Marian Rivera, mas busy pa ngayong pandemic; kaya sa hiling ni Zia ng isa pang kapatid...”D’yos ko!”

PHOTOS: @marianrivera on Instagram

PHOTOS: @marianrivera on Instagram

Kahit may pandemic ay hataw ang celebrity mom na si Marian Rivera ngayon sa dami ng kanyang ginagawa.

Sa naging virtual interview sa kanya ni Aubrey Carampel na umere kahapon, December 8, sa 24 Oras, ibinalita ng Kapuso actress-entrepreneur ang tungkol sa expansion ng kanyang flower business.

Bata pa lang daw ay hilig na talaga ng aktres ang bulaklak. At ang pagkahilig n’ya dito ang naging daan para gawin n’ya itong negosyo kaya nagkaroon ng Flora Vida by Marian.

Bata pa lang talaga ako, naka-ingraine na sa akin at nakatatak na sa akin ‘yong mga flowers,” pagbabahagi ni Marian sa interview. “Siguro itong mga flower elements na ito ay palaging present sa buhay ko. Naiiba lang siguro through expression…sa damit, sa dried flowers o kaya sa mga gamit sa bahay. But still, nasa puso’t isip ko talaga s’ya.

Kung dati ay panay bulaklak lang ang negosyo ni Marian, this time ay pinalaki n’ya pa ito. Kahapon lang ay ini-launch n’ya ang Flora Vida Home for her home collection gaya na lang ng furnitures at home decors.

Na-inspire daw kasi ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang mga naging travels abroad. 

"It all started when I fell in love with this toile fabric that I saw in one of our trips to Europe years ago,” share n’ya sa kanyang Instagram post. “Since I have always been attracted to delicate and elegant prints, I told myself that I would want to experience having these pieces in my home, and so I did. These have brought calming and soothing vibe that definitely brightened our home.”

Kung imported man ang ibang fabrics niya mula sa Europe, proudly Pinoy-made naman daw ang mga furniture at ottoman ng Flora Vida Home na gawa ng mga wood carvers from Laguna.

Sey pa n’ya, pag dating daw sa designs ay ikinukonsulta n’ya ito sa kanyang mister na si Dingdong Dantes na partner n’ya sa pagde-deliver ng kanyang products via dingdong.ph. 

Gustong gusto talaga n’ya, e,” masayang paglalahad ni Marian sa pagiging enthusiastic ni Dingdong sa business n’ya.

Minsan, parang ‘yong bulaklak. Sasabihin n’ya, ‘Saan ang delivery?’ S’yempre, dingdong.ph ang nagde-deliver ng mga flowers ko na… ‘Saan ‘yan?’ ‘D’yan sa Ortigas. ‘Anong address? Ako na ‘yan.’ S’ya [‘yong] nagmo-motor. Hinahatid n’ya ‘yong bulaklak,” natatawang sey ni Yan. 

Sa kabila ng pagiging businesswoman ay hands-on mom pa din ang aktres sa baby nilang si Sixto at panganay na si Zia na kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 5th birthday.

At medyo nagulat pa ang 36 -years-old celebrity momma sa naging wish ni Ate Zia. 

Maliban kasi sa hiling nito na maging ligtas ang family nila at mga kakilala ngayong may pandemic ay gusto pa daw nito ng isa pang kapatid.  

Gusto raw n’yang magkaroon ng kapatid,” pagsisiwalat ni Marian. “O, ‘di ba… ng kapatid pa. D’yos ko.”

Morever, sumabak na din sa teatro ang prized actress ng Kapuso network. 

Kabilang s’ya ngayon sa adaptation play ng Tanghalang Ateneo na O3d1pu5_R3x [Oedipus Rex] na mapapanood naman next year. 

Sabi ko nga tuwing nagra-run through at nagto-throw lines kami kinakabahan ako,” pag-amin n’ya. “Hindi ko alam kung kaya kong gawin. 

“But sabi ko, ita-try ko ‘yong best ko na gawin lahat para at least hindi ako mapahiya na ako ‘yong pinili n’yo sa character na ‘to,” pagtatapos ni Marian.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang balak gumawa ng ECQ baby; “Doon na muna kami magpo-focus sa dalawa (Zia at Sixto).”

Marian Rivera celebrates “World Day of Human Milk Donation” by donating her excess breast milk anew

Find out why Eugene Domingo calls Marian Rivera “the most gracious" and "the sweetest.”

Pika's Pick: Marian Rivera to make theater debut in Tanghalang Ateneo play Oedipus Rex

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.