Ginulat ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang mga fans nang isapubliko nila na sila ay officially married na.
Sa short vlog na in-upload ni Jessy sa kanyang YouTube channel ngayong araw, April 4, ipinakita ng celebrity couple ang mga naganap sa kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas noong pang February 21.
Intimate ang naging kasalan nina Luis at Jessy na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Present sa occasion ang daddy ng groom na si Edu Manzano, gayundin ang mommy nitong si Congresswoman Vilma Santos at mister na si Senator Ralph Recto.
Medyo kwela pa sina Luis at Jessy sa simula ng video kung saan makikita ang kanilang preparation sa araw ng kanilang kasal pero kapwa sila naging emosyonal nang maglakad na sa isle ang aktres.
“I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you,” nangiyak-ngiyak na sey pa ni Jessy nu’ng nagpapalitan na sila ng vows ni Luis. “Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend today and all of my tomorrows with you. I love you, HowHow [term of endearment nila sa isa’t isa].”
Sagot naman ng aktor, “We have been through so much, so many smiles and tears. But I would do it all over again if it means leading back to you. HowHow, I will love you every single day or forever.”
Taong 2016 nang napabalitang magkasintahan sina Luis at Jessy pero April 2017 nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. Nag-engage naman ang dalawa noong December 2020 nang mag-propose ng kasal ang TV host-actor sa nobya n’yang actress-vlogger.
Congratulations and best wishes, Luis and Jessy!
YOU MAY ALSO LIKE:
Beachfront house ng mag-sweetheart na Jessy Mendiola at Luis Manzano, malapit nang itayo
Future wedding at baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, “very soon” na daw ayon kay Vilma Santos
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber