Mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, nagkapatawaran na: “After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

Ani Diego Loyzaga sa kanyang March 3 post, pitong taon daw silang hindi nagkita ng kanyang ama at and Diyos na raw ang gumawa ng paraan kaya nangyari ang kanilang pagkikita at pag-uusap. “7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

PHOTOS: @OfficialDiegoLoyzaga on Facebook

Ani Diego Loyzaga sa kanyang March 3 post, pitong taon daw silang hindi nagkita ng kanyang ama at and Diyos na raw ang gumawa ng paraan kaya nangyari ang kanilang pagkikita at pag-uusap. “7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

Pinusuan ng mga netizens ang latest social media post ni Diego Loyzaga dahil nagpapahiwatig iyon na nagkaayos na sila ng kanyang ama na si Cesar Montano

Kagabi, March 3, ikinatuwa ng mga online followers ng Viva artist ang post n’ya kalakip ang series of photos nila ng kanyang Daddy Cesar na mukhang naka-bonding niya through basketball. Meron ding throwback photos kung saan karga ni Cesar ang noon ay baby pang si Diego.

Hindi lingid sa publiko na may matinding hidwaan ang mag-amang Diego at Cesar na mas lumalim pa nang maglabas ng hinanakit si Diego kay Cesar through social media noong 2017.

At that time, inisa-isa ni Diego ang mga sama ng loob sa ama kabilang na ang umano’y banta nitong ipapadampot siya sa mga pulis dahil sa umano’y paggamit n’ya ng ipinagbabawal na gamot.

Pinalayas din umano s’ya ng seasoned actor sa bahay na ibinigay nito sa kanya noong 21 year old s’ya.

Tinawag n’ya ring “ipokrito” at “duwag” noon ang ama dahil sa mga bintang nito at pagpapalayas sa kanya gayong ni minsan daw ay hindi s’ya humingi dito ng kahit na piso.

But that’s all in the past now dahil makalipas ang mahabang panahon ay mukhang naplantsa na ang gusot sa pagitan nila. 

Ani Diego sa kanyang March 3 post, pitong taon daw silang hindi nagkita ng kanyang ama at and Diyos na raw ang gumawa ng paraan kaya nangyari ang kanilang pagkikita at pag-uusap.

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again,” panimula ni Diego sa kanyang post.

Pinagsisisihan din ng aktor ang mga nasabi n’ya noon against his father. Kung p’wede nga lang daw ibalik ang panahon.

“I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, i would,” pahayag pa n’ya. “One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.”

Kung may natutunan daw ang aktor sa pangyayari, ito ay ang pagbibigay-halaga sa pamilya. 

“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the worlds problems. Just peace and love and nothing else matters,” pagtatapos n’ya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Ikinatuwa naman ng mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga ang magandang pangyayaring ito.

“You make me Proud son. I love you,” pahayag n’ya sa comment section. 

SCREENSHOT: @diegoloyzaga on Instagram

We’re happy for you, Diego and Cesar.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.