Marian Rivera, deadma sa bashers ng pagiging Miss U judge niya; “Wala akong time, sorry, ha. “Ako ngayon, nasa alapaap...very thankful and honored na mangyayari ito.”

Wala pa raw naiisip na tanong si Marian Rivera para sa mga kandidata ng Miss Uiniverse 2021. Kung sakali ay baka sa eroplano na daw niya mapagmuni-munihan ang tungkol dito. “Siguro maiisip ko lang ’yan kapag nasa eroplano na ’ko. O kapag nakita ko sila. Sabi ko nga, ‘Sige bahala na kung ano.’ Basta ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ’yon. “Mas maganda siguro na organic. Hindi masyadong, ‘Ay kailangan ganito ang itanong ko.’ Kung ano ang napi-feel ko bilang first time ko rin pumunta sa Israel. So, tingnan natin kung ano ang mapi-feel ko do’n.”

Photos: Triple A

Wala pa raw naiisip na tanong si Marian Rivera para sa mga kandidata ng Miss Uiniverse 2021. Kung sakali ay baka sa eroplano na daw niya mapagmuni-munihan ang tungkol dito. “Siguro maiisip ko lang ’yan kapag nasa eroplano na ’ko. O kapag nakita ko sila. Sabi ko nga, ‘Sige bahala na kung ano.’ Basta ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ’yon. “Mas maganda siguro na organic. Hindi masyadong, ‘Ay kailangan ganito ang itanong ko.’ Kung ano ang napi-feel ko bilang first time ko rin pumunta sa Israel. So, tingnan natin kung ano ang mapi-feel ko do’n.”

Kumpirmado na nga ang pag-alis ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngayong Lunes, December 6, papuntang Eilat, Israel para maging isa sa mga members ng selection committee ng Miss Universe 2021.

Natawa si Marian nang tanungin sa ginanap na online mediacon kung ano ang unang pumasok sa isipan niya nang marinig niya na isa siya sa napiling maging member ng selection committee.

“’Yung totoo? Totoo ba ‘yan? Ako? Totoo ba ’yan? May gano’n ako na at the same time, parang kinilig ako,” nakangiti niyang sabi.

“Halo-halo na. Mixed emotions. At sabi ko nga, just in case na gawin ko ’yan, malaking karangalan para sa akin. Walang dahilan para hindi ko siya tanggapin kaya kailangan tanggapin ko siya ng buong puso ko.

“Nakakataba ng puso, e. Parang, ‘Talaga ba?’ ’Di ba?”

May tatlong Linggo pa lang daw mula nang i-approach ng Miss Universe ang management ni Marian, ang Triple A Entertainment.

Sa December 12 pa ang coronation night, pero marami raw siyang gagawin bago ang gabing ’yun kaya kailangan na niyang lumipad kasama ang kanyang glam team.

“Sa mga specific na gagawin ko, hindi ko alam kung p’wedeng sabihin. Pero pagdating na pagdating namin do’n, hanggang sa mismong araw ng pageant, marami kaming gagawin. Maraming nakalaan na gagawin. 

“So, hindi ko alam kung makakasingit pa ‘ko kung ano ang magagawa. Pero ’yung the whole na nandoon ako, sa kanila lang ako.”

Wala pa raw siyang naiisip na tanong sa mga kandidata. Kung sakali ay baka sa eroplano na niya mapagmuni-munihan ang tungkol dito.

“Siguro maiisip ko lang ’yan kapag nasa eroplano na ’ko. O kapag nakita ko sila. Sabi ko nga, ‘Sige bahala na kung ano.’ Basta ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ’yon.

“Mas maganda siguro na organic,” dagdag pa niya. “Hindi masyadong, ‘Ay kailangan ganito ang itanong ko.’ Kung ano ang napi-feel ko bilang first time ko rin pumunta sa Israel.

“So, tingnan natin kung ano ang mapi-feel ko do’n.”

Kung siya ang tatanungin, ‘What really makes a person beautiful?’

“Well, sabi ko nga, given na s’yempre na kapag beauty ang pinag-usapan, maganda ka dapat na literal. 

“Pero ang pinaka-importante ay kung paano ka makitungo sa kapwa mo at kung paano ’yung kapwa mo na tinitingnan ka at nakakapagbigay ka ng inspirasyon para sa kanila. Kasi para sa akin, ’yung gano’ng kalooban na maise-share mo sa ibang tao, that’s priceless, e. 

 “Ang beauty kasi, madali ’yan. P’wede ’yan mag-make-up. Pero dapat, parehas kang meron pero ang mas mahalaga kung ano ang nasa kalooban mo at kung ano ang meron ka para sa ibang tao at para sa sarili mo.”

Umuugong palang ang balitang magda-judge si Marian sa Miss U—kahit wala pang kumpirmasyon—ay may mga namba-bash na kay Marian tungkol dito kasama na ang pagme-menos sa kakayahan niya sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Noong si Lea Salonga naman ang naging judge ng Miss Universe, na-criticize din ito dahil sa ibinato nitong tanong.

Deadma lang daw si Marian dahil aware naman siyang no one can please everybody.

“Ang hirap kasing sabihin na, nando’n ako, okey… hindi naman kasi lahat ng tao mapi-please mo. Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi.

“Basta ako, pupunta ako do’n, gagampanan ko kung ano ang dapat kong gampanan. Magiging patas ako. At the same time, ’yun nga, ie-express ko ang sarili ko nang naaayon sa nararamdaman ko.

“Ngayon kung may masasabi, parang hindi ko ’yun iintindihin. Artista ako, alam ko… never ako, kahit saan kayo maghalungkat ng interviews ko, never akong pumatol sa kahit ano.

“So, wala akong time, sorry ha,” natawang sabi niya.

“Ako ngayon, nasa alapaap. Nagpapasalamat and very thankful and honored na mangyayari ito. Na minsan lang akong mabigyan ng ganitong pagkakataon. So, I will grab the opportunity and buong-puso ko siyang tatanggapin.”

Buong-buo din naman ang suporta kay Marian ng kanyang Mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, sa opportunity na dumating na ito sa kanya.

“Sobrang supportive ng asawa ko,” nakangiting patuloy ni Marian. “Actually, noong tinawagan ako nila Direk Mike [Tuviera], si Dong agad ang una kong tinawagan. Sabi ng asawa ko, ‘Wow, nakaka-proud naman! You have to go there.

“So, gano’n agad ang sinabi niya sa akin. Nakakatuwa na gano’n ang suporta niya.”

Sa huli, naitanong din kay Marian kung sakali raw at sa paglaki ng anak na si Zia ay gustuhin din na sumali sa beauty pageant, papayagan ba niya?

“Well, kung ’yun talaga ang gusto niya, susuporahan ko siya. Pero siguraduhin niya lang na maganda ang adhikain niya para sa ibang tao.”

Nakahanda na umano ang mga isusuot na gowns ni Marian sa Miss Universe. At sa mismong pageant night, gawa raw ni Francis Libiran ang susuutin niya. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.