Mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang naging major tampuhan sa buong duration ng lockdown

Marian Rivera on the secret of her ang dingdong’s solid relationship: “Wala naman pong perfect na relasyon. Pero, p’wede kang mag-adjust para maging perfect kayo sa isa’t-isa. Ang mahalaga niyan, nagmamahalan kayo, nag-a-adjust kayo sa isa’t-isa. Kasi may mga pagkakataon na aminin natin, sa isang relasyon, hindi naman palaging magkasundo. So, ang madalas siguro sa amin, kapag ’yung isa may bad moment, magla-lie-low ang isa, maglalambing ’yung isa. Yun ang mahalaga, hindi ’yung parehas na nagsasabay para sumabog.”

Photos: @marianrivera

Marian Rivera on the secret of her ang dingdong’s solid relationship: “Wala naman pong perfect na relasyon. Pero, p’wede kang mag-adjust para maging perfect kayo sa isa’t-isa. Ang mahalaga niyan, nagmamahalan kayo, nag-a-adjust kayo sa isa’t-isa. Kasi may mga pagkakataon na aminin natin, sa isang relasyon, hindi naman palaging magkasundo. So, ang madalas siguro sa amin, kapag ’yung isa may bad moment, magla-lie-low ang isa, maglalambing ’yung isa. Yun ang mahalaga, hindi ’yung parehas na nagsasabay para sumabog.”

Sanay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na mahigit sa isang beses kada taon ay pumupunta sila sa ibang bansa para personal na mag-perform at makausap ang mga fans nila abroad. At ito ay sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Pero simula noong isang taon—at di-malayong sa taon pa rin na ito—hindi pa rin talaga sila makakaalis ng bansa dahil sa pandemya.

Kaya gano’n na lang ang tuwa at pagkasabik ng mga DongYan fans sa naisip na #DongYanStrongerTogether FunCon na ginanap noong April 30 via Zoom at naka-live rin sa Facebook page ng GMA Pinoy TV.

Nagsilbing host ng DongYan FunCon event ang kanilang kumare na si Boobay.

Isa sa mga unang tanong na ibinato ni Boobay sa dalawa ay kung ano raw ang mga best memories nila sa anim na taon nilang mag-asawa.

Sabi ni Dingdong: “S’yempre, ’yung pag gising namin…pag dating ni Zia, pag dating ni Sixto...’yun ang mga highlights ng married life.

“Pero halos araw-araw, may nangyayari. At itong lockdown, ang daming special moments. Siniguro namin na gamitin ang oras na ‘to para mag-bonding talaga kami.”

Tine-treasure daw ng mag-asawa ang mga lockdown moments nilang pamilya dahil nagsilbi itong pang-bawi nila sa mga anak dahil noong walang pandemic ay kapwa din naman sila naging busy sa kani-kanilang trabaho.

Ani naman ni Marian, masaya daw siyang nabigyan silang apat ng pagkakataong magkapag-uninterrupted bonding sa bahay.

“Pero ngayong nandito lang kami sa bahay, in fairness naman, hindi naman kami nag-aaway kahit araw-araw kaming magkasama,” natatawang hirit ni Yanyan (palayaw ni Marian)

Kasi ’yun nga, dati parehong may trabaho kami. Ngayon, madalas nagre-request siya [Dingdong], ‘Mag-bake ka naman, magluto ka naman ng ganito...’ na before, ginagawa ko naman. Pero ngayon, parang araw-araw request mo,” pabirong hirit ni Marian sa asawa.

Dagdag ni Dong (nickname ng nickname ni Dingdong), dahil din daw sa pandemic ay na-perfect na niya ang kanyang adobo recipe dahil dalawang beses daw sa isang buwan ay niluluto niya ito.

Tanong naman ng isang DongYan fan from abroad, ay kung ano raw ba ang sikreto ng kanilang matibay na relasyon.

“Wala naman pong secret,” sey ni Marian. “Wala naman pong perfect na relasyon. Pero, p’wede kang mag-adjust para maging perfect kayo sa isa’t-isa.

“Ang mahalaga niyan, nagmamahalan kayo, nag-a-adjust kayo sa isa’t-isa. Kasi may mga pagkakataon na aminin natin, sa isang relasyon, hindi naman palaging magkasundo. So, ang madalas siguro sa amin, kapag ’yung isa may bad moment, magla-lie-low ang isa, maglalambing ’yung isa. ’Yun ang mahalaga, hindi ’yung parehas na nagsasabay para sumabog.”

Importante rin daw na walang ego na pinapairal ang isa’t isa.

“Mahalaga na walang ego na umiiral,” dagdag ni Marian. “Hindi porke’t lalaki, hindi porke’t babae. Maganda sa isang relasyon ay pantay kayong dalawa. hindi naman nasusukat ng pataasan ng ihi kung sino dapat ang mag-give-up, kung sino dapat ang mag-sorry. Mahalaga na nararamdaman ng partner mo ’yun, na pantay kayo. Lalo na sa pagmamahal n’yo sa isa’t-isa.”

Sa more than a year ng pandemic, wala daw maalala ang mag-asawa na matindi nilang pinag-awayan kahit araw-araw silang magkasama.

“Wala pa kasi kaming major na tampuhan at ’yun ang pinagpapasalamat ko,” say ni Dong. “Sabi nga nila, kapag nagsama kayo sa loob ng isang linggo, isang buwan o taon, do’n na talaga lalabas ang attitude nila.

 “Pero ako, ang masasabi ko, at this point, mas tumibay pa nga ang samahan namin.  Lalo na very, very concentrated for the past year. Hindi talaga kami lumalabas masyado, nandito lang kami.”

Malaking bagay din daw sa relasyon nila—especially during the pandemic—ang masinsinang pag-uusap lagi. 

“And I guess, malaking bagay ’yung nakakapag-usap kami. Hindi na lang, ‘Alis na ‘ko,’ ‘Good morning,’” pag-e-elaborate ni Dingdong. “Mas malalim ‘yung pinag-uusapan namin. Like, ano ba ang dreams niya? Kasi, nag-a-update yan. Iba ang dreams niya ten years ago at ngayon. 

“We have time and I think, the gift of time is very, very precious for us, especially now. Nakakapag-usap kami. Kasi, kapag nag-usap kayo, mas mauunawaan n’yo ang isa’t-isa...’yung partner mo. And then, mari-realize mo, ito pala ang gusto niya, ito pala ang ayaw niya.

“At the end of the day, ang gusto naman natin ay harmony sa bahay. Tama ang sinabi ni Marian, wala namang perfect.  Pero kapag harmonious, ’yun naman ang ideal state na gusto nating marating.”

Sa kanilang dalawa, si Dingdong lang ang tumatanggap ng lock-in taping. Kaya ang isa pang tanong na lumutang sa FunCon ay kung kailan daw kaya muling mapapanood si Marian na umarte sa isang teleserye?

Sabi naman ni Marian: “’Yun nga po. Dapat ay may gagawin akong soap at nag-taping na ko, tapos nangyari itong pandemya.”

Walang duda na ang kasalukuyang umeere ngayon na First Yaya sa GMA-7 ang tinutukoy ni Marian. Si Sanya Lopez ang pumalit sa role ni Marian sa nasabing serye.

Pero katulad ng mga dating paliwanang ni Marian, nagpapasalamat ito at naintindihan ng GMA-7 ang situwasyon niya dahil hindi niya talaga kayang iwanan ang dalawang anak, lalo na si Sixto, na nagbi-breastfeeding pa umano.

“S’yempre ako, looking forward din ako na mag-soap ulit at malay n’yo, kasama ko na si Dong sa soap, ‘di ba?” pangti-tease pa niya Marian.

“Pero sa ngayon, dito na lang muna ko sa bahay at mapapanood nila ko sa Tadhana.”

 Sa Linggo, May 9, ay Mother’s Day na at naitanong din sa dalawa kung paano raw ang magiging selebrasyon nila ng Mother’s Day this time.

Ani Dingdong, antabayanan nalang ang sixth installment nila ng Jose En Maria short film series na ina-upload sa YouTube Channel nilang “The Dantes Squad” at malamang daw ay pang-Mother’s Day ang laman nito.

Bukod dito, ibinalita rin nila na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang pinagbidahan nilang serye noong 2010, ang Endless Love na Pinoy adaptation ng isa sa mga unang Korean dramas na sumikat sa bansa.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marian Rivera, mas busy pa ngayong pandemic; kaya sa hiling ni Zia ng isa pang kapatid...”D’yos ko!”

Alessandra de Rossi on the essence of being a woman: “Malay ko! I don't even know the essence of a man!”

Angelica Panganiban at Kim Chiu, ibinida ang dancing skills ng birthday celebrant BFF nilang si Bela Padilla

Julia Barretto, inaming na-traumatize noon sa amang si Dennis Padilla; Dennis, sinariwa ang sakit na dulot ng attempt ni Julia na magpalit ng apelyido

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.