Magkapatid na Senadora Grace at Lovi Poe, masayang tatawagin ng FPJ Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City

Ganap ng batas ang Republic Act No. 11608—na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 10, 2021 at inilabas naman ng Malacañang kahapon, January 13—na naglalayong palitan ang pangalan ng Roosevelt at isinunod ito sa pangalan ng King of the Philippine Cinema na si Fernando Poe, Jr.

PHOTOS: @sengracepoe & @lovipoe on Instagram

Ganap ng batas ang Republic Act No. 11608—na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 10, 2021 at inilabas naman ng Malacañang kahapon, January 13—na naglalayong palitan ang pangalan ng Roosevelt at isinunod ito sa pangalan ng King of the Philippine Cinema na si Fernando Poe, Jr.

Ikinatuwa ni Senator Grace Poe at ng kapatid n’yang aktres na si Lovi Poe ang balitang tatawagin na bilang Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City. 

Ganap na kasing batas ang Republic Act No. 11608 —na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 10, 2021 at inilabas naman ng Malacañang kahapon, January 13—na naglalayong palitan ang pangalan ng Roosevelt at isinunod ito sa pangalan ng King of the Philippine Cinema. 

Pinag-uutos ng RA 11608 sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglabas ng direktiba para ipatupad ang mga probisyon ng batas na magiging epektibo 15 days after itong mailathala sa mga pangunahing pahayagan.

Nakasaad doon na: “The Department of Public Works and Highways shall issue the necessary rules, orders, and circulars to implement the provisions of this Act within sixty (60) days from its effectivity.

“This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation.”

Ipinagpapasalamat ng anak ni Da King na si Senator Grace Poe ang development na ito sa panukala mula sa kongreso na nailatag noon pang September 2020. 

Magsilbi raw sanang paalala at inspirasyon ang FPJ Avenue, kung saan dating nakatira ang Pinoy movie icon, sa mga Filipino na p’wedeng magkaroon ng katuparan ang mga pinapangarap nila sa buhay. 

“Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue, umaasa kaming magsisilbi itong pisikal na paalala na walang pangarap ang masyadong malaki at walang layunin na hindi kayang maabot,” pahayag ng senadora sa kanyang Facebook post kahapon. 

“Nawa'y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan. Nagpapasalamat ako at ang aking pamilya sa batas na ito.”

 

Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue, umaasa kaming magsisilbi itong pisikal na paalala na walang pangarap ang...

Posted by Grace Poe on Wednesday, January 12, 2022

Ngayong araw naman, January 14, ay nag-post sa Instagram si Lovi ng slideshow ng mga movie posters ng kanyang amang si FPJ at isang artcard na naglalaman ng statement ng kanyang kapatid na senadora. 

“No dream is too big. No goal is out of reach. ‘Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue,’” maikling lahad ni Lovi sa caption. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Malaki ang naging kontribusyon ni Da King sa industriya ng Pelikulang Pilipino mula nang mag-umpisa s’ya bilang stuntman hanggang sa bumida s’ya sa maraming pelikula. Maliban sa pag-arte sa harap ng kamera ay naging direktor at producer din s’ya noon. 

Pumanaw si FJP noong December 14, 2004 dahil sa stroke sa edad na 65. Idineklara naman s’ya bilang National Artist for Cinema noong 2012 ni dating President Noynoy Aquino.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.