Luis Manzano, binulgar na nag-break sila ni Jessy Mendiola noong nag-ECQ last year

“It’s the first time that something this magnitude has happened to us. So, siguro ‘yung stress, lalo na ‘yung unang ECQ, napakaraming nangyari. Pero kahit paano, after a while, nakabawi naman.”

Photos: @luckymanzano

“It’s the first time that something this magnitude has happened to us. So, siguro ‘yung stress, lalo na ‘yung unang ECQ, napakaraming nangyari. Pero kahit paano, after a while, nakabawi naman.”

“It sounds superficial ha, pero maganda rin ang meaning...para sa akin, just wearing this ring is so sweet para sa akin,” ang matamis ding bitaw ni Luis Manzano sa tanong sa kung ano raw ang “sweetest thing about being married.”

Ang ring na tinutukoy ay ipinakita ni Luis sa lahat ng attendees ng naganap na online media conference para sa kanya bilang endorser ng natural sweetener na Sweet Via. At ito ay ang wedding ring nila ni Jessy Mendiola.

Matatandaang ikinasal ang dalawa nito lamang Abril.

Dugtong pa niya: “At the same time, kausap ko si Tito Martin Nievera, one time, we’re doing ASAP. Sabi niya, ‘How are you, boy?’ Sabi ko, well, I’m married.  Sabi rin ni Tito Martin, it’s not about the ring, it’s about this (sabay turo sa kanyang puso).

At biro niya, “Sabi ko, ‘Oo nga ‘no?’ Tapos ‘di na kami nag-usap.”

Sa panahon ng pandemya, isa rin si Luis sa mga artistang ang daming naging ganap, mapa-personal man o careerwise. Kasama na roon ang engagement at ang naging kasal nga nila ni Jessy.

“Actually, marami kaming pinagdaanan. Ang daming nangyaring maganda sa buhay ko kahit na may pandemic. From the engagement to the wedding and I’m still fortunate to be working.”

Pero inamin ni Luis na meron din daw silang mga hindi maganda o malungkot na pinagdaanan.

Aniya, “Napakarami rin naming pinagdaanan na hindi nakikita ng mga tao. In fact, there was a time during pandemic that we broke-up.

“Na-post din ni HowHow yun sa vlog niya. Kumbaga, it wasn’t easy. And I can only imagine. Kung ako, I was already having a hard time. Kahit papaano, baka hindi ko lang nailabas or wala lang sa personality ko, pero it gets to us, e.

“It’s the first time that something this magnitude has happened to us. So, siguro ‘yung stress, lalo na ‘yung unang ECQ, napakaraming nangyari.”

(HowHow is his term of endearment for his wife.)

“Pero kahit paano, after a while, nakabawi naman,” pagpapatuloy niya. “So, it wasn’t all good time itong pandemic. Napakaraming magandang nangyari and thankfully, kahit papaano, things are better for a lot of us. Pero marami rin kaming pinagdaanan noong pandemic.”

Sa ibang banda, Sa showbiz, kilala si Luis bilang isa sa maituturing na sweet na tao. Pero ano naman ang p’wedeng magpa-asim sa kanya?

“Siguro kapag may taong late,” direktang sabi niya. “Kasi ako, I’m very particular about the time. Para sa akin, ‘yung punctuality, being on time is a basic form of respect. 

“So, kapag kunwari gumawa ako ng oras na pumunta ko ng maaga, may usapan tayo, but of course, may mga circumstances naman na p’wedeng naaksidente ‘yung tao, of course, that’s understandable.

“Pero kung tipong tamad ka lang, late ka...para sa akin, ‘yun ang nagpapa-asim sa mukha ko. And my staff knows this. Para sa akin, respetuhan tayo ng oras.”

But despite his good image sa mga taga-showbiz, sa labas naman ay isa si Luis sa mga artistang masasabihan “paborito” ng mga bashers.  At paborito din naman niyang sumagot. Pumapatol, ika nga.

Ang tanong, irerekomenda ba niya ang Sweet Via sa mga ito para tumamis-tamis naman ang mga ito sa pakikitungo sa kanya?

“Alam mo, ‘yung mga bashers na ‘yan, mas binabantayan pa nila ang galaw ko kumpara sa talagang mga sumusuporta sa akin. 

“Mas updated sila sa mga galaw ko. So, kahit na hindi natin pag-usapan, basta makita nila ang picture ko sa Sweet Via, knowing them, kung gaano sila katutok sa buhay ko, bibili ang mga ‘yan. 

“Kaya ngayon pa lang, thank you sa mga bashers.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan

Heart Evangelista, purnadang maka-hobnob si Song Hye-kyo ng Descendants of the Sun sa Paris

Ken Chan, flattered na masabihang “new Dennis Trillo,” pero “sobrang layo pa po.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.