Umiral ang pagiging protective parent ng TV host-actor and first-time dad na si Luis Manzano.
May mga netizens kasi na kumuwestiyon sa desisyon nila ng asawa niyang si Jessy Mendiola na huwag munang ipakita sa publiko ang kakasilang pa lang nilang baby girl na si Isabella Rose Tawile Manzano.
Sa isa n’yang recent Instagram photo kung saan karga n’ya sa ang kanyang Baby No. 1, may ilang netizens na nagkomento na tila gustong ipakahulugan na ipinagdadamot nila na makita ng publiko ang kanilang anak.
Nilagyan kasi ni Luis ng rose emoji ang mukha ng baby sa picture kaya’t walang maaanig sa hitsura nito.
Dahil dito ay naikumpara ng isang netizen sina Luis at Jessy sa Kapuso couple na sina Iya Villania at Drew Arellano. Ipinakita kasi agad ng dalawa sa publiko ang mukha ng kanilang Baby Astro Phoenix pagkasilang dito ni Iya last June 2022.
“[B]akit ganon..ayaw nila reveal agad anak nila..nanakawin ba? [two face with tears of joy emojis] di tulad ng mag asawang drew at iya.reveal agad walang arte,” tahasang komento ng isang netizen.
Hindi ito pinalagpas ni Luis at kanyang sinagot nang pabalang.
“Ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata,” panunupalpal n’ya dito.
“[I]kaw nga post ng post ng pic mo e di naman naming hinihingi,” dagdag banat pa n’ya.
Ganito din ang saloobin ng isa pang netizen na nagsabing dapat ay hindi na ipinost pa ni Luis ang photo nilang ng baby daughter niya at nag-solo selfie na lang umano siya dahil hindi rin naman daw pala makikita ang mukha ni baby.
“Dapat nag sulo picture ka nlng kuya luckymanzano kasi ganun din ikaw lng din nakikita hohoho [three crying face emojis],” pagmamarunong nito sa celebrity dad.
“[S]i santa claus ka ba[?]” pang-aasar na sagot naman dito ni Luis.
Nakahanap naman ng kakampi ang actor sa iba n’yang online followers na mga magulang na din.
Depensa ng isa sa kanila, kahit na public figure umano ang mag-asawang Luis at Jessy ay may karapatan pa rin naman daw ang mga ito na isapribado ang ibang aspeto ng kanilang buhay.
“Kakaloka ung ibang nako comment why di ipakita ung bata. They are celebs, yes. Pero they have all the right to decide whether to show the face of their child or not. Kung kelan at paano. People tend to forget ang salitang privacy kahit pa artista sila,” litanya ng isang fan ng mag-asawang Manzano sa mga demading na fans.
Naka-relate naman kay Luis ang isang ina sa nauunawan ang nararamdaman ng aktor. Ganu’n din naman daw kasi s’ya sa kanyang anak before na ayaw umano n’yang i-post sa social media ang mukha nito noon.
“[A]ko nga po hindi artista pero nung una ayoko sana i post mukha ng baby ko e ewan ko bakit ganun pakiramdam ko bilang nanay..respeto na lang natin privacy nila kasi karapatan naman po nila yun,” lahad nito.
Nitong nakalipas na January 7 nang ipaalam nina Jessy at Luis sa kanilang mga tagasuporta na ganap na silang mommy at daddy matapos isilang ng aktres ang anak nilang si Isabella Rose Tawile Manzano.
YOU MAY ALSO LIKE:
Jessy Mendiola, “Kuyang manyak” ang tawag dati kay Luis Manzano
Pika's Pick: Luis Manzano and Jessy Mendiola welcome first Baby Isabella Rose
Couple Luis Manzano and Jessy Mendiola transfer to a new buntis-friendly home
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber