Marian Rivera, tumangging magbigay ng advise ukol sa mga problematic relationships sa showbiz

Bukod sa GMA-7, co-produced din pala ng APT Films at Agostodos production house ni Dingdong Dantes ang sitcom nilang Jose and Maria’s Bonggang Villa. May balak na ding pasukin ni Marian Rivera ang pagpo-produce soon? “Ay ‘yung asawa ko ‘yun, ‘yung Agostodos,” natawang sabi ni Marian. “Wala naman akong alam sa ganyan. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi mo alam.”

Bukod sa GMA-7, co-produced din pala ng APT Films at Agostodos production house ni Dingdong Dantes ang sitcom nilang Jose and Maria’s Bonggang Villa. May balak na ding pasukin ni Marian Rivera ang pagpo-produce soon? “Ay ‘yung asawa ko ‘yun, ‘yung Agostodos,” natawang sabi ni Marian. “Wala naman akong alam sa ganyan. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi mo alam.”

Ilang beses na ring nakakahalubilo ng mga entertainment press ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at dahil ’yon sa halos magkasunod na contract signing niya bilang Kamiseta Skincare Clinic at Kamiseta Skin Blancare Lotion celebrity endorser.

Bukod sa ilang entertainment press and vloggers, present din ang ilan sa mga loyal fans ni Marian sa more recent contract signing niya para sa Kamiseta Skin Blancare Lotion na ginanap sa Manila Peninsula.

Lumabas na rin ang teaser ng pagbabalik pag-arte niya sa telebisyon, ang sitcom nila ng mister niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. It’s called Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Kaya masasabi ngang hudyat na ang lahat ng ito nang tuloy-tuloy niyang pagbabalik at pagiging visible muli bilang isang Kapuso.

“Yes, definitely,” positibong sagot niya sa amin.

“Siguro kasi, zero talaga ang pag-accept ko ng projects, but this time, um-oo ako.”

Aminado naman si Marian na na-miss naman daw niyang talaga ang pag-arte.

“Miss na miss naman,” sey niya. “Kaya nga eto, babalik na kami sa sitcom. At saka, gusto ko na light muna pagbalik ko, ‘wag munang heavy drama.”

Bukod sa GMA-7, co-produced din ang Jose and Maria’s Bonggang Villa ng APT Films at Agostodos ni Dingdong.

Siya ba ay may balak ding pasukin ang pagpo-produce?

“Ay ‘yung asawa ko ‘yun, ‘yung Agostodos,” natawang sabi ni Marian. “Wala naman akong alam sa ganyan. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi mo alam.”

Ipinanganak daw ang idea ng Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa sa bahay nila during the pandemic. In fact, naglalabas na sila ng mga short videos nilang mag-asawa about it sa kanilang YouTube account.

“Kasi ’di ba, sa bahay noong pandemya, kami ang gumagawa ng mga pinapalabas namin, e, si Dong ’yung nagdi-direct.”

Pero muling iginiit na Marian na hindi pa naman daw niya naiisip na pasukin talaga ang production at maging ang pagma-manage ng talents katulad na lang halimbawa ni Maja Salvador na merong sariling talent agency.

“Naku, ang daming kailangang isipin. Kasi, may mga anak ako na mas kailangan kong bigyan ng prayoridad.”

Samantala, masaya niya ring ibinahagi na ang magiging taping nila ni Dingdong para sa sitcom ay hindi umano required na mag-lock-in taping.

“Uwian na, pero siyempre, meron pa rin kaming rules sa taping na kailangan naka-RT PCR. Baka p’wede naman ‘pag umuwi ng bahay, you need to rest lang talaga, wag nang lumabas. 

“Protektahan mo ’yung sarili mo at the same time, mapo-protektahan din ang mga katrabaho mo.”

Ayon pa kay Marian, nitong pandemic ay mas lalo pa raw nilang nakilala ni Dong ang isa’t-isa at masasabing mas na-in-love pa sila at mas naging solid ang relasyon nila.

Pero kumpara sa kanilang dalawa, hindi rin maitatanggi na marami ring relasyon na naging mahina ang kapit sa isa’t-isa dahil din sa pandemic.

Nang tanungin tungkol dito...

“Naku, siguro wala ako sa posisyon na ikumpara ang relasyon namin do’n sa mga hindi naging okay na pamilya,” mabilis na salag niya, “At wala rin ako sa posisyon na magbigay ng advice dahil hindi naman perfect ang pamilya namin.”

“Ang realization sa akin, ano lang talaga, kapit lang kay Lord,” dagdag niya. “Lahat posible sa Kanya. Lahat gagawin Niyang posible para sa‘yo, basta magtiwala ka lang sa kanya.”

Kahit balik taping na si Marian, naniniwala siyang wala pa rin naman daw mababago in terms sa pag-aasikaso niya sa mga anak na sina Zia at Sixto.

“Gano’n pa rin naman,” saad niya. “Ina-assume namin na nando’n pa rin ako for the kids. Ang sitcom is just 16 taping days for one season.”

Paano kung may Season 2?

“Ay kung may Season 2, ibang usapan na ‘yan. Ang gusto namin, forever,” natatawang sabi niya.

Kung mapapansin, kumpara noong wala pang pandemic na madalas ay nagbabakasyon sila sa ibang bansa, ngayon ay hindi pa raw talaga hangga’t wala pang vaccine ang bunso nilang anak na si Sixto.

“Wala pang vaccine si Sixto, so baka naman after few months, maglabas na sila sa mas mababang mga bata.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nagbabalik-acting na si Marian Rivera, sa possible project nila ni John Lloyd Cruz: “DongYan [project] muna tayo...priority ko si Dong.”

Sitcom ng mag-asawang DongYan (Dingdong Dantes at Marian Rivera), kasado na

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.