Marco Gumabao, may paki-usap sa mga gumagawa ng haka-hakang may hidwaan ang KathNiel couple at newlyweds na sina Pat Sugui at Aeriel Garcia

Binigyang-linaw ni Marco Gumabao na kaya wala ang magkasintahang KathNiel sa kasal ng kaibigan nilang si Pat Sugui at Aeriel Garcia ay dahil nasa lock-in taping sila ng comeback series nilang 2 Good 2 Be True. “So if they weren’t there, it’s not because may problema or may awayan na nangyayari. It’s just because they have work and bida sila sa show na ginagawa nila,” paliwanag n’ya.

Photos: Anna Pingol / @bernardokath / @patsugui

Binigyang-linaw ni Marco Gumabao na kaya wala ang magkasintahang KathNiel sa kasal ng kaibigan nilang si Pat Sugui at Aeriel Garcia ay dahil nasa lock-in taping sila ng comeback series nilang 2 Good 2 Be True. “So if they weren’t there, it’s not because may problema or may awayan na nangyayari. It’s just because they have work and bida sila sa show na ginagawa nila,” paliwanag n’ya.

Hindi lang pala mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nalungkot nang hindi nakadalo ang KathNiel couple sa wedding nina Pat Sugui at Aeriel Garcia kundi maging ang mga kaibigan din nilang nandoon.

Hindi daw kasi kumpleto ang kanilang barkada sa espesyal na araw ng kanilang kaibigan noong April 20 sa Batangas.

Iyan ang inilahad ng aktor na si Marco Gumabao nang makausap s’ya ng entertainment press nitong Martes, April 26, sa red-carpet premiere ng pelikula niyang Rooftop sa SM The Block.

“Heartbroken din kami na hindi kami kumpleto. May iba kasing may gusto na hindi kami maging kumpleto,” matalinhagang panimula ng aktor.

At dahil wala nga ang KathNiel sa nasabing event, naglabasan ang espikulasyon ng mga fans na kaya absent ang dalawa sa momentous event na ito sa buhay ng kanilang kabarkada ay dahil baka meron silang hindi pagkakaunawaan.

Kaya naman pakiusap ni Marco sa mga fans, tigilan na ang pagkakalat ng haka-haka online dahil lang sa hindi nakapunta sa kasal sina Kathryn at Daniel.

“Sa mga fans na gumagawa ng issue dahil wala ’yong KathNiel sa wedding ni Pat, please tigilan n’yo na po,” panawagan ng Viva actor.

“Wala pong problema kina Pat at kina DJ. Lahat kami magkakabarkada. Lahat kami nagmamahalan as a group of friends at lahat kami nagsu-support sa mga events sa buhay namin lahat.”

Binigyang-linaw din ni Marco na kaya wala ang magkasintahan sa kasal ay dahil nasa lock-in taping sila ng comeback series nila na 2 Good 2 Be True.

“So if they weren’t there, it’s not because may problema or may awayan na nangyayari. It’s just because they have work and bida sila sa show na ginagawa nila,” paliwanag n’ya.

Ipinunto rin n’ya na talagang mahigpit ang mga nasa production para iiwas muna sa crowd and gatherings sina Kathryn at Daniel para hindi sila mahawa at mag-positive sa coronavirus.

Magiging mahirap kasi para sa mga ito at maaantala pa ang kanilang trabaho kung may magkasakit sa kanila.

“The production cannot risk or they cannot have them not to be there [on the set]. Kasi, ’di ba, bida sila ng show nila, sino ang kukuhanan nila kung wala ang dalawang bida doon?” aniya.

Pag-uulit pa n’ya sa mga fans, huwag nang gawan pa ng issue ang nangyari dahil wala naman daw silang problema na magkakabarkada.

“I just hope everyone stops the issues and nag-i-insunuate na may problema. Wala pong problema. Lahat po kami okey,” pagtatapos ni Marco.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.