Loyal Kapamilya Ogie Diaz, tinanggihan ang alok ni Direk Bobot Mortiz na makasama sa sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7

Hindi raw nanghinayang si Ogie Diaz na tanggihan ang alok ni Direk Bobot Mortiz, na taga-GMA-7 na, dahil kahit naman daw ang alok ng ABS-CBN ay tinatalo niya dahil ayaw niya ng lock-in taping. “Una, binibigyan ako ng work ng Kapamilya, ako lang tumatanggi dahil ayaw ko ng lock-in [taping]. Kasi gusto ko pa ring nakikita ang pamilya ko, gusto ko pa ring hawak ko ang oras ko.”

Photos: @ogie_diaz / @johnlloydcruztm / @direkbobot

Hindi raw nanghinayang si Ogie Diaz na tanggihan ang alok ni Direk Bobot Mortiz, na taga-GMA-7 na, dahil kahit naman daw ang alok ng ABS-CBN ay tinatalo niya dahil ayaw niya ng lock-in taping. “Una, binibigyan ako ng work ng Kapamilya, ako lang tumatanggi dahil ayaw ko ng lock-in [taping]. Kasi gusto ko pa ring nakikita ang pamilya ko, gusto ko pa ring hawak ko ang oras ko.”

Inalok pala ni Direk Bobot Mortiz si Ogie Diaz na sumama sa sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz (JLC) sa GMA 7.

(Pormal nang ipinakilala si JLC bilang certified Kapuso star noong Martes, Nobyembre 9.)

Pero hindi ito tinanggap ng kilalang talent manager cum vlogger.

Ito ay base sa kuwento ni Ogie sa kanyang YouTube channel na in-upload niya nitong Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 11.

“Winelcome na si John Lloyd Cruz ng GMA 7 bilang Kapuso.  Ang ganda ng pagwe-welcome sa kanya lahat ng big bosses nandoon ha,” panimula ni Ogie kausap ang co-host niyang si Mama Loi.

At bilang panimula ay uumpisahan ’yan ng sitcom nila ni Direk Bobot ’yung ‘Happy Together’ na tingnan mo ’yung ‘get,’ iba ang kulay, bale Happy To Get Her, di ba?” say ni Ogie habang ipinapakita ang backdrop ni John Lloyd sa contract signing with GMA.

Sabi naman ni Mama Loi: “So, parang merong kukunin?”

“Oo, sino kaya ‘yung binu-bulls eye ni John Lloyd sa sitcom?  Ako talaga honestly, I’m so happy for John Lloyd kasi magbabalik na siya.  Matagal siyang na-miss ng kanyang mga fans, di ba?

“At s’yempre hindi dahil ako’y Kapamilya, ako’y nalulungkot [sa nangyari]. Hindi. Lahat tayo kailangan ng trabaho at kahit mga big bosses ng ABS-CBN naiintindihan ’yan na kailangang magtrabaho ng mga artista at habang wala pang prangkisa,” paliwanag ni Ogie.

Nabanggit naman ni Mama Loi na makakasama ni Lloydie sa kanyang unang show sa GMA ay ang mga nakasama niya noon sa sitcom niya sa Kapamilya network na bagama’t hindi ito pinangalanan ay ito ’yung Home Sweetie Home kasama sina Toni Gonzaga, Jason Gainza, Ellen Adarna at si Ogie nga.

“Sandali, di ba in-offeran ka ni Direk Bobot ng show? Ito ba ’yun?” hirit ni Mama Loi.

Nag-make face si Ogie at kunwaring sinapok si Mama Loi pero umamin din.

“Inalok nga sa akin ni Direk ’yan. Hindi ko lang alam kung same kuwento o nag-iba na ang kuwento dahil nga siguro hindi nakuha ’yung ibang gusto nilang cast.

“Kasi ang alam ko rin, parang kalahati yata ng cast manggagaling pa rin sa GMA puwera pa ’yung choice ni John Lloyd na gusto niyang makasama.”

 “Ay, siya ang pumili ng iba?,” kunwa’y gulat na tanong ni Mama Loi.

“S’yempre creative consultant si John Lloyd,” salo naman ni Ogie.  E, ako rin kinonsider diyan pero hindi ko alam kung same kuwento ha?

“Pero sobra akong thankful kay Direk Bobot at kay John Lloyd kasi kino-consider nila ako.

“Kaya lang nga di ba, alam n’yo na? Gusto ko pa ring maging Kapamilya. Sobra ang puso ko sa pagiging Kapamilya,” diin ng host.

“E, sayang trabaho na ito?  Bakit gusto mo pa rin sa Kapamilya, e, wala ka namang work sa Kapamilya?” urot ni Mama Loi.

“Una, binibigyan ako ng work ng Kapamilya, ako lang tumatanggi dahil ayaw ko ng lock-in [taping].  Kasi gusto ko pa ring nakikita ang pamilya ko, gusto ko pa ring hawak ko ang oras ko at saka nagso-showbiz update tayo [dito sa Youtube]. Gusto mong mawalan [ng trabaho]? paliwanag mabuti ng manager ni Liza Soberano.

“Hindi maganda sa’yo ang lock-in na ’yan, dito ka lang,” bawing sagot ni Mama Loi.

Sa pagpapatuloy pa ni Ogie, “Naintindihan naman ni Direk Bobot.  Network lang ang naiba pero same pa rin ’yung grupo...parang touch pa rin ng ABS-CBN, ganu’n,” say ni Ogie regarding the creative team at ilan sa mga original cast gaya ni Jason Gainza.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.