paborito kong Korean dramas, I’m a Korean drama fan, super!

“Alam n’yo po kung ano ‘yung unang pumasok sa isip ko is ’yung scene na nasa loob siya ng pool na nalulunod siya at tumalon ako do’n (para i-save si Piolo). Oh, my God! It’s such a dream come true!” kinilig nitong pahayag.

Hirit pa ng aktres: “It’s such a beautiful show, thank you ABS-CBN sa pagtiwala n’yo sa akin na makasama ko si Piolo Pascual at magawa ko pa itong Flower of Evil. Kaya maraming-maraming salamat.”

Ilang araw pagkatapos ng kanyang ABS-CBN contract signing ay babalik ng Amerika si Lovi para sa shoot ng international movie niyang The Chelsea Cowboy.

Pag balik niya ay saka palang nila sisimulan ang taping ng Flower of Evil na hindi pa binanggit kung sino ang direktor.

Pero bago siya umalis ay iwe-welcome muna siya sa ASAP Natin ‘To sa Linggo, Setyembre 19 bilang bagong Kapamilya artist.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.