Mandatory drug test sa mga artista bago sumalang sa kanilang TV/movie project, isinusulong

Congressman Ace Barbers on his mandatory drug test proposal for actors and actresses: “Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs.”

PHOTOS: PNA & @QuezonCityPoliceDistrict on Facebook

Congressman Ace Barbers on his mandatory drug test proposal for actors and actresses: “Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs.”

Iminungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagkakaroon ng mandatory drug test sa mga artista bago umano sumabak sa kanilang TV or movie project.

Kasunod ito ng pagkakadakip sa aktor na si Dominic Roco at apat n’yang kasamahan sa buy-bust operation ng Quezon City police operatives noong madaling araw ng October 1.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online kahapon, October 2, sinabi ng kongresista at chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, iniidolo, lalo na ng mga kabataan, ang mga artista at celebrities, kaya dapat ay maging huwaran sila ng publiko at hindi nasasangkot sa isyu ng ipinagbabawal na gamot.

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs,” pahayag ni Cong. Barbers. 

Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” dagdag pa n’ya. 

Sa panayam naman sa kanya ni Noli de Castro sa radio and online show na Kabayan ngayong araw, October 3, muling iginiit ni Cong. Barbers na malaki ang impluwensya ng mga artista sa mga kabataan kaya dapat lang na hindi sila lulong sa illegal na droga. 

Nakita n’yo naman po nu’ng past several years ay meron pong mga iniidolo ng bayan na mga artista na talagang nasangkot sa illegal na droga. At sa aking palagay ito ay makakaimpluwensya sa ating mga kabataan lalong lalo na ’yong talagang nag-a-idolize sa kanila,” saad n’ya. 

Pagsa-suggest pa n’ya, maging requirement umano ng mga directors and producers sa kanilang mga artista ang drug test bago bigyan ng project ang mga ito. 

“So, siguro ang mga artistang gumamit nitong masamang bisyo na ito… siguro dapat po bigyan ng istriktong pamamaraan ang ating mga producers, ang ating mga direktor na kung saan ire-require po nila ng drug testing bago nila bigyan ng proyekto,” mungkahi ng kongresista. 

Iginiit din n’ya na naaayon naman ito sa Saligang Batas dahil kahit naman mga ordinaryong empleyado ay sumasailalim din sa drug testing. 

’Yan naman po ay hindi unconstitutional. Meron pong ruling ang Supreme Court d’yan sa sinasabi ko kung ano po ang constitutional sa hindi,” katuwiran ni Cong. Barbers. 

Pag-uulit pa n’ya, “Sa aking paniwala, Kabayan, ay siguro sa industriya ng pelikula, dahil ito po’y malapit sa puso ng tao at ito’y nakikita’t iniidolo ng tao, siguro po dapat malinis ang kanilang mga imahe at hindi po sangkot sa masamang bisyong ito. 

Dapat po maging requirement ito ng mga producer, ng mga direktor, na ang kanilang artista bago nila bigyan ng proyekto, siguro sumailalim muna sa isang drug test.”

Kung s’ya naman daw ang kukuwestiyunin at sasabihan na unahin n’ya ang pagpapa-drug test sa mga mambabatas ay taon-taon n’ya daw itong ginagawa. 

Kung matatandaan n’yo, Kabayan, every year ako po nagpapa-drug test bilang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs. Lagi ko pong hinihikayat ang mga kasamahan ko sa Kongreso na magpa-drug test din po nang sa ganu’n ay maipakita natin sa kanila na seryoso ang ating kampanya laban sa illegal na droga,” pagtatapos n’ya. 

Samantala, nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Dominic at iba pa n’yang kasamahan matapos silang madakip sa buy-bust operation na isinagawa sa townhouse sa Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Nakumpiska sa kanila ng otoridad ang reportedly ay labinlimang gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng mahigit Php 100,000, at sampung gramo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga naman ng Php14,000.

Si Dominic ay anak ng veteran actor na si Bembol Roco at kakambal ng isa pang aktor na si Felix.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Demi Lovato paints "an intimate portrait of [drug] addiction" in YouTube documentary Demi Lovato: Dancing With the Devil.

Chie Filomeno recalls being called "bayarang babae" on social media; Ricci Rivero recounts rumors of him being spread that he tested positive for drug use

Mena Suvari tells all about her drug addiction in her book The Great Peace: A Memoir

Hayden Panettiere opens up about her opioids and alcohol addiction; “I was in a cycle of self-destruction."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.