Marco Gallo, gustong maging immortal

Ang Di Na Muli is seen every Saturdays at 7:30 on TV 5. At simula today, October 22, ay p’wede na rin itong ma-stream sa Vivamax.

Photos: TV5/ Sari Sari

Ang Di Na Muli is seen every Saturdays at 7:30 on TV 5. At simula today, October 22, ay p’wede na rin itong ma-stream sa Vivamax.

Simula ngayong araw, October 22, ay mapapanood na rin sa Vivamax ang romantic-drama series na Di Na Muli, bukod pa sa TV 5.

At kamailan ay nagpa-press conference ang Vivamax para sa main cast nitong sina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Marco Gallo to announce the good news. Kasama rin sa nasabing virtual conference ang director ng show na si Andoy Ranay at beteranang scripwriter na si Noreen Capili.

At dahil naubos na halos lahat ng p’wedeng itanong by the time na kami na ang magtatanong kaya we asked them all nalang ng isang malakas maka-fiction na tanong na: type ba nilang magkaroon ng special ability or gift na gaya ng kay Yana, ang character ni Julia na may kakayahang malaman ang itatagal ng buhay ng isang tao kapag nahawakan niya ang kamay nito. If not, anong abilidad o power ang gusto nilang magkaroon kung sakali.

“Ako ayoko ng ganu’n,” tili ni Direk Andoy. “Makikita ko ilang minuto matetegi [mamamatay] na ’yong friend ko, ’yong family ko? Hindi ko kaya.

“Ang gusto kong magkaroon ng powers ay ’yong ilalagay ko lang ’yong kamay kong ganyan doon sa isang tao na hindi alam ang katotohanan at magbubukas ang kanyang mga mata sa katotohanan, sa lahat ng aspeto ng buhay. Importante ’yong truth,” pa-profound na dagdag  niya,

“Ako naman, same as Direk Andoy, ayoko ng ganu’ng power,” umiiling na second the motion ni Marco Gumabao. “Pero ang gusto kong power, alam mo ’yong parang nakaka-teleport ka kung saan-saan? ’Yon ang pinaka-gusto kong power.

“For example, gusto kong pumunta ng US...parang Jumper [movie]. Parang ganu’n.”

“Definitely I don’t want to have that power,” madiing tanggi din ng bidang si Julia. “And if I were to have one ability or power, siguro teleportation din.

“Lalo na now kasi diba parang ang sarap bumiyahe, ang sarap na hindi mo kailangan mag-mask sa eroplano, hindi kailangan pag-uwi mo magka-quarantine ka pa... alam mo ’yong ganu’n? ’Yong parang [gusto ko mag-] Japan, Japan! Ganu’n! State...State! Ganu’n!

“O kunwari nasa lock-in tayo, tapos...Mommy’s house, [nasa] mommy’s house [na ako agad]. Tapos balik lock-in. Ganu’n. Walang makaka-alam. Haha!

Kakaiba naman ang wish ni Marco Gallo.

“For me, I think one of the biggest powers that I always wanted is immortality,” tsika niya. “You know, I get to be [in] this decade, I get to be an artist in the Philippines. And the next decade, I’m doing another job somewhere else. I never age. I always live forever and forever…Hahaha! I’ll have plenty of time to become rich or not rich. I think it’s the most down to earth power I could think of.”

Power to stop time naman ang pinili ni Ms. Noreen Capili.

“Para sa mga writers na katulad ko sana may power kaming i-stop ’yong time para ’yong deadline hindi agad...’yong ganu’n. I think para din sa mga nagmamadali. ’Yon. Practical na lang din para mas maraming raket, mas maraming TF [talent fee],” natatawang saad niya.

Ang Di Na Muli, which is about regret, is seen every Saturdays at 7:30 on TV 5. At simula nga today, October 22, ay p’wede na rin itong ma-stream sa Vivamax.

If you’re not yet a Vivamax subscriber, Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.