Marco Gumabao, hinulaang mai-in love sa isang taong may anak na

As for Julia Barretto na leading lady ni Marco Gumabao sa Di Na Muli, mas naniniwala daw siya sa dasal kesa hula.

Photos: @gumabaomarco / Viva TV

As for Julia Barretto na leading lady ni Marco Gumabao sa Di Na Muli, mas naniniwala daw siya sa dasal kesa hula.

Lahi ng mga manghuhula ang pamilya ni Yana, ang character na gagampanan ni Julia Barretto sa Di Na Muli, ang Viva TV-TV5 collaboration which brings Julia back to primetime TV along with Marco Gumabao and Marco Gallo.

Medyo special ang precognition ability dito ni Julia dahil very specific—she can predict a person’s life span by merely holding one’s hand. Dito iikot ang kwento because while she helps other people na nahawakan niya deal with their regrets and to undo mistakes habang may oras pa; siya, for her part, is holding back sa mga taong mapapalapit sa kanya.

Dahil sa premise na ito kaya natanong ang tatlong bida ng Di Na Muli kung sila ba mismo ay naniniwala sa hula at kung nasubukan na nilang magpahula at all.

Si Marco Gallo ay mas reliant daw sa gutfeel niya kesa hula.

“Not totally,” sagot ni Marco Gallo. “My girlfriend is though. She got me into this kind of stuff.”

Si Julia daw ay naka-try nang magpahula. But it’s all for fun.

“Lalo na mga energy readers? Wala namang masama siguro,” saad ni Julia. “Nae-excite ka lang, naku-curious ka. But mas naniniwala ako sa dasal...fun lang ang hula.”

Ang isa pang Marco, si Gumabao, ay nakasubok na rin daw magpa-hula. Pero “trip’trip” lang din ang treatment niya dito.

“Na-try ko na, trip-trip lang...it’s not something na you have to take seriously na kailangan mong sundin or kung ano hinula sa’yo, you expect it to happen na.

Maybe you can use it as a guide...pero hindi siya parang manual book ng buhay mo.”

Dagdag pa ni Marco, very specific event pa nga daw ang hula sa kanya. 

“No’ng nagpa-hula ako, tawang-tawa ako kasi mai-in love daw ako sa taong may anak!  So far, wala pa naman,” natatawang pagtatapos niya.

Ang Di Na Muli is written by Through Night & Day writer Noreen Capili based on the Itchyworms hit song of the same title. Directed by Andoy Ranay, it also stars Baron Geisler, Angelu de Leon, Booby Andrews and a lot more.

The weekly series Di Na Muli starts airing on TV5 staring September 18, 8 PM. Mapapanood din ito sa Sari Sari on Cignal TV Ch. 3 and SatLite Ch. 30, and on Live and On-Demand via the Cignal Play app.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Marco Gumabao, tawang-tawa sa fake news na nabuntis niya si Sharon Cuneta

Marco Gumabao, kakasa kaya sa #LAKIreveal “hamon” ni Direk Darryl Yap?

Marco Gumabao, abswelto sa controversial vlog ni Donnalyn Bartolome

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.