Mukhang na-extend ang holidays at literal na happy ang New Year ni Superstar Nora Aunor dahil naka-reunion n’yang muli ang kanyang nga anak—with bonus pang mga apo.
Sa Instagram photos ng rapper-actor na si John Rendez noong December 30, 2021 ay makikitang kasama ni Ate Guy ang anak n’yang si Ian de Leon sa iisang mesa. Tila nagkapatawaran na ang ina. It looks like Ian wants to start his 2022 right kaya’t nagdesisyon itong dumalaw sa ina.
Nanundan pa ito ng isa pang pagdalaw dahil noong Sabado naman, January 8, ay muling nakapiling ng beteranang aktres ang kanyang mga anak. Hindi lang si Ian kundi pati na rin sina Matet, Kenneth, at Kiko de Leon kasama ang kani-kanilang mga asawa at mga anak.
Nakunan din ng litrato ni John ang reunion na ito ng mag-iina na ipinost n’ya sa kanyang Instagram.
However, agad napansin ng netizens na absent sa pagtitipon na ’yon ang pinaka-panganay sa magkakapatid na si Lotlot at kanyang asawa’t mga anak.
Ayon naman sa mga report, masaya daw ang Superstar na muli n’yang nakasalo sa pananghalian ang kanyang mga anak at apo.
Matatandaan na noong December 2020 ay naglabas ng sama ng loob si Ian sa kanyang YouTube livestream sa nanay n’yang si Nora.
Ikinadismaya daw kasi ng aktor na gusto pang i-vlog ng kanyang ina ang pinaplano nilang reunion noon para sa kanyang kaarawan. Hindi sinipot ni Ian ang inihandang salo-salo ng ina noon. Ayaw rin daw n’ya na may ibang tao, na hindi n’ya pinangalanan, na kasali sa magiging reunion nila.
“Mommy, sobrang mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita. Hindi ko ipagpapalit ang buong mundo para sa’yo. Alam mo ‘yan,” pahayag ni Ian sa kanyang livestream more than a year ago.
“Lahat ng tiniis namin buong buhay namin, mga kinikimkim namin… Dahil mahal ka namin, e. Mahal kita. Ibibigay ko ang buong buhay ko para sa’yo,” pagpapatuloy pa n’ya.
“Ayoko lang ng may ibang tao sa paligid natin. Ayoko lang na makikita ng ibang tao na nagyayakapan tayo na ang sweet-sweet natin kesyo nasa harap tayo ng camera. Ayoko ng ganu’n, Ma. Gusto ko pag nagkita tayo, tayo lang. ‘Yong tayo lang. Wala ng ibang tao,” saad pa ni Ian.
Bukas sa publiko ang away-bati na relasyon ni Nora sa kanyang mga anak dahil sa mga hindi nila pagkakaintindihan. Pero base sa mga lumabas nilang photos ngayon ay naplantsa na ang mga gusot sa relasyon nila, partikular ang tampuan between Ian and his mom.
Ang pagkaka-ayos naman nila ng panganay niyang si Lotlot ang inaabangan ng mga tao ngayon. Tila mas malalim ang tampuhan ng mag-ina sa pribadong kadahilanan. May ilang taon na rin silang hindi nag-uusap at kapansin-pansin din ang absence ng Superstar sa kasal ni Lotlot kay Fady Al-Soury noong December 2018.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber