Magkapatid na Rodjun and Rayver Cruz, sumugal mag-negosyo sa gitna ng pandemya

Matagal-tagal na ring binubuo nina Rodjun at Rayver Cruz ang CruzFit sports apparel business na ito katulong ang misis ni Rodjun na si Dianne Medina, ang kapatid ni Dianne na si Xavier, ang eldest nina Rodjun at Rayver na si Omar, at ang pinsang nilang fashion designer na si Andrea Cruz. Nakapag-soft online opening na sila through their social media pages at iba pang online store apps early this year. Pero nito lamang April nila ito formally ini-launch sa publiko.

Photos: @cruzfit.ph

Matagal-tagal na ring binubuo nina Rodjun at Rayver Cruz ang CruzFit sports apparel business na ito katulong ang misis ni Rodjun na si Dianne Medina, ang kapatid ni Dianne na si Xavier, ang eldest nina Rodjun at Rayver na si Omar, at ang pinsang nilang fashion designer na si Andrea Cruz. Nakapag-soft online opening na sila through their social media pages at iba pang online store apps early this year. Pero nito lamang April nila ito formally ini-launch sa publiko.

Kapwa health and fitness buff ang magkapatid na Cruz na sina Rodjun at Rayver Cruz—isama na rin ang kanilang Kuya Omar. Kita naman sa mga pandesal (abs) at mala-batong biceps nila.

Pawang mga sporty din sila at basketball ang favorite game nila.

Kaya hindi na kataka-taka kung ang business na naisip nilang itatatag ay may kinalaman sa sports and fitness. 

Ang magkaroon daw ng gym business ang original dream ni Rodjun at susuporta sa kanya ang bunso ng pamilyang si Rayver. Pre-pandemic, naka-kasa na sana ang magkakapatid sa pagbuo ng kanilang dream gym. At idea na noon pa man ni Rodjun ang tawagin itong CruzFit Gym—pag-honor sa showbiz royalty last name nilang Cruz at paglalaro sa nausong workout regimen na tinatawag na CrossFit.

“Originally, ang gustong-gusto talaga ni Rodjun, to have his own gym tapos,” kwento ni Rayver sa pikapika.ph. “Tapos, magpa-partner ako. CruzFit talaga ’yong name na gusto niya. Ang galing nga niya. Sabi ko, ‘Astig yan, bro!’

“Kaso, bigla ngang nangyari ’yong pandemic...Pero ang galing lang din na naka-isip siya ng ganito, na gawin nalang apparel.”

Ang tinutukoy ni Rayver ay ang sports apparel line business nilang pinangalan ding CruzFit.

“Nandoon pa ring ’yong touch ng pagka-fitness buff ni Rodjun,” patuloy na k’wento ni Rayver na proud sa may brainchild ng lahat. “Sabi ko, ‘Mas astig ’to.’”

Matagal-tagal na ring nilang binubuo ang business na ito katulong ang misis ni Rodjun na si Dianne Medina, ang kapatid ni Dianne na si Xavier, ang eldest nina Rodjun at Rayver na si Omar, at ang pinsang nilang fashion designer na si Andrea Cruz. Nakapag-soft online opening na sila through their social media pages at iba pang online store apps early this year. Pero nito lamang April nila ito formally ini-launch sa publiko.

Ani Rodjun, ayaw nilang magpatalo sa pandemic kaya kahit hindi normal ang sitwasyon ay sumugal pa rin sila. Moreover, bukod sa business side, gusto raw ng magkapatid, especially ni Rodjun, na mas maka-inspire pa ng tao, through fitspiration, gamit ang sporty apparel business na ito.

“Ang tag-line po namin, believe, commit, succeed... Committed to thrive,” esplika ni Rodjun. “Parang sa akin, alam ko na walang imposible. Kumbaga, maniwala ka sa sarili mo, mag-commit ka, makakamit mo ’yong success talaga. 

“Kasi ako payatot po ako nag-start. E. Noong 2009, nag-start ako mag-gym, tapos talagang nag-commit ako na napaganda ko ’yong katawan ko tapos eventually, nagamit ko sa trabaho natin. Tapos, bukod do’n, mas naging healthy pa po ako.

“E, eto po ngayon kasi daddy na ako, gusto ko pong ipakita na kahit daddy na ako, healthy pa rin tayo.”

Dagdag pa ni Rodjun, malaki rin ang nai-ambag ng pagiging physically fit sa pagiging mentally fit lalo na ngayong pandemic.

“Kaya marami akong gusto i-inspire kasi hindi natin alam ’yong mga pinagdadadanan ng mga kababayan natin,” pang-a-advocate pa ni Rodjun. “S’yempre merong mga anxiety, nade-depress tapos s’yempre me mga nagkakasakit pero ang sa akin lang kasi parang bonus na ’yong gumanda ’yong katawan mo, e. Pero pag healthy ka kasi, maba-balance mo ’yong time mo sa wok, family... tapos, sa panahon ngayon, hindi tayo basta matatamaan ng kahit anong virus tapos positive pa tayo sa life.

“Kasi ngayon, lagi tayong work from home pero p’wede rin tayong mag-work out from home. So, kahit walang gamit [gym equipment], at least pawisan...tapos, maganda ang isusuot natin. Haha!”

Say pa ni Rodjun, ngayon palang ay maganda na ang feedback sa kanilang apparel. At aniya, mas lalo siyang ginaganahan kapag ang feedback ay may kasamang testimony na na-inpire silang magpaka-healthy.

“Ang sarap po sa feeling na nakaka-inspire ka ng tao...nakakataba ng puso,” ani Rodjun. “Minsan may nag-tag sa akin, nakasuot ng CruzFit tapos parang cancer survivor siya...Nakakatuwa na nakaka-spread ng awareness at nakaka-inspire ng tao.

Basic black ang white ang mga kulay ng una nilang ni-launch para sa kanilang training shirts, hoodies, and shorts. Pero unti-unti raw silang magdadagdag ng iba pang gamit, design, at kulay. In the future, baka nga daw magkaroon na rin ng rubber shoes.

Nagtulong-tulong daw sila sa conceptualization ng logo and they arrived at the basic letter C, habang ang word na CruzFit ay may detalyeng orange na favorite color pala ng mastermind na si Rodjun.

“Marami kaming pinagpilian and we had friends that helped us out,” singit ni Rayver. “We decided na mas simple, mas okay...mas hindi loud, mas maganda tingnan. Tuwang-tuwa nga ako sa logo namin, e.”

Bukod sa pag-e-expand ng product line, ang bigger dream ng magkapatid—bukod sa makapagtayo ng physical store para sa kanilang products—ay maitayo pa rin ang pangarap nilang CruzFit gym.

“Dadami pa yan,” say ni Rodjun na tila throwing it to the universe. “That’s the dream naman...magkaroon ng sariling [physical] store. When you commit naman kasi, good things will happen, e. Ramdam ko talaga eventually darating tayo diyan. Basta ano, tulong-tulong lang. You’ll never know. That’s the dream, so let’s do it.”

“And eventually pag nabuo na namin ’yong CruzFit Gym pag okey na ang lahat...kasi kilala din si Rayver...ang Cruz Brothers sa pagsasayaw, goal din namin na bukod sa gym, meron din kaming dance studio.”

Sports empire itey!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz Episode No. 31: Rodjun and Rayver Cruz, magkapatid na, mag-best friends pa

Rodjun Cruz, sinigurong may mao-offer na future kay Dianne Medina bago nag-propose ng kasal

Rabiya Mateo, nag-sorry sa mga na-disappoint sa pag-rampa niya sa national costume show ng Miss Universe

Marco Gumabao, abswelto sa controversial vlog ni Donnalyn Bartolome

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.