Maine Mendoza, “iniyakan” ang napaiksing gupit ng buhok niya sa ibang bansa

Ayon sa mga fans ni Maine Mendoza ngayong nagsisisi ang aktres sa ginawa nitong pagpapagupit ng ng buhok sa ibang bansa, mabilis lang na hahabang muli ang hair n’ya at maganda pa rin s’ya.

PHOTOS: @_mainecutie on TikTok & @roveca_2012 on Twitter

Ayon sa mga fans ni Maine Mendoza ngayong nagsisisi ang aktres sa ginawa nitong pagpapagupit ng ng buhok sa ibang bansa, mabilis lang na hahabang muli ang hair n’ya at maganda pa rin s’ya.

Mukhang hindi satisfied si Eat Bulaga co-host Maine Mendoza sa pagpapagupit n’ya ng buhok sa ibang bansa.

Iyan ang lumalabas sa kanyang mga posts sa X (formerly Twitter) sa ibinigay niyang update sa ginawa n’ya abroad.

Ayon sa kanya, bigla na lang daw n’ya naisipang magpunta sa isang sikat na salon para paputulan ang kanyang buhok. 

However, may pagsisisi raw si Maine dahil hindi s’ya satisfied sa kinalabasan noon. 

“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the [Sparkles emoji] experience and spontaneity [Sparkles emoji] only to regret it later. [Face holding back tears emoji],” pagbabahagi ng TV host-actress

Pagsa-suggest naman ng isa n’yang fan, pahabain na lang ni Maine ang hair n’ya dahil mas gusto umano nitong nakikita ang aktres na may mahabang buhok.

“I like your long hair before @mainedcm ...pahabain mo n lng ulit plzzzz… [Smiling face with smiling eyes emoji],” pakiusap ng kanyang taga-suporta sa comment secion. 

Sagot naman dito ng misis ni Cong. Arjo Atayde, mas bet n’ya ang short hair kumpara sa long hair. Nasobrahan lang daw nang husto ang gupit ang buhok n’ya.

“I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever [Victory hand/peace emoji],” pahayag ni Maine.

Isang X follower naman ni Maine ang nakahanap sa latest photo niya. Makikita nga roon na iniyakan ng aktres ang maikli n’yang buhok

“Ang iksi na ng hair mo! #MaineMendoza,” sabi ng kanyang fan.

“Alam ko po iniyakan ko na nga diba [Face holding back tears emoji],” Maine answered.

May ilan namang fans na nagsabing naka-relate sila sa aktres dahil may ganu’n din daw silang karanasan. 

Pag-aaalo naman sa kanya ng iba pa n’yang online followers, mabilis lang at hahabang muli ang mga buhok n’ya.

Bukod pa roon, sinabi rin nilang maganda pa rin si maine kahit na maikli ang buhok n’ya ngayon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maine Mendoza, itinangging galing sa kanya ang fake statement tungkol sa pakikipagrelasyon; "Wag agad maniwala sa mga nababasa online."

Maine Mendoza, pumalag sa umano’y “misleading article” tungkol sa European trip nila ni Arjo Atayde; Inquirer stands by their story

Pika's Pick: Arjo Atayde, together with his family, went to Maine Mendoza’s Bulacan residence for the traditional pamamanhikan

Pag-amin ni Alden Richards na na-fall siya noon kay Maine Mendoza, negative ang dating sa netizens

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.