Marco Gumabao, may paliwanag sa mga netizens na nagsasabing hawig sa isang Korean drama ang Di Na Muli teleserye nila ni Julia Barretto

PHOTOS: @gumabaomarco on Instagram

PHOTOS: @gumabaomarco on Instagram

Aware daw ang aktor na si Marco Gumabao sa reaction ng ilang netizens na may pagkakahawig ang ipapalabas palang na teleserye nila ni Julia Barretto na Di Na Muli sa 2018 Korean drama na About Time.

Natanong kasi naming s’ya tungkol dito base sa mga comments ng ilang viewers sa trailer ng upcoming TV series sa naganap na virtual solo press conference n’ya last September 15.

Nakikita nga namin na they are saying na… About Time ba ’yong title ng Korean drama? Ako kasi I haven’t seen that show pero based on reading the script, knowing the whole story of the whole series I’m sure na malayo s’ya sa mismong About Time,” pahayag ni Marco sa amin.

Sa trailer kasi ng Di Na Muli, nakitang magkakaroon ng special ability ang character ni Julia na makita ang nalalabing oras sa mundo ng mga taong nahahawakan n’ya.

Sey ni Marco dito, nagkataon lang daw na ginamit ’yon sa serye nila. Marami na rin naman daw nagawang movies at series na may ganitong paandar din sa kuwento.

Siguro nagkataon lang na pareho ’yong sa may oras kasi hindi lang naman sila ’yong gumawa ng ganyang storyline na may oras, e,” aniya. 

“We also have ’yong kay Justin Timberlake (In Time, 2011). Parang ganu’n s’ya, may oras na nakikita sa kamay. Kumbaga, it’s not the first time na may ganitong klaseng story because if you look at it, marami na ring ganito.” 

Pagpapatuloy ng Viva hunk, “Hindi s’ya talaga ginaya [sa Korean drama] because I’m sure, guys, if you gonna watch the whole project siguro ang masasabi n’yo na lang na kapareho e ’yon lang, ’yong oras lang. 

“Aside from that, mare-realize n’yo na ‘Oo nga. It’s a totally different story from the others.’”

Inamin din ni Marco na na-miss n’ya ang pagawa ng TV series. Ang huli n’ya kasing serye na Parang Kayo Pero Hindi with Kylie Verzosa at Xian Lim ay sa online ipinalabas (Vivamax) at hindi sa TV. 

Kung tutuusin, ang Los Bastardos pa noong 2018 to 2019 ang pinakahuli n’ya talagang serye sa telebisyon. 

S’yempre, dito ako nagsimula, sa TV talaga ako nagsimula. Sino ba namang hindi makaka-miss kung saan ka nagsimula, ’di ba?” sagot ni Marco.

“So, it’s always good to go back to your roots, kung saan ka talaga nakilala ng tao. Kasi dito din ako nagsimula before. ’Yong first ever show ko ’yong Luv U na once a week lang s’ya pinapalabas. Ngayon ’yong teleserye namin ni Julia once a week ulit s’ya, ten episodes.

“At least, hindi s’ya sobrang nakakapagod compared to other teleseryes before na araw-araw talaga [kung i-shoot]. Pero happy ako na, at least, nakagawa ulit ako ng TV [series],” pagtatapos ni Marco.

Ang Di Na Muli, produced by Cignal TV and SariSari, ang first team up project nina Marco at Julia kung saan kasama nila sina Marco Gallo, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Katya Santos, Baron Geisler, Lander Vera-Perez, Mickey Ferriols, Liz Alindogan, Andre Yllana, at marami pang iba. 

Mapapanood na ito simula September 18 sa primetime TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Marco Gumabao, tawang-tawa sa fake news na nabuntis niya si Sharon Cuneta

Marco Gumabao, abswelto sa controversial vlog ni Donnalyn Bartolome

Marco Gumabao, hinulaang mai-in love sa isang taong may anak na

Marco Gumabao, game na maka-partner sa love scenes si Ara Mina

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.