Lovi, work mode na ulit after mawala ng six months

Katulad din daw ng ibang Pinoys living abroad, nakaranas din daw si Lovi Poe ng matinding pagka-homesick kaya never naman daw sumagi sa isip niyang doon na tumira at iwan na ang Pilipinas.  “No naman. There’s no place like home. Sa totoo lang no’ng nandoon ako, doon ko na-experience ’yong homesick...homesick pala is literal na you’re feeling...Natiis ko naman po siya kasi ginusto ko talaga... I wanna learn how it is to live alone abroad.”

PHOTOS: Melo Balingit & @lovipoe

Katulad din daw ng ibang Pinoys living abroad, nakaranas din daw si Lovi Poe ng matinding pagka-homesick kaya never naman daw sumagi sa isip niyang doon na tumira at iwan na ang Pilipinas. “No naman. There’s no place like home. Sa totoo lang no’ng nandoon ako, doon ko na-experience ’yong homesick...homesick pala is literal na you’re feeling...Natiis ko naman po siya kasi ginusto ko talaga... I wanna learn how it is to live alone abroad.”

Six months na dire-diretsong nagbakasyon si Lovi Poe sa Los Angeles, California (with few side trips to New York and Las Vegas) kaya naman fresh at tila kumpleto sa tulog ang aura ngayon ni Lovi.

Pero hindi naman daw puro pahinga at gala lang ang ginawa niya sa LA, nag-enlist din daw siya sa ilang acting workshops to further enhance her skills.

“I had lessons with acting coaches, one on one lessons habang nandoon ako,” nakangiting k’wento ni Lovi. “S’yempre habang nandoon ako, pahinga ko ’yon but at the same time, learning experience din while I was in LA.”

Sabi namin, tila napa-haba yata ang bakasyon niya. Pero para kay Lovi, sakto lang ito. ’Yon daw talaga ang plano niya.

Ang sarap din kasi, I...sinadya ko talaga na magpahinga muna. Just to...it may sound dramatic but I wanted to replenish my soul para when I start acting again, parang everything feels brand new.”

Na-burn out ba siya masyado sa trabaho sa showbiz? Tanong namin.

“Hindi naman ako na-burn out...” attempt na pagkukubli ni Lovi. “It’s just that I feel as an artist, I don’t want to reach the point na automatic nalang sa akin na magpatulo ng luha...para kasing ginagawa ko siya eversince I was 15, 16 years old—everyday. Para na siyang engine na nagagawa ko na [nang automatic]... I feel like I need to experience other things to be able to feel things again.”

Enjoy daw siya sa naging solo life niya sa LA na siya ang gumagawa lahat. At kampante naman daw siyang naaalagaan ng nakababatang kapatid niya ang bahay niya sa Pilipinas habang wala siya.

Pero ayon kay Lovi, katulad din daw ng ibang Pinoys living abroad, nakaranas din daw siya ng matinding pagka-homesick kaya never naman daw sumagi sa isip niyang doon na tumira at iwan na ang Pilipinas.

“No naman. There’s no place like home. Sa totoo lang no’ng nandoon ako, doon ko na-experience ’yong homesick...homesick pala is literal na you’re feeling...Natiis ko naman po siya kasi ginusto ko talaga... I wanna learn how it is to live alone abroad.”

Na-enjoy din daw niyang makasalamuha ang mga kababayan nating naka-base na doon at dahil sa kakatsika sa mga ito, nagkaroon daw siya ng new appreciation sa mga Pinoys abroad in general, partikular na ang mga OFWs [Overseas Filipino Workers].

“Ang sarap talaga pag may mga Filipinos ka na nakakasama doon sa ibang bansa. Kasi sila mismo homesick na din...kung ako nga anim na buwan lang homesick na’ko, what more sila?

So, tuwing nagta-travel ako abroad to do a show for GMA [7], parang mas malalim ’yong pinang-gagalingan ko ngayon when I perform for our OFWs. Kasi alam ko ’yong pakiramdam [na] nami-miss ko ang Pilipinas ilang buwan palang ako. E, sila taon na sila doon.”

At dahil magastos ang naging bakasyon niya, it’s time daw na ang i-replenish naman niya ay ang bank account niya kaya naman all geared up na si Lovi na magtrabaho ulit.

And first in her work itinerary ay ang Viva Films project niyang In Between Goodbyes na ididirek ni Joel Lamangan. Sexy-drama drama daw ito na may kakaiba ring twist. At excited siya na ang mga makakasama niya dito ay ang dalawang hunkie actors na sina Marco Gumabao at Tony Labrusca na kapwa nagmarka sa mga sexy-dramatic roles nila—sa Just a Stranger  at Glorious respectively— na pareho niyang first time makaka-trabaho.

The movie will start shooting soon and excited si Lovi to act again. 

Welcome back, Miss Lourdes Virginia!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE: Lovi Poe on her rumoured British boyfriend: “We have an understanding.”

LOOK: Did actress Lovi Poe just introduce her new beau?

Lovi Poe washes her dishes and does her own laundry

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.