Mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, hiwalay na?

PHOTO: @alwynzky on Instagram

PHOTO: @alwynzky on Instagram

Usap-usapan ngayon ang balitang hiwalay na ang celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Nag-ugat ito sa naging post ng aktres sa Instagram noong March 28 kung saan humihingi ito ng tulong kung paano mapapalitan ang name at username n’ya sa nasabing social media. 

“Hi Everybody! I need help,” sey ni Jennica sa kanyang IG post. “I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified. 

“When I send a support ticket, it won't get sent, error lumalabas. Would you know to which email/contact person/contact number I should reach out to regarding my concern? SALAMAT PO!”

Napaisip tuloy ang kanyang followers sa kanyang dahilan at gusto n’yang palitan ang pangalan n’ya sa Instagram. Gamit n’ya kasi doon ang apelyido ng kanyang mister na si Alwyn. 

Ilan tuloy ang napa-comment na baka hiwalay na sila ng asawa n’yang aktor. 

SCREENSHOT: @jennicauytingco on Instagram
SCREENSHOT: @jennicauytingco on Instagram

May fan din na nakapansin na hindi na nila pina-follow ni Alwyn ang isa’t isa sa Instagram.

SCREENSHOTS: @jennicauytingco & @alwynzky on Instagram

Burado na din ang mga photos ni Alwyn sa IG account ng aktres.

Ito rin ang naitanong sa kanya ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa programang Cristy Fer Minute kahapon, March 30.

Nag-aatubiling sinagot ito ni Jennica at sinabing hindi n’ya kaya sa ngayon na magk’wento ng tungkol doon on-air. 

Kaya ko naman pong sabihin sa inyo, ‘Nay Cristy, kung tayong dalawa lang po out of respect din naman po for you,” pahayag ng aktres. “It’s just right now na hindi lang po kaya sa ngayon na pag-usapan pa po. Sorry po talaga.

Sa sinabing ‘yon ng aktres ay hindi na rin nagpumilit na magtanong pa ang veteran showbiz news writer.

Matatandaan na sekretong nagpakasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014. Biniyayaan sila ng dalawang anak na babae, namely Mori and Alessi.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jennica Garcia and daughters lovingly sing "Maligayang Bati" for the “most hardworking” hubby and Tatay Alwyn Uytingco

Jennica Garcia, nilinaw na hindi mga taga-Tagaytay lang na “mayayaman” ang ipinanghingi niya ng dasal; nanawagan ding “Wag abusuhin ang kahinaan ng kapwa Pilipino"

Jennica Garcia calls out a basher: “Sana tigilan na itong mommy shaming”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.