Magpakailanman's Mel Tiangco pays homage to Maalaala Mo Kaya: "Walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It is a class of its own."

“I hope it’s not true. I hope it’s not true, ’di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya," saad ni Mel Tiangco sa press days before Charo Santos announced that MMK is going off air. “You know, it is a class of its own…ang Maalaala Mo Kaya. Talagang hindi biro ’yong…pag natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya… Ah, naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. ’Di mo maaano ’yan, ’di mo matatalo. Tumapat lang talaga ang Magpakailanman...Ang kapal ng mukha ko, e,” pagbibiro pa ni Mel. “It’s all professional, Darling. It’s all professional. There’s nothing personal there. This is all professional.”

PHOTOS: @mpkgma on Facebook & @mmkofficial on Instagram

“I hope it’s not true. I hope it’s not true, ’di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya," saad ni Mel Tiangco sa press days before Charo Santos announced that MMK is going off air. “You know, it is a class of its own…ang Maalaala Mo Kaya. Talagang hindi biro ’yong…pag natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya… Ah, naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. ’Di mo maaano ’yan, ’di mo matatalo. Tumapat lang talaga ang Magpakailanman...Ang kapal ng mukha ko, e,” pagbibiro pa ni Mel. “It’s all professional, Darling. It’s all professional. There’s nothing personal there. This is all professional.”

Ilang araw bago mag-anunsyo ang ABS-CBN na magpapaalam na sa ere ang longest-running drama anthology on Philippine TV na Maalaala Mo Kaya (MMK) ay naulinigan na ng entertainment press ang bali-balitang ito. 

Tiyempo naman na may press conference para naman sa 20th anniversary ng katapat nitong GMA-7 show na Magpakailanman (#MPK) kaya nagkaroon ng pagkakataon ang press na makuha ang reaction ng #MPK frontliner na si Mel Tiangco tungkol sa noon ay napapabalita palang na pag-o-off air ng MMK.

Totoo ba?” nabiglang balik-tanong pa niya sa press. "I’m sad... I mean, I don’t like that. I don’t like that, ha.  Kasi ano ’yang Maalaala Mo Kaya… Classic na kumbaga.”

Inakala daw n’yang kagaya lang din ng pinagdadaanan ng programa nilang MMK na nahihirapan sa taping kung kaya’t nagre-replay sila ng episode paminsan-minsan. 

Talagang nag-stop taping na sila?” usisa pa ni Mel sa press. “Noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin [na nagre-replay ng episodes]. Walang taping, e, kasi nga pandemic. Akala ko ganu’n.

“That’s very sad. I’m sad for Charo,” dagdag pa ng MPK host and 24 Oras news anchor. 

At that time, hiniling niya na sana daw ay hindi totoo ang balitang ito. Wala naman daw kasi makaka-replace sa mga na-achieve ng Kapamilya TV program sa nakalipas na three decades.

“I hope it’s not true. I hope it’s not true, ’di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. You know, it is a class of its own…ang Maalaala Mo Kaya,” saad pa ni Mel.

Talagang hindi biro ’yong…pag natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya… Ah, naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. ’Di mo maaano ’yan, ’di mo matatalo.

Tumapat lang talaga ang Magpakailanman...Ang kapal ng mukha ko, e,” pagbibiro pa ni Mel. “It’s all professional, Darling. It’s all professional. There’s nothing personal there. This is all professional.”

Nahingi din ng press ang opinion ng isa sa haligi ng GMA News and Public Affairs ngayong tila wala na ang network war sa pagitan ng mga telebisyon, bagkus ay nagkakaroon pa ng mga collaborations. 

P’wede pala ’yon. ’Yon ang aking masasabi. P’wede pala ’yong ganu’n na ang buhay natin, e, less stress, nagkakaintindihan,” pahayag ni Mel.

Sino daw ba ang mag-aakalang kinailangan pa ng isang pandemya para magkaroon ng collaboration ang mga TV networks at hindi puro kompetisyon.

“But of course, ang hirap ng pinagdaanan natin noon, ’di ba, ’yong pandemic na ’yan. Imagine, it needed a pandemic, it needed so many people to go…you know, para [maipa-realize] sa atin na wala palang masarap kundi ang tahimik tayo. Let’s do our thing na, you know, walang negativities,” pagtatapos ni Mel.

Samantala, nito lang November 20, through a short video na in-upload sa social media, ay pormal nang ipina-alam ni Charo Santos sa publiko ang pagtatapos ng MMK. Pinasalamatan niya ang lahat nang naging bahagi ng kanilang programa, mula sa ABS-CBN management, mga artista, mga nasa likod ng production, mga letter senders at mga manonood sa loob ng tatlong dekada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.