#MarcosNotAHero advocate Bianca Gonzalez, nanatiling kaibigan ni Toni Gonzaga kahit magka-iba sila ng views sa mga Marcoses

Magka-iba man daw ang views nila ng kaibigan si Toni Gonzaga, nanatili pa ring kaibigan ang turing dito ni Bianca Gonzalez. “Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

Photos: @iamsuperbianca / @celestinegonzaga

Magka-iba man daw ang views nila ng kaibigan si Toni Gonzaga, nanatili pa ring kaibigan ang turing dito ni Bianca Gonzalez. “Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

Kilalang malapit na magkaibigan ang Pinoy Big Brother co-hosts na sina Bianca Gonzalez at Toni Gonzaga kaya hindi na nakapagtataka kung marami mang nata-tanggap na tag at mention si Bianca tungkol sa isyu ngayon kay Toni na may kinalaman sa YouTube interview nito sa dating senador na si Bongbong Marcos.

As any issues related sa mga Marcoses, naging polarizing para sa mga Netizens ang pag-i-interview na ito ni Toni sa kanyang ninong sa kasal. 

May pabor dahil prerogative naman umano ni Toni ang interview-hin kung sino ang nais niya. Choice din niya kung ano ang mga gusto niyang itanong dito.

Marami naman ang na-turn off dahil bulag umano si Toni sa nagawang pang-aabuso ng mga Marcoses sa bansa, partikular umano sa mga biktima ng martial law. Anila, masyadong patronizing ang naging interview-han.

Curious ang ilang netizens sa kung ano ang stand ni Bianca sa naging interview ng kanyang kaibigan. Aware din kasi ang netizens sa pagiging “woke” ni Bianca at kabilang siya sa mga celebrities na nagbo-voice ukol sa umano’y pagre-revise ng history tungkol sa mga Marcoses.

Pansin kasi ng mga Netizens na tila tahimik pa si Bianca tungkol dito. Curious ang Netizens kung mananahimik ba siya dahil kaibigan niya ang sangkot o sasalungatin din ba niya ito?

Pero sa inilabas na Instagram Stories at Tweet ng TV host kahapon, September 17, malinaw sa naging paliwanag niya si Bianca: na walang nagbabago sa paniniwala niya tungkol sa mga Marcoses.  

At tungkol naman kay Toni, malinaw rin na naiparating ni Bianca sa kanyang IG stories na sa mga isyung sangkot ang sinuman sa kanyang mga kaibigan, mas gusto raw niyang kausapin nalang ang mga ito ng pribado, Toni, included.

“As a friend,” aniya sa IG Stories, “I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly.  Because for me, that is what a true friend would do.”

Narito ang kabuuang nilalaman ng kanyang IG Stories:

“Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public. #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you out of the rallies. I’ve gotten messages asking, “Bakit tahimik ka sa issue??” As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly.  Because for me, that is what a true friend would do.  Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

Dagdag pa niya: “If you were in the middle of an issue, would you not prefer that your friend reach out to you about it privately, rather than they call you out or post about it publicly? And that you continue to respect each other despite differences?”

Ipinost din ni Bianca sa IG Stories ang naging tweet niya noong November 30, 2016 kung saan makikitang isa siya sa mga sumama sa protest rally sa pagpapalibing ni Pangulong Duterte sa dating Pangulo na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Noon palang, aniya, ay hindi na siya naniniwalang dapat itong hiranging bayani.

Kasabay ang picture na kuha niya raw sa mismong rally, sinabi ni Bianca na: “I took this photo and posted it when I went to the rally during the LNMB issue.  This and many other times I shared my #NeverAgain and #NeverForget stand. Hindi nag-iba, pareho pa rin, I have always been very public about it.”

Sa isang banda, marami naman ang nababasa naming comments na pumupuri kay Bianca dahil sa wisdom ng kanyang move at sa patuloy na paninindigan sa kanyang mga political views.

Kasunod naman ng pagpo-post ni Bianca tungkol sa isyu ng Toni at Bongbong, isununod nga niya ang pakiusap na sana ay magpa-rehistro ang lahat sa COMELEC para maka-boto umano sa paparating na eleksyon.

Aniya: “On that note, I end with… please register to vote and on May 2022, vote for the leaders you believe will truly serve the people.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.