Marco Gumabao, game na maka-partner sa love scenes si Ara Mina

PHOTOS: @gumabaomarco & @therealaramina on Instagram

PHOTOS: @gumabaomarco & @therealaramina on Instagram

Game daw ang aktor na si Marco Gumabao na maka-partner sa love scenes ang kaka-engage lang na aktres na si Ara Mina

Ito sagot ni Marco nang matanong s’ya ng press during the virtual media conference last January 27 para upcoming online series n’ya na Parang Kayo Pero Hindi (PKPH) kung saan kasama n’ya sina Kylie Verzosa at Xian Lim

Gaganap sa character na si Robi si Marco sa PKPH, ang pre-Valentine offering and first-ever original online series na ipapalabas ng Viva sa bago at sarili nitong streaming app na Vivamax. 

K’wento ni Marco, nakaka-relate daw s’ya sa character n’ya dahil sa pagiging career driven nito. In real life, hindi daw siya tumigil sa pagtatrabaho at pagba-vlog sa kabila ng pandemya. 

Nakaka-relate naman ako sa character ko,” sey ng 26-year-old Viva hunk. “Itong character ko dito, very career driven din s’ya. He’s really focused on his career and, at the same time, focused din s’ya sa love life. 

“So, he wanted to balance both. He wanted to excel in both. Pero hindi n’ya alam na nagsa-sacrifice ‘yong isa, which is ‘yong love life n’ya. Kasi he was super driven sa career n’ya,” paliwanag pa n’ya. 

Ako, I can also say na nakaka-relate ako because, of course, we all want to have a balanced career and love life,” pagpapatuloy ng aktor na single at the moment. 

Siguro natutunan ko kay Robi is to always have time for both, always pahalagahan pareho para ‘yong oras mo naba-balance mo sa career mo at sa taong mahal mo.

Natanong din s’ya kung game ba s’yang maging leading man ng older leading lady para sa pelikula na May-December love affair ang tema. 

Matatandaan na during the online press conference  para sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto ko Maging Pornstar last January 13, natanong ng media ang mga bida ng movie na sina Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor kung sino ba ang type nilang maging leading man na mas bata sa kanila. 

At sa lahat ng isinagot nila, kasama doon ang pangalan ni Marco. 

Talaga? Ngayon ko lang po nalaman na ako ‘yong gusto nila makapareha,” pahayag ng aktor. “But you know what, I feel really honored, of course, [kasi] sila ‘yong talagang beterano pag dating sa mga films. Of course, since 90s napapanood na natin sila.

Ani Marco, game din daw s’ya kung sakaling magkaroon ng project at ang mga nabanggit na mga aktres ang magiging leading ladies n’ya. 

Ako, s’yempre game ako, ‘di ba? Kung game sila, game din ako. Sobrang magagaling na silang artista. It would be an honor for me para makapareha ko sila.

At dahil nagpa-sexy na rin ang aktor sa ilang pelikula, natanong s’ya kung willing ba s’ya na magkaroon ng love scenes with them kung sakali.

S’yempre, depende sa script ‘yan,” sagot n ‘ya. “Depende sa movie. Depende sa hihingin ni direk.  Ako, s’yempre, kung maganda ‘yong story, kung maganda ‘yong script… Ako, hindi naman ako mapili sa partner basta it’s all for the film, it’s all for the craft, game ako.

May pabahol na tanong naman ang host ng press conference na si Giselle Sanchez.

Sisingit lang ako ha,” sey ng comedienne-turned-beauty queen. “Between the three, Rosanna, Maui and Ara Mina, who will you choose, Marco, to have a love scene with?”

“Wait lang. Teka,” gulat at natatawang sagot ng aktor.

Sige na. Isa lang,” pamimilit pa ni Giselle. ‘Wag mo sabihing Giselle Sanchez kasi hindi ako ready.”

At natawa silang lahat sa hirit na biro ni Giselle. 

Ako, I’ll go with Ms. Ara Mina,” nakangiting sagot n’ya.

Dahil sa naging sagot n'ya, bahagyang napatili sa kilig ang katabi n’yang si Kylie habang napapalakpak naman si Xian. 

Grabe, issue ‘to. Hahaha! Pass na. Baka ma-issue ako dito,” natatawang sabi pa ni Marco. 

Anyway, mapapanood ang Parang Kayo Pero Hindi na pagbibidahan nina Marco, Kylie at Xian sa Vivamax simula February 12.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marco Gumabao at mga kapatid, binalikan ang alaala ng pag-aresto sa tatay nilang si Dennis Roldan

Sa mga crushes niyang sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, at Ivana Alawi... si Ivana ang pantasyang dyowain ni Marco Gumabao

Marco Gumabao, inaming nakatanggap ng indecent proposal worth P2 million

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.