Marco Gumabao on “hanggang abs ka lang” comments: “If you don’t have nice things to say about me, I won’t even listen to you.”

PHOTOS: @gumabaomarco on Instagram

PHOTOS: @gumabaomarco on Instagram

Isa si Ulan star Marco Gumabao sa mga artistang paboritong interbyuhin ng mga entertainment press and bloggers kapag may press conference itong nasalihan. Sinasagot kasi nito ang kahit ano’ng tanong na ibato sa kanya, mapa-daring questions or sexy questions at minsan maski ’yong mga bordering on the offensive.

He has a suave way of dealing with on-the-spot questions na kahit prangka ang sagot niya ay hindi mo siya kakikitaan ng anumang discomfort. He’s just cool and collected.

Gaya nalang ng tanong kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing hanggang pagpapakita lang ng abs (abdomen) ang kaya niya at hindi pa sapat ang nabibigay niya in terms of acting kahit pa sunod-sunod ang mga pelikulang ginagawa niya, bukod pa sa regular TV show niyang Los Bastardos sa ABS-CBN.

Bukod kasi sa angking good looks, well-maintained din ang seksing katawan ng Bench underwear model na si Marco na hindi niya ikinahihiyang i-show off once in a while sa social media at maging sa mga ginagampanan niyang roles.

“Well, if that’s what they think, e di hindi naman ako mao-offend,” panimula ni Marco na naka-sit-down interview ng ilang press matapos ang press conference proper ng pelikulang Ulan kamakailan sa Quezon City.

“’Cause everyone is entitled to their own opinions,” he goes on. “But as long as ako nagagawa ko nang tama ’yong ano, mga pinapagawa sa akin, nagugustuhan ng director, nagugutsuhan ng mga producers, e di why would I believe them? Why woud I listen to them because hindi naman sila makakatulong sa akin. Hindi naman nila mapapaganda ’yong career ko sa comments nilang ganyan, di ba?”

Hindi daw siya ’yong klase ng tao na nagpapa-apekto sa bashers

“They can say all the things they want but I won’t listen to them,” kibit-balikat ni Marco. “Hindi ko bibigyan ng importansiya ’yong sasabihin nila. Siguro constructive criticism p’wede pa pero ’yong magpapa-apekto ako na parang magpapa-down ako sa mga sinasabi ng mga tao? Hindi ako gano’ng type ng tao na. If you don’t have nice things to say about me, I won’t even listen to you.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.