Marian Rivera, nanariwa ang mga sugat sa puso dala ng pagkakawalay sa ina habang ginagawa ang OFW docu sa Israel

Sa docu, naging open si Marian Rivera at ang Mama niyang si Amalia, sa mga hindi nila napag-uusapang emosyon o damdamin noon lalo na noong mga panahong nag-trabaho nang matagal sa abroad ang huli; habang si Marian ay lumaki sa poder ng lola niya sa  Cavite. Sa Miss U: The Journey to the Promised Land, nagpa-iyak din kay Marian ang interview niya sa isang OFW nanay sa Israel dahil habang kausap niya raw ito ay nanariwa din ang lahat ng sugat na nalikha ng pagkakawalay niya sa sariling ina noon.

Photos: @marianrivera

Sa docu, naging open si Marian Rivera at ang Mama niyang si Amalia, sa mga hindi nila napag-uusapang emosyon o damdamin noon lalo na noong mga panahong nag-trabaho nang matagal sa abroad ang huli; habang si Marian ay lumaki sa poder ng lola niya sa Cavite. Sa Miss U: The Journey to the Promised Land, nagpa-iyak din kay Marian ang interview niya sa isang OFW nanay sa Israel dahil habang kausap niya raw ito ay nanariwa din ang lahat ng sugat na nalikha ng pagkakawalay niya sa sariling ina noon.

Ipalalabas na ngayong araw ng Sabado 2:30PM sa GMA-7 ang Miss U: The Journey to the Promised Land, ang special documentary na ginawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera—he, behind the camera; while she in front of it—sa Israel. 

Naisingit pa nila iyon ng Kapuso Primetime King and Queen sa maikling panahong ginugol nila sa Israel during the time na naging isa si Marian sa mga judges ng 70th Miss Universe noong December 2021.

Idea actually ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang lahat. Bago pa man sila umalis papunta roon ay bitbit na nito ang konsepto na gumawa ng isang documentary tungkol sa mga nanay na OFWs doon at si Marian, who’s mom was also an OFW, would be it’s storyteller.

Tanda pa namin na pagbalik na pagbalik from Israel, tumutok lang muna si Dong sa promo ng kanyang Metro Manila Film Festival 2021 entry na A Hard Day at pagkatapos ay hinarap na nito ang editing ng docu project nilang mag-asawa.

Nagkaroon ng special screening ang Miss U: The Journey to the Promised Land sa Dengcar Theater sa Quezon City noong May 5. 

Maraming naantig ang damdamin sa mga nanood. At maging si Marian na kahit ikalawang beses na niyang napanood ay hindi pa rin napigilan ang maluha.

Sabi namin kay Marian, parang ito ang pinaka-natural at raw na Marian na mapapanood ng mga tao.

Ang docu ay k’wento ni Marian at ng kanyang inang si Amalia Rivera. Binalikan nila ang mga panahong nag-o-OFW pa ito sa Espanya habang siya ay pinalalaki ng kanyang lola sa Cavite.

Naitahi ito ni Dong at ng kanilang creative team sa istorya ng isang nanay din na ini-interview ni Marian sa Israel.

Ginamit lamang nilang backdrop ang pagda-judge ni Marian sa Miss Universe kaya’t makikitang mag special participation si Bea Luigi Gomez, ang kinakatawan ng Pilipinas sa nasabing pageant.

But it’s really a juxtaposition of two OFW stories, Marian’s mom and the one she interviewed there na kumakatawan sa marami pang magulang na nagsa-sakripisyong malayo sa pamilya para mai-angat ang buhay sa Pilipinas.

Emosyonal pa rin si Marian nang hilingan itong magsalita pagkatapos ng special screening.

“Hindi ko alam kung paano ako mag-start,” panimula niya.First time kong maging open about kay Mama, hindi dahil ready ako, pero ’yun ang nakita ni Dong na sabi niya, parang, ‘I-share natin.’

“Sabi pa niya, ‘Kasi, hindi lahat ng nag-o-OFW ay okey sila. So, ito ang isang pagmulat sa mga mata natin na sinasakripisyo ng nanay o tatay man ’yan ang buhay nila para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak nila.

“So, pagbibigay-pugay ito para sa kanila.”

Nagpasalamat din si Marian sa buong team  na naging bahagi sa pagkakagawa ng docu sa Israel. Nandiyan ang kanyang Glam Team at ang Triple A Management.

At s’yempre, higit sa lahat, sa kanyang asawa.

“Higit sa asawa ko dahil s’yempre, hindi ko naman magagampanan ang lahat ng ito at hindi mabubuo ang Miss U… at ang pangarap na dinadasal ko kung hindi dahil sa kanya.

“So Dad, maraming salamat sa docu na ito. Sabi ko nga sa’yo, iti-treasure ko to dahil ito ang remembrance kung gaano ko kamahal ang Mama ko. So, thank you…” 

Sa screening ay naikuwento sa amin ni Marian na niyaya raw nila ang Mama Amalia niya na manood ng special screening, pero ayaw raw at nahihiya.

Kaya sabi namin kay Marian, sigurado na pag pinanood ng Mama niya ito ngayong Sabado sa telebisyon ay imposibleng hindi rin ito maiyak.

“Sabi ko nga, kuwento namin itong dalawa,” saad ni Marian. “Si Mama kasi, she’s very shy type talaga. The mere fact na na-interview at pumayag siya, very thankful kami na na-open namin.  

“Sinasabi ko nga, kapag may viewing, manood ka, sabi niya, ‘Ayoko. Marami na namang tao, nahihiya ako.’ Alam mo ’yun? So, for the first time, napapayag ko siyang magpa-interview at i-share namin sa mga tao ang kuwento naming mag-ina na makakapagbigay inspirasyon sa mga tao.”

Sa docu, naging open si Marian at ang Mama niya sa mga hindi nila napag-uusapang emosyon o damdamin noon lalo na noong mga panahong nag-trabaho nang matagal sa abroad ang Mama niya; habang si Marian ay lumaki sa poder ng lola niya sa  Cavite.

Sa Miss U: The Journey to the Promised Land, nagpa-iyak din kay Marian ang interview niya sa isang OFW nanay sa Israel dahil habang kausap niya raw ito ay nanariwa din ang lahat ng sugat na nalikha ng pagkakawalay niya sa sariling ina.

Paniguradong magpapaluha din ang parteng ito ng docu sa mga manonood—lalo na sa mga ina at mga anak.

Sa docu, inamin nga ni Marian na nagkaroon talaga siya ng tampo o sama ng loob noon sa Mama niya. At nang hingan namin nang konti pang paliwanag ukol dito, sinabi niyang hindi naman p’wedeng mawala iyon.

“Alam mo, sa totoo lang, hindi naman maiiwasan ng isang anak na magtampo sa isang magulang, lalo na kung hindi natin naipapaliwanag nang mabuti kung anong dahilan kung bakit umalis,” pag-e-elaborate niya sa amin.

“Kaya sabi ko nga, mahalagang-mahalaga na very open ka sa nararamdaman mo sa anak mo at mga dahilan kung bakit mo sila iiwanan. Naniniwala ako na kapag open ka sa mga anak mo at alam nila kung bakit umalis ka, walang gap na mangyayari.”

“Oo, mangungulila, pero nauunawaan ng anak kung bakit kailangan niyang umalis,” diin pa niya.

Bilang isang ina na rin ngayon si Marian, relate siya sa part na siya naman ang nag-iwan—kahit saglit lang—kina Zia at Sixto—para sa Miss U stint niya. First time niya kasing mawawalay sa mga ito nang mahaba-habang panahon. Ang kaibahan lang, may katuwang ng technology ngayon para nakakausap pa rin niya ang mga ito sa araw-araw.

Dahil dito, nahiningan din namin siya ng payo sa mga anak, partikular ang anak na may nakatanim o nararamdamang galit sa kanyang ina o magulang, dahil sa isip nila, sila ay iniwan.

“Naku, ayon sa aking experience, sabi ko nga, iba-ibang situwasyon. Mahirap magbigay ng advice,” asiwang sagot niya.

Kaya ang ibinahagi niya ay ang payo sa kanya ng lola niya.

“Pero ayon sa aking naranasan, tama talaga ang Lola ko. Sabi niya, ‘Wag kang magtatanim ng sama ng loob sa magulang mo. Kasi, walang nagiging successful kapag may galit ka sa magulang mo.’

“‘At nandiyan ang nanay mo o sino mang magulang na nagsasakripisyo para sa anak nila. So do’n pa lang, makikita mo na kung gaano ka kamahal ng nanay mo.’”

Umaasa raw si Marian na maging inspirasyon ang kanilang docu para magkabati at magka-ayos ang  mga relasyon anak at magulang na ginambala ng distance.

“’Yan ang palagi nating ipagdarasal na dahil sa documentary na ’to, marami tayong ma-open or marami tayong mabuksan na mga pusong nagsara para sa mga magulang nila.”

Ang Miss U: The Journey to the Promised Land

ay binuo ng Agosto Dos Media production ni Dingdong at ng APT Entertainment sa pakikipagtulungan ng GMA 7.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.