Maine Mendoza, ilang sa turing na fashion and beauty icon of her time

Maine Mendoza, in an interview with her hair stylist Celeste Tuviera (inset), says she only feels confidently beautiful kapag gina-glam up siya nina Celeste at make-up artist Juan Sarte.

Photos: @mainedcm & @celestetuviera

Maine Mendoza, in an interview with her hair stylist Celeste Tuviera (inset), says she only feels confidently beautiful kapag gina-glam up siya nina Celeste at make-up artist Juan Sarte.

“E, kasi, parang hindi ko alam kung ano ang ire-react ko,” paliwanag ni Maine Mendoza kung bakit tila namimilipit pa rin siya pag nabibigyan siya ng compliment o papuri.

Ito ang naging pahayag niya sa naging one-on-one interview sa kanya ng hair stylist na si Celeste Tuviera sa You Tube account nito na “The Celeste Tuviera Channel.” Bukod sa pagiging hair stylist, si Celeste ay isa rin sa mga anak ng manager ni Maine na si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment at Triple A Management.

Ayon kay Celeste, na na-witness kung paano nag-evolve si Maine sa loob ng anim na taon, nakikita naman niyang mas confident na si Maine except nga sa part na nahihiya itong tumanggap ng papuri.

“E, kasi, kilala niyo naman ako. Kapag alam kong deserve ko ’yung compliments, tatanggapin ko naman. Kapag halimbawa, mineyk-apan ako ni Juan Sarte or binuhukan ni’yo ko, kapag sinabihan akong maganda, sasabihin ko naman na ‘Thank you.’ Kasi, alam ko na maganda talaga ko,” natawa niyang esplika.

Kinontra naman ni Celeste ang sinabi ni Maine. Kahit daw sila ang nag-aayos sa mga celebrities, nasa pagdadala pa rin talaga ito ng inaayusan nila.

Sabi naman ni Maine, “The way I see myself. Baka kapag hindi ako pleased sa nakikita ko, parang naaapektuhan na rin how I carry myself.

“Kapag po inaayusan n’yo ko, kapag po ’yung tandem n’yo ni Sir Juan, kahit na wala pa ’ko do’n sa kanyang make-up chair, alam ko na agad na maganda ’ko today.

 “Pagka gising ko, ‘Maganda ko mamaya.’ Hindi nasasayang ’yung look, kung pwedeng hindi ako maligo, iki-keep ko ’yung make-up ni Juan Sarte at saka ’yung buhok ninyo.”

Dalawa raw sa naging travels ni Maine na kasama si Celeste na memorable sa kanya ay ang U.S. trip para manood ng concert ng Cold Play. At ang pagliliwaliw nila sa Maldives.

“Noong nagpunta tayo sa L.A. to watch Cold Play. At para po sa kaalaman ng lahat, noong nanood ako ng Cold Play concert, gift kasi sa akin ’yun ng mga Tuviera’s, nila Mr. T. 

 “Sobrang grateful ako that time dahil siyempre, sobrang idol ko ang Cold Play. Gustong-gusto ko talaga ang music nila. Tapos, noong malaman ko na kasama ko pa kayo at sa Maldives pa—Maldives! Ang dami, sobrang dami.”

Nakatulong daw kay Maine ang mga travels na ’yun para makapag-recharge dahil ’yun din ang panahon nang sobrang ka-busy-han niya.

“Sobra,” saad niya. “At sa inyo na rin po nanggaling na sobrang busy that time. Kahit mga short breaks lang, three, two weeks or a week, parang ang laking bagay na rin sa akin no’n to get away from everything.

“Minsan kasi, parang ang hirap do’n sa iba na baka hindi makaintindi na, ‘Sobrang blessed mo nga, buti nga ikaw ganyan...’ Pag dating sa kanila, ungrateful ka. Kapag gusto mo ng break, kapag gusto mong huminga paminsan-minsan, parang sobrang laking bagay.

“Kahit naman sa ibang propesyon, kahit naman sa ibang career, kapag sunod-sunod ang trabaho mo, kahit naman simpleng umalis ka lang, mag-roadtrip ka lang somewhere far, parang ang laking bagay na no’n, parang ang laking naitutulong na no’n, siyempre, sa mental health mo... to clear everything.

“Parang hinga muna ko, then, balik ka ulit, trabaho na ulit.”

Nahiya na naman si Maine nang sabihin ni Celeste ang pagiging fashion icon niya.  Sabi ni Maine, “bawiin n’yo po.”

Pero sabi ng celebrity hair stylist, hindi raw niya babawiin dahil kung ilang beses na nga raw na naging cover ng mga fashion magazines si Maine. Lumipad pa sila ng Morocco para i-shoot ang cover ng Mega Magazine. Ipinaalala rin nito na naging cover rin si Maine ng 100 Most Beautiful ng Yes! Magazine dati.

“Kasi, dream ko lang siya before,” pag-amin ni Maine.

“Parang malagay sa billboard, maging cover ng magazines. Pero, dream lang siya na hindi ako gumagawa ng something to achieve that. Wishful thinking lang na, ‘Sana one day, nasa magazine rin... sana one day, makita ko ang sarili ko sa billboard.’

“Tapos s’yempre ngayon, lalo na noong 2015, noong sobra, marami na—hayan, may commercial, may mga endorsements, may billboard, sobrang surreal for me na, ‘Nangyayari na ba ’to?’ 

“Pero kapag nakikita ko siya, parang hindi ako ’yun, parang ibang tao.”

Natatawang recall pa ni Maine, hindi raw niya matanggap na naging cover siya ng 100 Most Beautiful special issue ng Yes! Magazine.

“Una sa lahat, salamat Yes! Magazine, pero, hindi ko siya matanggap,” natawa niyang sabi.

“Ito na naman ’yun, pinag-uusapan pa lang natin kanina, pero hindi ko siya matanggap. Pero, thank you kasi na-consider ako ro’n. Nakasama ako sa 100 Most Beautiful. Pero, hindi ko alam, natatawang sagot niya.

Ayon kay Celeste, kahit anim na taon na raw ang lumipas, gano’n pa rin si Maine.

Hindi pa rin nito matanggap kapag nakakasama ang pangalan sa listahan ng mga nag-emerge na fashion and beauty icons.

“Siguro dahil sa apron ni Yaya Dub,” birong-seryoso  niya.

“’Yun ang icon, si Yaya Dub. Hindi si Maine. Parang hindi ko makuha ’yung credit, parang hindi ko matanggap kahit na ako ’yung gumanap do’n.”

At this point, masasabi na kaya ni Maine na she’s able to transcend na from being the Yaya Dub to who she really is sa mata ng publiko?

“’Yun din po ang gusto kong mangyari,” pag-amin niya.

“S’yempre, ang tagal na rin naman po ng Kalyeserye, magsi-six years na rin. S’yempre po, gusto ko rin makilala as Maine.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maine Mendoza, pipilitin daw “magpaka-pormal” sa pagho-host ng reality talent search show nila ni Paolo Ballesteros

Arjo Atayde says he was emotionally damaged after ABS-CBN shutdown, goals changed after being in love with Maine Mendoza

Alden Richards, excited sa new role niya na “hindi lang puro good boy.”

Exclusive: Ara Mina and Dave Almarinez exchange I dos in Baguio City

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.