Manny Halasan, kinikilabutan sa tuwing maiisip na nakapag-collab pa rin sila ng late designer na si Rocky Gathercole kahit papaano para sa national costume ni Rabiya Mateo

PHOTOS: @manny.halasan & @themissuniverseph on Instagram; INSET: @themissuniverseph on Instagram

PHOTOS: @manny.halasan & @themissuniverseph on Instagram; INSET: @themissuniverseph on Instagram

Kinikilabutan daw si Manny Halasan sa tuwing naiisip n’ya na naka-collaborate n’ya kahit papaano ang late fashion designer na si Rocky Gathercole para sa national costume ni Rabiya Mateo for the Miss Universe pageant. 

Ito ang ibinahagi n’ya sa virtual interview sa kanya ng pageant vlogger na si Tito Norman Tinio ng normannorman.com na in-upload sa Pageantry Norms YouTube channel last May 8.

Isang fashion designer at jewelry maker si Manny na gumawa na noon ng korona for Miss World Philippines at Miss Q & A sa noontime show na It’s Showtime. S’ya ang napili para gawin ang “missing piece” sa national costume ni Rabiya na hindi natapos agad due to Rocky’s sudden demise last March. 

K’wento n’ya, noon pa man daw ay nagpahayag na s’ya ng interes na mag-design para sa costume ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe. 

“Actually, Tito, nu’ng nanalo si Rabiya [as Miss Universe Philippines], nag-message ako kay Tito Albert [Andrada] at sinabi ko na I’m willing to support and very open for collaboration,” lahad n’ya kay Tito Norman.

(Si Albert Andrada ang gumawa noon ng national costume at blue gown ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 pageant. S’ya rin ang nagsisilbing Design Council Head ngayon ng Miss Universe Philippines.)

“And then Tito Albert told me na, ‘O, sige. Magmi-meeting lang kami tapos sasabihan ka namin kung ano ‘yong magiging final [decision].’ Nag-thank you s’ya for the support.”

However, nabalitaan na lang daw n’ya na ang late designer nga na si Rocky Gathercole ang napiling gumawa ng national costume ni Rabiya. 

“And then, nitong malapit na ‘yong Miss Universe parang nawalan ako ng hope na parang, ‘Ay, buo na ‘yong team nila.’ Tapos nalaman ko pa si Sir Rocky Gathercole ‘yong gagawa ng damit. So, parang, ‘Ay, meron na silang team. Meron na silang stylist,’” aniya. 

“So, okey lang. Naisip ko na hindi ko pa time. Hindi para sa akin ‘yong moment na ‘yon.

Pero bigla daw s’yang nakatanggap ng tawag mula kay Andrada. 

“And then, nu’ng tumawag si Tito Albert last minute and then he asked me, ‘Manny, meron ka bang crown or tiara?’ And then iniisip ko, ‘For what? For photoshoot ba or what?’ So, hindi ko s’ya inisip as for Miss Universe,” pagbabaliktanaw ng 36-year-old designer.

“Ni-reply-an ko si Tito [Albert], ‘Tito, ano po bang kailangan n’yo? Meron po ako dito available. Eto po.’ Sabi n’ya, ‘May gumamit na ba n’yan?’ Sabi ko, ‘Tito, meron na po. Para sa’n po ba?’

Doon na daw s’ya na-shock nang malamang para sa kandidata ng Pilipinas ang gagawin n’ya. At s’yempre, dahil malapit na nga ang pageant kaya medyo aligaga daw s’ya that time. 

Sabi ko, ‘Oh no. Kung para sa Miss Universe hindi p’wedeng nagamit na. Hindi p’wedeng normal lang,” sey n’ya. 

Sabi ko, ‘Wait, wait, Tito Albert. Ano pong style? Anong hitsura ng gagawin natin? Anong color?’ Naging hysterical na ako kasi malapit na, e.

At ipinadala daw sa kanya ang photo ng unfinished national costume na gawa ni Rocky. Ibinilin din sa kanya na confidential pa iyon at hindi dapat mag-leak. 

“So, sinend n’ya [‘yong photo],” pagpapatuloy ni Manny. “And then, na-schock ako kasi, ‘di ba, ‘yun ‘nga, nawala na si Sir Rocky so ine-expect ko na hindi na s’ya ‘yong gagawa o hindi ko alam kung nakumpleto n’ya ba o natapos n’ya ba. 

Dugtong pa n’ya, “Tapos nagulat ako [na] s’ya [pala talaga] ‘yong designer. So, kinilabutan ako. Sobrang kinilabutan ako. 

Tapos biglang parang may fireworks na sa utak ko. Dapat ganito ‘yong gagawin ko, ganito ‘yong style. Dapat very Rocky Gathercole kasi ito ‘yong style n’ya.

Kinontra naman daw ito ni Andrada dahi mas gusto daw nito na lumitaw ang artistry n’ya sa pinapagawa sa kanyang “missing piece” sa national costume.  

Kinuwento ko [‘yong vision ko] kay Tito Albert. Alam mo kung ano’ng sabi ni Tito Albert? ‘Yes, gawa ‘yan ni Gathercole pero gusto ko ‘yong style mo. Gusto ko lumabas ‘yong ikaw,’” pagre-recall ni Manny. 

Hindi naman daw s’ya totally na sumang-ayon sa gusto nitong mangyari. 

Sabi ko kay Tito [Albert], ‘Tito, hindi. Dapat ‘yong imagination ko kung paano ‘yong imagination ni Sir Rocky, ‘yong design, ‘yon ang gagawin ko,’” lahad n’ya.

Sagot naman daw sa kanya ni Andrada, “Hindi. Palabasin mo ‘yong art mo. Ikaw mismo, ‘yong artistry mo palabasin mo.
 
Tugon n’ya naman dito, “Ito na lang ‘yong sinabi ko kay Tito Albert, ‘Tito Albert, gagawin ko na lang po kung ano ‘yong naiisip ko na feeling ko matutuwa si Sir Rocky, tapos ‘yong maha-happy ako, na mapa-proud ako.’ 

“Plus, pinagdasal ko at pinagdasal ko naman din talaga. Pinagdasal ko habang ginagawa ‘yong piece.”

Meaning to say, gumawa ng bagong piece si Manny para i-incorporate sa national costume ensemble na inumpisahan ng late designer na si Rocky Gathercole for Rabiya. 

Pag-amin pa ni Manny, inabot daw ng less than two weeks bago n’ya natapos ang piece for the national costume.

Naik’wento din n’ya ang isang insidente nang minsang napagkamalang gawa ni Gathercole ang kanyang obra.

“Remember, nu’ng kay Bella [Ysmael] nu’ng Miss Universe [Philippines pageant], nu’ng nagpo-photoshoot kami for the national costume, merong isang tao doon o designer...Bumulong s’ya, parang sinabi n’ya, ‘Is that Rocky Gathercole?’ Sabi ko, ‘Manny Halasan po.’ Tapos bumulong ulit s’ya, ‘Akala ko, Rocky Gathercole.’”

Doon daw n’ya naalala na at some point ay hiniling din n’ya na maka-collaborate n’ya sana ang late Filipino avant-garde designer. 

Parang nag-wish ako na sana someday makatrabaho ko si Sir Rocky Gathercole. Tapos ito na. ‘Yong [du’n sa] last na ginawa n’ya magko-combine ‘yong art namin. Magsasama kami,” saad n’ya sa interview. 

Nakalimutan ko na s’ya pero winish ko nga pala s’ya before. Nu’ng naaalala ko s’ya kinikilabutan ako.

Natanong din s’ya ni Tito Norman kung anong adjectives ba ang pumapasok sa isip n’ya kapag nakatingin s’ya sa national costume. Humiling din ito na ‘wag masyadong idetalye para hindi mawala ang excitement ng pageant fans na gaya n’ya. 

Napi-feel ko ha, it’s like, ‘one nation, one country,’” tugon n’ya. “Tapos kapag para sa’yo magsha-shine ka talaga. ‘Yong parang spotlight for you. May ganu’ng feeling kapag nakikita mo s’ya. Ayan kinikilabutan na naman ako.” 

Lalo namang naloka sa excitement si Tito Norman sa description na ibinigay ni Manny. 

Nagpasalamat naman si Manny kay Rocky Gathercole na bagama’t namaalam na ay nabigyan pa sa s’ya ng pagkakataon na makapag-ambag sa national costume ni Rabiya. 

“Thank you kasi shini-share n’ya ‘yong stage sa isang artist din. And grinant n’ya ‘yong wish ko na makatrabaho s’ya kahit wala na s’ya. 

Ayan na naman s’ya. Kinikilabutan na naman ako,” pagtatapos ni Manny. 

Anyway, sa May 13 (May 14 sa Pilipinas) na gaganapin ang national costume competition sa Miss Universe na idinadaos ngayon sa Hollywood, Florida.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Patikim ng international fashion designer na si Furne Amato sa gown na isusuot ni Rabiya sa Miss Universe finals: “[The] gown is like energy. May energy s’ya.”

Pia Wurtzbach on Rabiya Mateo's mindset to win the Miss Universe crown: "You're on the right path."

Netizens praise Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo for her stand on "Filipino resilience"

LOOK: MUP 2020 Rabiya Mateo “paints the town red” in her Iloilo homecoming

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.